CHAPTER TWELVE

103 8 1
                                    

      Mabilis na lumipas ang mga araw at Buwan. Si Lily unti-unti ng nagbabalik sa dati ang sigla niya lalo nang malaman namin na Kambal ang panganay namin isang lalake at isang babae. Kahit ako excited na pero kinakabahan ako para kay Lily...panganay namin yon.

       Nasa pagmumuni-muni ako ng may narinig akong nabasag. Dali dali akong nagtungo sa kusina.

       "Lily!!!!"  dinig kong sigaw ni Nanang Ester. Pagdungaw ko sa pinto ng kusina nakatukod si Lily sa Kitchen counter habang may umaagos na tubig sa mga hita niya. Saglit akong natigilan.

      "Sir! Manganganak na si Lily!". sigaw sa akin ni ate Nancy. Pero hindi ko magawang gumalaw nakatitig lang ako kay Lily.

       Nakita kong lumapit sa akin si ate Flor saka ako sinampal. Para akong nagising sa pagkatulala ko. Agad kong binuhat si Lily. Hindi ko na napansin kung gaano siya kabigat. Basta binuhat ko siya at mabilis akong naglakad patungo sa kotse ko. Sa likod ng kotse ko siya inupo kasama niya si Nanang Ester habang sina ate Nancy at ate Flor ay naiwan sa Bahay.

      Buti at hindi gaya sa Maynila ang Lugar na ito. Bilang lang ang mga sasakyan. Kaya wala pang 15minutes ay nasa Ospital na kami. Agad kaming inaasikaso ng mga Nurse at Doctor nang makita nila ako.

      Ipinasok nila sa Delivery room si Lily. Pinayagan nila akong samahan si Lily sa loob kaya nagsuot ako ng Hospital gown.

      "Ahhhhhh. Nooaaahh!!!!"  pumuwesto ako sa ulohan ni Lily.

      "Andito lang ako Lily. Hahawakan ko ang kamay mo. Wag kang matakot. Mamaya makikita na natin si Baby.". tumango tango si Lily. Pinagpapawisan na siya ng malapot.

      "Okay. Kapag sinabing kong ere. Umere ka ng husto ha.". sunod sunod ang tango ni Lily.

       "ERE!"

       Humigpit ang hawak sa akin ni Lily. Pati ako tuloy parang nanganganak. Pigil niya Ang hinga sabay ere ng matindi.

      "ERE PA! Nakikita ko na ang ulo!"

      Umere uli si Lily. Sumasabay ako sa pag ere niya. Ang hirap palang manganak. Pero nung narinig namin ang iyak ng panganay sa Kambal namin...pareho kaming napaluha... hinagkan ko siya sa noo. Wala akong pakialam kung akin ba sila o Kay Brandon ang mahalaga sakin sila lalaki at ako ang kikilalanin nilang Ama.

      "Lalake ang panganay natin Lily!"  tumango lang siya at naghandang umere uli para naman sa bunso namin.

      "OK. ERE!"

      Isang malakas na ere ang ginawa ni Lily at maya maya pa ay may munting tinig kaming narinig nakalabas na silang dalawa. Niyakap ko si Lily.

      "Salamat ang cute ng mga anak na binigay mo sa akin...Lily." tumango siya saka siya nawalan ng malay. Kinabahan ako pero sabi nila normal lang daw iyon. Lilinisin na daw nila si Lily para mailipat na sa Private room. Lumabas ako ng Delivery room. Agad akong nagtungo sa Nursery para makita ang kambal namin. Andun na pala si Nanang Ester.

      "Kumaway siya sa akin."  lumapit agad ako.

       Itinuro ni Nanang Ester ang kambal ko. "Sir Noah...kamukhang kamukha mo yung lalake...ikaw na ikaw noong maliit ka pa habang yung babae hawig ni Lily pero maslamang ang nakuha sayo!". masayang komento ni Nanang Ester.

      Tinitigan ko ng maigi ang mga anak ko.... Tama ako akin sila. Hindi ko na kelangan pa ng DNA test. Kitang kita naman na sa akin nila nakuha ang hitsura nila. Napahawak ako sa salamin...umagos ng husto ang mga luha ko...

      "Nanang Ester.... Akin ho sila... Ako ang Ama nila... Salamat sa Diyos... Mahal na mahal ko silang tatlo ng Mama nila."  Sige ang iyak ko di ko mapigilan siguro dahil masaya ako dahil nagbunga ang Isang gabi namin ng Mama nila. Sigurado din akong matutuwa si Lily...

      Niyakap ako ni Nanang. "Sayo nga sila Sir Noah. Sigurado akong matutuwa Ang Mommy at Daddy mo kapag nalaman nila to.". tumango ako....siguro pagkatapos nito papayag na si Lily na magpakasal sa akin.

Masayang masaya ako. Tatay na ako! Wow! Parang ngayon ko lang nararamdaman Ang reyalidad na may mga anak na ako sa babaeng pinangarap ko mula umpisa. Si Lily.

      Nagpaalam muna ako kay Nanang na pupunta ako sa Kuwarto ni Lily.  Marahan kong binuksan ang kuwarto. Saka ako naglakad papunta sa tabi niya. Natutulog pa din ang wild flower ko. Hinagkan ko siya sa noo.

       "Salamat...Lily...binigyan mo ko nang dalawang cute na Anak. Kamukha natin pareho ang kambal."

      Umupo ako sa upuan na malapit sa kama niya. Saka ako nakaramdam ng antok. Itutulog ko muna 'to.

NAALIMPUNGATAN AKO sa boses ni Lily parang tuwang tuwa siya. Hanggang sa narinig ko ang iyak ng isang sanggol. Ah. Ang kambal ko!

       Napabalikwas ako ng bangon. Nagulat pa si Lily. Hawak ni Nanang Ester ang isa Baby habang pinapadede ni Lily ang isa.

       "Ah...sorry nagulat ko kayo. Nakatulog pala ako."  kinuha ko kay Nanang Ester ang Baby boy ko saka ko iyon kinalong.

       "Kamukha ko sila lahat Lily. Salamat."

       "Salamat saan?"  Napatitig ako kay Lily bahagya pa akong nahiya dahil napako ang tingin ko sa dumedede kong Baby girl.

       Naku Noah. Saka na yang iniisip mo. Kapapanganak lang ni Lily.  "Sa... sa Kambal. Salamat kasi inalagaan mo sila ng nine months. Kamukha ko sila. Ibig sabihin akin sila! Sa akin sila galing!"

       Tumango si Lily. Nakita ko ang tuwa sa mukha niya wala na ang pangamba niya na baka kay Brandon ang dinadala niya. Salamat talaga sa Diyos.

      "O. Ngayong okay na. Anong ipapangalan nyo sa mga Apo ko?"  tanong ni Nanang Ester.

       Tumingin sa akin si Lily. "Wala pa akong naisip na pangalan nila. Noah."

       Ngumiti ako.  "Ako meron. Si Baby boy natin siya si Helious Sandoval at si Baby girl si Helena Sandoval. Ano sa palagay mo."

       Tumango si Lily. "Ang ganda pakinggan bagay sa kanila. Teka busog na si Helena. Lola pakihawak po para si Helious naman padedehin ko."

      Kinuha sa akin ni Lily si Helious. Naku nalantad sa mga mata ko ang pinagpala niyang dibdib. Wow swerte ng kambal ko!

       "Bakit. Noah?". inosenteng tanong ni Lily.

       Umiling ako sunod sunod. Natawa si Nanang Ester. Na-gets ata niya ang nasa isip ko kaya nahiya ako. Nagpaalam muna ako na bibili ng pagkain….

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon