CHAPTER TWO

104 8 0
                                    

        "Uy pare kanina ka pa diyan sa cellphone mo ah? Sino ba yan bago mong chicks?"  may pilyong ngiting tanong ni Isamael.

         Nailing na lang ako.  "Ganon na ba ako kababaero pare at yan agad pumasok sa isip mo ha."

          "Hindi naman pero Kasi seryosong seryoso ka dyan e. Sino ba yan si Myca ba? Ano kunukulit ka na naman?"

          "Hindi. Tara na nga sa loob ng maka-inum na."  aya  ko dito.

          Andito kami sa Blue Bar na lagi naming tinatambayan kapag Friday night. Oo apat na araw na akong hindi nirereplyan man lang ni Lily kahit tawag wala. Dati nakakatiis akong hindi marinig ang boses niya hay naku...baka kasi alam kong may cellphone na siya kaya umaasa akong sasagot siya sa tawag o sa text ko.

          Nakakailang beer na ko ng tumunog ang cp ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa. Napangiti ako. Sa wakas sumagot siya.

         "Hey! Hey! Hey! Mukhang may kinikilig sa 'tin. Sino ba iyang katext mo Noah?"   si Robert.

         "Shut up. Dude!"  natatawang saway ko  sa kanya.

         "Wait nakangiti si Noah. It only means na Hindi yan si Myca! Sigurado akong new chicks mo yan. Maganda ba pare? Share mo naman picture nya oh." 

          "She's not my chicks Glenn. She's more than that."  tumayo ako at saka naglakad palayo tatawagan ko siya...gusto kong marinig ang boses niya.

Isang ring pa lang nang sagutin agad ni Lily. Bigala akong natawa...siguro talagang namiss na niya ako.

        "Hello. Noah."  ang cute pala ng boses ni Lily sa telepono.

        "Hi. Musta naman?"  sumandal ako sa pader hindi ko mapigilan ang mapangiti siguro nga kinikilig ako...matagal ko na kasi siyang crush hindi ko lang kayang aminin baka kasi bigla siyang magbago nang pakikitungo sa akin.

         "Eto...madami akong assignment eh. Tapos ang sungit pa ng Math teacher namin. Ay oo nga pala diba magaling ka sa Math?"

          "Math? Madali lang yan Lily. Ummm sige ano bang problem Yan?"

          "Naku baka maubos load mo wag na lang magpapaturo na lang ako kay Bernard."

          Nagpantig ang tenga ko Ng marinig ko ang pangalan ng lalaking yon.  "NO! Hindi kita pinapayagan na magpatulong dun sa lalaking yon. Saka may linya ang cp ko kaya hindi ako mauubusan ng load. Understand?"

          "Okay. Sige. Sandali kunin ko lang."  narinig kong tumayo si Lily. Wow. Sarap sa pakiramdam na tinuturuan ko siya. Parang kami na nga kung tutuusin kaso si Lily halatang walang amor sa akin...Hindi naman ako panget? Matangkad naman ako matangos ang ilong...may pera o baka iba ang tipo niyang lalake.

          "Hello Noah ito na...". binasa niya lahat ng problem sa Math. Inisa isa ko namang ipinaliwanag. Inabot kami ng halos Isang oras sa pagsagot ng Math pero nag enjoy ako...hay my little flower…

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Jack kadarating lang niya.   "Ano pare bagong chicks?"

         "Hindi. Sige na Jack pumunta ka na dun sa loob nakakaistorbo ka eh." 

         Ngumisi ito. Yung tipong manyak.  "Pakilala mo sa amin para makilatis."

         Itinulak ko na ito palayo.  "Ewan."

         Naku baka pagkaguluhan pa nila si Lily ko...kapag nakakita pa naman Ng mga babae parang mga nababaliw.

         "Hello Noah. Sino yun?"

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon