CHAPTER FIVE

91 8 1
                                    

       Maaga akong gumising pero msamaaga si Lily. Nakahanda na ang almusal namin. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya... madami akong naging girlfriend pero ni Isa sa kanila walang naglakas loob na ipagluto ako o ipagtimpla ng kape.

       "Goodmorning Noah." 

       "Goodmorning Lily. Tara kain na tayo. Baka mahuli tayo matrapik pa naman."

       Nauna siyang natapos kumain. Kumuha siya ng Tupperware ano kayang ilalagay niya doon. Pinagmasdan ko lang siya. May dalawang pirasong sandwich siyang nilagay sa bawat Tupperware tig-dalawa daw kami pangmeryenda. Napangiti ako... hindi pa din makakalimutan ni Lily ang simpleng Buhay niya sa probinsya.

       "Ilalagay ko na ito sa bag mo Noah."   tumango ako. May kinuha siya sa cabinet dalawang silyadong bottled water. Saka siya nagtungo sa mga bag namin. Wow yan ang future wife ko! Proud kong sabi sa sarili ko.

       Pumasok na siya ng kuwarto niya maliligo na ata. Dahil siya ang naluto... ako naman ngayon  ang maghuhugas ng mga hugasan.

NAKABIHIS NA AKO PAGLABAS ko ng kuwarto. Inaayos ko ang necktie ko ng mapansin ko si Lily. What the f**c* kitang kita ang kurba ng katawan niya sa School Uniform nito. Parehong kulay Maroon ang Coat Jacket namin na may dobleng White Long sleeves at meron din silang necktie na tenernuhan ng Black Skirt na 3inch above the knee at long Black sock's at Black shoes. Wow. Sigurado ako na pagkakaguluhan siya ng mga classmate niya...mukha siyang foreigner maamo ang mukha at Ang tangos ng ilong niya....

       "Oi Noah kanina ka pa diyan?"  biglang lingon niya sa akin.

        "M-medyo bakit?"  habang inayos ko ang necktie ko.

        Lumapit siya sa akin. "Hindi ako marunong magtali ng telang to eh. Pano ba?"

         "Ganito lang Yan."  kinuha ko iyon sa kanya.  "Itataas mo muna ang kuwelyo mo ng ganito tapos saka mo ito ilalagay Ang necktie tapos ilulusot  mo lang ng ganito ayan tapos na."  Tinignan niya ang nakasabit sa leeg.

        "Para tayong aso nito may collar Tayo!"  sabay hagikhik niya kaya natawa din ako.

        Kinuha na niya ang bag niya nang may maaalala ako.  "May suot ka bang cycling short?"

       "Meron ito oh!"  sabay taas niya ng palda niya. Natawa na lang ako habang pareho kong isinukbit ang dalawang bag sa magkabilang balikat ko.

        "Lily wag mong gagawin yan sa iba ha. Bka kung ano pa isipin nila."  paalala ko sa kanya.

        "Syempre naman! Sayo lang kasi kilala na kita at may tiwala ako sayo. Tara alis na tayo."

Hindi halatang excited siya kasi nakalimutan niyang magsuklay kaya dinala ko na lang ang suklay niya.

MEDYO TRAPIK NGA. kalalagpas lang namin ng expressway asa Zapote na kami. Buti at maaga kami pareho. 7:30am Ang klase namin pareho.

        "Lily. Natatandaan mo pa ba Ang Classroom mo?"

        "Oo."

        "E yung classroom ko?"

        "Oo. Pwede ba kita antayin dun mamaya?"

        Tumango ako.  "Oo pero hindi pa tayo uuwi. Kasi may practice kami ng Basketball."

         "Pwede ako manood?"

         "Oo naman pwede. Teka magsuklay ka muna."  Kinuha niya ang suklay. Marahan niyang pinasadahan ng suklay ang buhok niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon