CHAPTER THREE

87 6 0
                                    

       Excited ako kaya ang aga kong gumising. Nagtimpla agad ako ng dalawang tasa ng kape. Nakita ko kasing bumaba na din si Noah may dala siyang dalawang jacket.

      "Goodmorning. Lily. Ang aga mo ah hindi halatang excited ka."  sabay tawa niya.

      "Goodmorning din! Oo Kase ngayon pa lang ako lalayo ng Mansyon kaya excited ako."   iniabot ko sa kanya ang isang tasang kape.   "O kape ka muna. Teka gisingin ko si Lola para magkapagpaalam ako sa kanya."

      Tumango siya.

       Bumalik ako sa kuwarto. 3:38am na. Ginising ko si Lola.  "Lola mamaya po aalis na kami ni Noah."

        Umupo si Lola sa higaan niya at niyakap ako.  "Ang laki mo na Apo at napakaganda mo. Wag na wag kang aalis sa tabi ni Sir Noah ha malaki ang Maynila baka mawala ka dun."

        "Opo Lola..."  mahigpit ko siyang niyakap. Alam kong matagal uli Bago kami magkikitang dalawa. Mamimiss ko si Lola.

       "Tara na ihahatid kita sa sasakyan."

       "Opo Lola."

       Nakatayo na sa may pintuan si Noah. Dala na niya ang Backpack ko na kulay Blue. Ngumiti siya ng makita niya si Lola.

      "Goodmorning Nanang Ester."

      "Goodmorning din Sir."  nagpahid na si Lola ng luha niya...kaya umiyak na rin ako habang nakayakap sa kanya.  "M-may tiwala po ako sa inyo. Alagaan nyo po ang Apo ko."

        Tumingin sa akin si Noah.  "Wag po kayong mag-alala Nanang. Aakuin ko po lahat ng responsibilidad kay Lily. Iingatan ko po siya."

        "O Sige na Apo. Pumunta ka na kay Sir Noah. Baka mahuli pa kayo sa biyahe nyo. Hindi ko na kayo ihahatid sa sasakyan."

        "Opo...". lumapit ako kay Noah. Isinuot niya sa akin ang isang jacket na dala niya.

         "Yan. Kasya naman pala. Sayo na yan. O Tara na!"   hinawakan niya ang kamay ko. Lumabas kami ng Mansyon at nagtungo sa nag aantay na sasakyan.

       Nilingon ko uli si Lola saka ko siya kinawayan bago ako pumasok sa backseat ng sasakyan magkatabi kami ni Noah.

        Hindi na ako lumingon pa ng umandar ang sasakyan namin. Hinayaan akong umiyak ni Noah. Alam kasi niyang first time kong mahiwalay kay Lola At sa Mansyon.

Sige ang patak ng luha ko habang nabiyahe kami papuntang Airport. Magkahalo Ang nararamdaman ko... excited kasi ito ang unang beses na makakasakay ako sa Eroplano. Malungkot dahil ito din ang unang beses na lalayo ako sa lugar na kinalakihan ko at sa Lola ko. Kinabig ako ni  Noah palapit sa kanya saka niyakap.

        "Stop crying Lily...sa una lang yan. Saka andito naman ako hinding hindi kita pababayaan."   isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Noah.  "Mamaya pagtapos ng meeting ko ipapasyal kita. Gusto mo ba yon?"

        Tumango lamang ako habang umiiyak. Nagpatuloy lang si Noah sa mga kwento niya. Nagpapasalamat ako sa diyos kasi nakilala ko siya... Lage siyang nadating sa tuwing kelangan ko ng tulong. Namalayan ko na lang na asa Airport na kami nang huminto ang sinasakyan namin.

       "O Lily. Andito na tayo sa Airport. Wag na wag kang lalayo kay Sir Noah ha."  nakangiting paalala sa akin ni Mang Tonyo.

      "Opo. Pakisabi po kay Lola na wag po siyang mag-alala sa akin kasi malaki na po ako. Pakisabi pong mahal na mahal ko siya."  tumango tango si Mang Tonyo.

       "Okay. Ingat po sa pagbalik sa Mansyon."  bumaling siya sa akin bago binuksan ang pinto ng kotse.  "Tara na Lily."

       Agad naman akong sumunod sa kanya. Saglit akong natigilan. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Madaming tao at napakaliwanag ng Lugar. Madami ding mga pulis.

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon