CHAPTER EIGHT

91 8 0
                                    

       Pinagmasdan ko ang Building na nasa harapan ko. Medyo old style ito pero maayos naman. Sinadya ko talagang pumunta dito.

       "Goodmorning po Sir."  magalang na bati sa akin ng Guard.

       Tinanguan ko ito. "Goodmorning din ho. May Appointment ho ako kay Mrs. Mendoza."

        "Naku kayo ho ba si Mr Sandoval?"

        "Ako nga po."

        "Sumunod po kayo sa akin Sir."  sinamahan niya ako sa Conference Room. Pagpasok ko tumayo silang lahat. May tatlong lalake ang andun siguro sila na ang hinahangaan ni Lily na 3rips... Naku baka ipagpalit niya ako sa mga ito pagkatapos ng debut niya. Sila ang Isa sa mga sorpresa ko para sa kanya.

       "Good morning Mr Sandoval."  bati nilang lahat sa akin. Ang alam ko 5 years ang tanda nila sa akin. Saka may mga asawa na sila at ayon sa mga Marites loyal silang tatlo sa mga asawa nila.

Umupo ako sa kabilang dulo ng mesa. Pinagmasdan ko silang mabuti... mga guwapo nga at halos kasing taas ko silang tatlo yon mga lang marunong silang kumanta at sumayaw ako hindi.

       "So how much?"  deretsong tanong ko.

       "Sir as you can see 3rips are one of the most popular boy group nowadays so we decided to come up with 8 songs for the prize of 500k."

         I nodded.  "Okay. Price doesn't matter  as long as Lily is happy."  I pulled out my cheque and write a seven digit number. I hand it to her secretary.

       "Mr Sandoval napakalaking halaga nito."  Gulat na gulat si Mrs Mendoza nang iabot iyon sa kanya ng kanya Sekretarya.

       "It's once in a lifetime. At gusto na maging special and araw na yon. Ako ho ang magbibigay nang mga kantang kakantahin nila. Tingin ko ayos na lahat. May pupuntahan pa kasi ako."  paalam ko sa kanila.

        Sunod na pinuntahan ko ay ang Red gown na pinasadya ko para sa kanya. May venue na  napagdadausan ng debut niya at doon yon sa 1819 Royale Hotel and Resorts sa Zambales.... pag-aari iyon ng second cousin kong si Diemoon. Sabi niya sagot na raw niya ang venue o di sagot na niya. So Cake na lang ang kulang. Meron na akong nakausap na catering. Kelangang plantsado lahat. Next month na iyon. Naibook ko na din ng ticket sina nanang Ester at sina ate Nancy at ate Flor…

"Lily. Inaantay mo na naman ba si Noah?"  pareho kaming naka upo ni Clarisse sa Waiting area ng Campus.

       Naalala ko ang sinabi ni Noah na wala siyang tiwala kay Clarisse.  "Ang tahimik mo ata Lily?"

       "Ummm may naisip lang kasi ako."

       Nakangiti ito sa akin pero parang nawala na rin ang tiwala ko sa kanya. Naisip ko tuloy kung bakit ganun na lang siya kagalit kay Noah. Naalala ko nung nagiskandalo siya at sa unang pagkakataon may pinalampas akong tao na nanakit kay Noah. Nabigla ako ng lumapit siya at sinampal si Noah habang nagpapractice sila at paulit ulit niyang sinasabing 'napakababaero mo Noah'  samantalang simula ng sagutin ko ito wala akong nakitang ibang babaeng kasama niya maliban sa akin. Naputol ang iniisip ko ng magsalita uli si Clarisse.

       "Malapit na ang Birthday mo diba?"

       "Oo. Bakit?"

       Nakita ko ang lungkot sa mukha niya.  "Sigurado ako na paghahandaan. Yun ng husto ni Noah. Diba taon taon nagsi-celebrate kayo ng Birthday mo.."

       "Oo...". kunot noo kong sagot.  "Bakit ikaw hindi ka ba nagse-celebrate?"

       Tumingin siya sa akin.  "Nagse-celebrate naman pero hindi ko kasama yung taong gusto ko... kaya naiinggit ako sayo kasi Ikaw kasama mo yung taong gusto mo....". tumawa siya.  "Ang tatag nyo ni Noah ano."

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon