CHAPTER ELEVEN

99 7 2
                                    

       Dalawang Buwan na simula ng mangyari yung panghahalay kay Lily. Dinala ko siya sa Ospital... nawalan kasi siya ng malay kanina.

       Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Doktor. Nagdadalang tao daw si Lily. Gumuho ang mundo ko. Parang gusto kong bumalik ng Maynila para burahin sa Mundo si Brandon Gonzalez ang tao abuso kay Lily. Pero sa isang bahagi ng isip ko may nagsasabi na baka sakin ang Bata. Isa pa may nangyari sa amin bago umeksena ang isang yon.

       Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Lily. Gising na siya pero nananatili siyang tulala lamang. Hindi na din gaanong nagpapakita si Roseta kaya bumalik uli si Lily sa pananahimik niya. Hindi ko rin naman alam kung saan hahanapin Ang dalagitang may pakpak na yon. Humakbang ako palapit kay Lily.

     "Noah...". mahinang tawag niya sa akin.

     Hinagkan ko siya sa pisnge. Saka ako umupo sa tabi niya.

     "Buntis ako..."  I gasp. I didn't know what to say. Nagpatuloy siya.  "A-ayoko sa batang to Noah...gusto ko siyang mawala."

      Kinilabutan ako sa sinabing yon ni Lily. Pero hindi ko siya masisisi... Alam kong hindi siya ganong klaseng tao. Pero Hindi ko din alam ang dapat kong isagot sa kanya.

      "Ummm tingin ko si Baby akin siya. Kasi diba may nangyari sa atin so akin yang Baby----"

      Umiling siya.  "Nandidiri ako sa batang to. Gusto ko siyang mawala. Ayoko sa kanya!"

      "Lily hindi maganda yang ganyang isa pa  Baby yan diba wala siyang kamuwang muwang isa pa nakahanda akong maging Tatay niya.". paninigurado sa kanya.

     "Hindi Noah. Hinding hindi ako magpapakasal sayo! Iniwan mo kasi ako kaya nangyari lahat to! Ayaw ko sa batang to!"  nabigla ako sa mga sinabi niya... pero may tama din naman siya. Kung Hindi ko siya iniwan sa Hotel room hindi magkakaganito.

      Nagwala si Lily pinagsusuntok niya ang sariling tiyan. Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay. Buti at may nakarinig na Nurse at agad itong tumawag ng tulong.

      "BITIWAN NYO AKO!!!!"  may ininject sila kay Lily at maya maya pa ay nakatulog na ito.

       "Lily...". niyakap ko siya.  "Anong ginagawa nyo?"  tanong ko ng mapansin kong itinatali nila ang mga paa nito.

      "For safety lang po ng bata baka ulitin na naman po kasi niya.". tumango na lamang ako. Itinali din nila ang kamay ni Lily.

      Hindi ko siya iniwan. Yon ang hinanakit niya sa akin. Dahil iniwan ko siya. Maganda si Lily kahit saang angulo hindi siya nakakasawang tignan. Bukas sana maging okay na siya. Ayokong ipa-abort ang Bata dahil baka sa akin siya... ayokong magsisisi sa huli... Ngayon ako mashigit na kelangan ni Lily.

Magdamag akong nagbantay kay Lily. Umaga na. Isa isa kong kinalas Ang mga nakatali sa kanya. Hindi naman siya marahas na tao. Baka nabigla lang siya sa nalaman nila kagabi.

      Bahagya kong isinuklay. Ang mga daliri ko sa buhok nito. Kahit kanino pa yang dinadala mo tatanggapin ko yan... sana bumalik ka na sa dati.

      Gumalaw si Lily. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.  "Noah?"

      "Yup. Ako nga. May gusto ka bang kainin?"  tumango siya.

      "Gusto ko ng Tinolang Manok."  agad kong tinawagan si Mang Tonyo para bumili ng Tinolang Manok sa Canteen ng Ospital. Ayoko kasing iwanan si Lily.

      "Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?". tanong ko.

      Umiling siya.  "M-magkakababy na tayo diba?"

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon