Chapter 13

2 0 0
                                        

Chapter 13

"The game starts"

Sa mundong ibabaw ay may iba't ibang katangian ang tao. Tao na nagbabalat-kayo bilang malakas at tao na nagbabalat- kayo bilang mahinang nilalang. Ngunit sa katangiang iyon ang mahina ay siyang malakas at ang malakas naman ay siyang mahina. Alin nga ba ako sa dalawa?

Hindi ko alam.

Napabuntong hininga ako habang nilalakad ang mataas na hagdan. Samo't sari ang siyang nararamdaman ko ngayon. Takot, kaba, at inis. Naduduwag ako. Hindi dahil ayaw ko pang mamatay ngunit sa kadahilanan na baka sa bukas na araw ay hindi ko na masisilayan ang aking pamilya na umaasang makakabalik pa ako sa tahanan na siyang aking kinalakihan.

Dahan dahan ang siyang pag lapat ng aking mga paa sa sahig. Kong mayroon lang talagang paraan para mapadali itong gagawin ko ay ginawa ko na. Hindi siya madaling lasunin. Hindi siya madaling patayin. Hindi siya madaling putulan ng leeg.

Kaninang umaga habang palabas na ako sa aking silid ay balita na ang pangyayari patungkol sa insidenteng nangyari kagabi. Mali ang siyang naging tsismis nila. Ani pa nila'y nag nakaw ay aking kasama kaya't naparusahan siya ng isa sa mga guwardiya. Kong alam lang nila kong gaano ka laking kasinungalingan iyon ay talagang mapanganga sila.

Halos hindi ako mapakali nang papalapit na ako sa silid ng bagong Hari ngunit napanatag naman ako nang sabihin ng guwardiya na maghintay nalang daw muna ako sa loob dahil may importanteng pag uusap pa ang Hari at ang kaniyang mga sinakupan na opisyales.

Dahil wala siya sa oras na ito'y ginawa ko ang dapat kong gawin. Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kaniyang silid. Malinis at maaliwalas. Nadaragdagan ang kaniyang libro at may pagbabago ng kaunti. Minabuti kong huwas lumikha ng ingay dahil may mga guwardiya sa labas. Pag nalaman nila ang ginagawa ko ay talagang hindi lang maliit na parusa ang makukuha ko.

Lumapit ako sa kaniyang lamesa. Patawad mahal na hari ngunit talagang hindi makatarungan ang ginagawa mo.

Talagang ginawa ko ang lahat at hinalungkat ang mga papeles na nasa kaniyang lamesa ngunit ni isang ideya ay wala akong natagpuan. Talagang mapag-lihin ang isang 'to.

Hindi ako puwedeng sumuko na lang. Kung hindi ko talaga mahalungkat ang kahinaan niya ay hahanap nalang ako ng bagong plano.

Pambihirang buhay 'to. Kung hindi lang talaga tanga sa pag ibig ang ginoong Hermano at hindi agad sinuko ang makapangyarihang itim na bato ay maayos at maganda sana ang kapalaran naming mga tao ngayon. Hindi ko rin naman siya masisi dahil tuso ang babaeng nagbighag ng kaniyang puso. Pero idyota parin siya. Gaano ba kadali para sa kaniya na mas piliin ang bruha kaysa sa kaniyang sinasakupan.

Dahil sa naging aksyon niya ay sandaling napatahimik ang mundo naming mga tao. Sa naging maling galaw niya ay sa isang iglap nawalan kami ng kalayaan. Naging isang kaawa awa at mangmang na nilalang na kami. Walang lakas at mahina. Sa kay tagal na panahon ay ito narin ang nakagisnan ng lahat. Tinanggap na namin na ang kapalaran naming mga tao ay kakarimpot na oras at panahon lamang ang mamuhay sa mundong ito.

Siguro'y ganito na lamang kami ngunit kong gagawa ako ng aksyon tulad nang naging laro nila sa kay tagal na panahon ay maaring mayroon pang pag asa.

Sandali akong napatigil nang sumagi muli sa aking isip si Ria. Ang maliit nitong mukha, ang matangos nitong ilong, ang manipis nitong labi, ang mataas nitong pilikmata. Lahat nang detalye ng kaniyang mukha ay alam ko. Sandaling kumirot ang aking puso.

Malakas siya at kaya niyang ipaglaban ang kaniyang sarili. Ngunit ng gabing iyon ay iba ang naging pakiramdam ko. Naging mahina siya. Duon ko lamang naisip na mahina siya. Hindi niya kayang ipaglaban ang sarili niya dahil ang bampirang 'yon ay isang hari.

Hindi ko din maintindihan ang babaeng 'yon. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya sa akin kagabi. Sana man lang bago siya nawala ay nag iwan muna siya ng eksplanasyon sa mga kagagawan niya. Kung papaanong naging isang bampira din siya. Gagawin niya pa yata akong manghuhula sa mga pangyayari.

Napatayo ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si prinsipe Evette. Seryoso ang kaniyang pagtitig sa akin at hindi ko mawari ang kaniyang iniisip.

Kahit nasa kalayuan siya'y hindi ako mapakali saking kinatatayuan parang gusto ko nalang kumawala at tumalon sa bintana ng palasyo. Wala akong ideya kong ba't palakas nang palakas itong pagtibok ng aking puso. Bakit ba ako kinakabahan?

"M-magandang umaga po." Wika ko at yumuko bilang pag galang.

Nanginginig ang aking mga paa at nanghihina. Hindi ko alam kong paano pakalamhin ang sarili. Maaari lang siguro akong kakalma kapag nawala na ang kaniyang presensya sa silid.

"Yeah whatever, I don't even have an idea why I am here." Naiinis niyang tugon at agad na sinara ang pintuan.

Napakunot naman ang nuo ko sa naging aksyon niya. Sandaling kumirot ang puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Ni hindi naman kami magkasundo. Ni ayaw naman namin sa isa't isa. Tsk. Bahala siya. Kung ayaw niya sa akin ay mas lalong ayaw ko din sa kaniya!

Huwag ko nalang itong iisipin dahil mas lalong sasakit ang ulo ko sa pag iisip ng hindi naman makabuluhang bagay.

Inabala ko nalang ang aking sarili sa paglilibot sa silid ng hari. Buong araw yata siyang wala dahil natapos nalang ang siyang paghahanap ko ng kong ano ano sa kaniyang silid niya ay hindi parin siya dumadating.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan ang oras. Pagkagising ko ang madilim na ang silid sa loob. Nakakapagtataka lang at may unan na ako't nasa isang malambot na akong higaan. May lamparang nakalapag sa gilid ng lamesa.

"So you're awake now?"

Napatalon ako sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Naririnig ko ang dahan dahang pag lakas ng tibok ng aking puso na parang anumang oras ay lalabas na ito sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan ang labis na pag-lukso ng puso ko. Napano ba ito?

"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan kong tugon.

Nilayo niya na ang kaniyang sarili at sa sandaling iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Naging normal na ang siyang paghinga ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Hindi mawala ang ngisi sa kaniyang labi na mas lalo ko pang kinainis sa kaniya. Kailan ba siya mawawala sa buhay ko?

Nitong nakaraang araw ay nararamdaman kong umaaligid ito sa aking paningin. Hindi ko naman alam kong anong nais niya.

"Para magtrabaho." Sagot ko naman. Hindi ko tinatanan ang mga mata niyang mapanuri at tila kinikilatis ang siyang buong pagkatao ko. Siguro'y kong mambabasa ito ng utak ay alam niya kong anong takbo ng utak ko ngayon.

"Liar." Wika niya at umalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now