Tatlong Buwan na simula ng isama ko Dito sa Maynila si Lily. Nakikita ko ang pagbabago niya...kung dati madaldal siya ngayon medyo natututo na siyang magtimpi ng sasabihin saka habang tumatagal Lalo siyang gumaganda. Madaming nanliligaw sa kanya simula ng malaman nila na Wala kaming relasyon maliban lang sa mag best friend kami. Laging may nagbigay sa kanya ng chocolate at naaasar ako kasi kinakain Naman ni Lily sayang daw kasi kung itatapon. Kaya nung isang araw na umalis ako dahil may meeting ako... bumili ako ng sangkaterbang chocolate at inilagay ko lahat sa ref para Hindi na siya tatanggap ng chocolate galing sa iba kundi yung chocolate ko na lang!
Uwian na nila Lily kaya inaabangan ko na siya sa pinto ng classroom ko. Kaso 3minutes na siyang late. Naaaburido na naman ako asan ba siya!
Kasalukuyan akong abala sa pagsusulat ng tapikin ako ni Jack. "Noah. Si Lily ayun."
Nakangiti siya habang nakatayo at may hawak na bulaklak? Teka bulaklak? Anak nang may lumiligaw na naman sa kanya!
Narinig kong natawa ng mahina si Jack. "Yari ka pare...kapag hindi mo naagapan yan sa iba mapupunta ang prinsesa mo."
Lumabas saglit ang Prof namin. Nagulat ako ng ihagis sa akin ni Lily ang dala niyang bulaklak. Nasalo ko naman pero tumama pa rin sa mukha ko.
"Noah. Hindi ko kilala yang Clinton na yan. May card dyan. Baka kilala mo. Pakibalik na lang yan sa kanya at pakisabi na rin na wag siyang bigay ng bigay ng bulaklak kasi wala naman akong sakit at lalong hindi pa ako Patay."
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Close sila kay Lily halos lahat kasundo niya. Pati ako natawa na rin.
"Noah." tawag niya uli.
"Ano yon?"
"Ano yung ginagawa sa Search for Miss Hamilton High?" natahimik ang mga kaklase ko pati ako.
"Bakit mo naitanong?"
"Isinali Kasi ako ng Adviser ko. Dalawa kami. Si Sofia Martinez at ako. Exempted na daw ako sa mga exam Kasi ipinalista na niya ako."
"Ha?" napalakas ang boses ko. "Gusto mo bang sumali dun?"
"Sabi ng mga Classmates ko iilan lang daw kasi ang nakakasali sa mga ganon. Pero kung ayaw mo...okay lang hindi ako sasali."
"Ha? Bakit kelangan pa ng pahintulot ko e kung gusto mo naman diba."
Ngumiti siya. "Kasi ayaw kong magalit ka. Kasi Love kita Noah."
Namula ako sa huling sinabi ni Lily. Nagkantyawan ang mga Classmates ko pero hindi na nila ako hinampas gaya dati natakot na sila kay Lily.
"Bakit ka namumula Noah?"
Umiling ako. "Wala to. Okay s-sige sasali ka dun. Kelan ba yan?"
"Next two weeks pa naman. Sabi Ng Teacher ko Sila na daw bahala sa outfit namin basta sumali daw kami para irepresent ang Section namin."
"Okay. Manood kami. Diba classmates!" Sigaw ni Robert.
May practice game uli kami...kaya isinama ko si Lily para manood. Ibinili ko muna siya ng makakain niya. Bago kami nagpunta sa Court.
Kaso Half court lang kami ngayon. Doon din pala ang practice nila Lily. Ibinaba niya ang mga dala niya saka siya nagpaalam sa akin. Nakakatuwa na isinali siya sa pageant kaso sigurado na madami na namang liligaw sa kanya. Teka ilan na ba ang napaatras naming apat? Oo. Dinadarag namin ang mga manliligaw ni Lily. Suportado ako ng mga kaibigan ko sina Robert, Ismael at Jack.
BINABASA MO ANG
Until then
Teen FictionPROLONGED "Noah!" masayang tawag sa akin ni Lily...kababata ko Siya pero masmatanda ako ng tatlong taon. "Bakit?" Huminto siya sa pagtakbo. "Malapit na ang Birthday ko. Anong regalo mo sa akin?" "Ha? Kelangan pa ba nun?" "Oo! Ang yaman yaman mo t...