Sasayaw muna sila para sa intermission number nila habang nag-uusap Ang mga judge. Pumuwesto na sila sa gitna nang tumugtog na ang Trumpet.
Naghiyawan ang mga audience Ng magsimula na silang gumiling---este sumayaw! Grabeh lahat naman magagaling sumayaw pero iba ang dating ni Lily o baka sa akin lang. Ang galing ng giling niya parang si Shakira. Sh*t. Mukhang may naiisip akong hindi maganda. No Noah Mali yan at magagalit lang si Lily. Grabeh ang ingay! Kanya kanyang tili at hiyawan. Enjoy na enjoy naman ang mga Contestant kakasayaw kahit pano naappriciate ng mga nanonood ang performance natapos din ang kahibangan ko este---sayaw nila.
Nagsalita na muli ang MC. Unang inanounce ang Best in Sports wear at napunta iyon kay Contestant no.16 classmate ni Lily. Sunod ang Best in swimwear napatalon ako ng tawagin Ang numero ni Lily...nakigulo kami kasama ng mga classmate niya. Sunod ang Best in Talent...napatalon uli ako ng tawagin uli ang numero ni Lily. Dalawang award na ang nakuha niya okay na yon kahit hindi niya masungkit ang major award.
"Okay may konteng announcement lang. Napagkasunduan ng judges na ang award para sa Miss Photogenic, Best in Long Gown ay pag-isahin na lang tutal sa iisang tao Naman daw yon mapupunta. SO ARE YOU READY?"
"YEEEESSSSS!!!!" sagot ng crowd.
"The awards goes to... Contestant... number....Eighteen!" Wow ang dami na niyang hawak na bulaklak pati mga Certificate...kahit si Lily hindi makapaniwala pero nung ipakita sa Big Screen ang litrato niya talaga nga namang breath taking para siyang Anghel na possess ng Devils charm sa picture na yon. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko yon ng litrato. Halos lahat kami yun ang ginawa.
Bumalik si Lily sa pwesto niya dala ang mga award at bulaklak niya.
"The moment that we are all waiting for is here! And the Crown of Miss Hamilton High goes to----- shout your bet!" kanya kanya kaming sigaw ng mga manok namin.
"The Crown goes to--- Contestant--- number Eighteeeeennnn! Our new Miss Hamilton High is Miss Lily Antonio 4th year Camia!"
Umiiyak na naglakad papuntang center stage si Lily...kahit ako napaluha din wow dama ko ang kasiyahan niya. Nagbigay siya ng kaonting speech.
"Thank you po sa Support mga Classmates ko. Sa inyong lahat at sa Basketball Team. Salamat po pati sa Classmates ni Noah. At syempre kay Noah mismo thank you so much. I love you."
What!? Naghiyawan ang crowd sa huling sinabi ni Lily....natulala ako... Totoo ba ito o nananaginip lang ako. Niyugyog nila ako.
"Pare akyat ka daw ng stage. Kanina ka pa tinatawag ng MC." nilundag ko ang nakaharang na barrier saka ako mabilis na umakyat ng stage. Nakangiti sa akin si Lily. Niyakap ko siya...dinig na dinig ko ang dagundong ng puso ko. Hindi ko akalaing sasabihin niya yon at sa harap pa nang maraming tao.
"Okay here is our new Miss Hamilton High Lily Antonio together with her Noah the name she use to replace love. Let's give them the rounds of applause!"
Wow ang sarap sa pakiramdam. Kahit kelan hindi pa ako naging ganito kasaya. Hidni ko alam kung seryoso si Lily sa I love you niya basta para sa akin okay na yon kesa wala. Hindi na ako maghahangad pa. Thank you po Lord god.
MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA araw tatlong taon na kaming magkasintahan ni Lily. Gaya ng dati walang nagbago. Maslalo naming minahal ang isa't isa. College na rin siya sa wakas habang ako.... may trabaho na. Ako na ang nagma-manage Ng mga Business namin. Boto sina Mommy at Daddy kay Lily kasi kilala na daw nila ito simula bata pa kaya walang problema kung maging kami. Dalagang dalaga na din siya. Hindi na siya gaya dati na walang preno... Nga madami pa din ang lumiligaw sa kanya pero umaatras din kapag nakikita nila ako Lalo na sa tuwing ihahatid at sinusundo ko siya.
BINABASA MO ANG
Until then
Teen FictionPROLONGED "Noah!" masayang tawag sa akin ni Lily...kababata ko Siya pero masmatanda ako ng tatlong taon. "Bakit?" Huminto siya sa pagtakbo. "Malapit na ang Birthday ko. Anong regalo mo sa akin?" "Ha? Kelangan pa ba nun?" "Oo! Ang yaman yaman mo t...