CHAPTER FOUR

92 7 2
                                    

       8:00AM kami bumiyahe papunta Dito sa School. Sa Alabang ang location ng Hamilton University International School. Pinarada ko ang kotse ko sa parking lot na malapit sa Entrance.

       Naka all black ako na tinernuhan ko nang white sneakers. Habang si Lily nakabistida siya na kulay Mustard desente naman itong tignan abot ang laylayan nito hanggang tuhod niya at nakasuot siya ng white rubber shoes niya na bumagay naman sa bistida niya. Ipinusod Niya Ang kulot niyang buhok para daw hindi nakakahiya kapag naglakad kami. Wala siyang suot na kahit anong alahas man lang Wala siguro siyang hilig.

     "Okay... we're here."  ako ang unang lumabas ng kotse saka ako umikot sa gawi ni Lily pero this time binuksan ko na agad ang pinto niya...mahirap na at mainipin pa naman ito.

      "Wow! Ang ganda ng School na pinapasukan mo Noah! Dito din ba ako papasok?"  natuwa ako sa tuwing nakikita ko manghang mangha siya sa mga bagay bagay...parang ngayon pa lang niya nakita ang mundo...sabagay nakatago siya sa Hacienda simula bata pa siya. Buti at naisipan kong isama siya dito...para mabantayan ko na din siya.

       Kinuha ko ang Buddy bag ko sa loob saka ko sinara ang pinto. Hinawakan ko ang kamay niya.  "Yup. Dito ka na mag-aaral. Doon ka nga lang sa High school Department at doon yon sa bandang kanan habang ako Naman sa College Department doon sa kaliwa at itong Hall na to ito yuh main building. Dito tayo magpapa-enroll tapos mamaya igagala kita sa College Department para makita mo yung Classroom ko."

      Ang laki ng pagkakangiti ni Lily habang sige ang tango. Pinalista ko muna siya sa Registrar Office tapos konteng Interview at ayon binigyan nila ako ng listahan ng mga bayaran ko. Kasama na doon ang School uniform niya, PE uniform at mga Books and Notebooks. Binayaran ko na ng buo ang Isang taon niya para wala na akong iisipin pa. Tuwang tuwa siya ng ibigay na sa kanya ang tatlong set ng School Uniform niya at dalawang set ng PE Uniform niyakap niya agad iyon natuwa din ang mga Office staff bukod kasi sa maganda si Lily madali siyang makapalagayan ng loob dahil totoo siya hindi siya plastik. Kinuha ko ang mga Libro niya pati Notebook. Bumalik kami sa parking lot para ilagay sa kotse Ang mga dala namin. Kaso ayaw niyang bitawan ang mga Uniform niya kaya dala niya iyon ng igala ko siya sa College Department.

Walang gaanong estudyante sa hallway dahil oras ng klase. Buti na lang. Pero hindi ko maiwasan ang mainis sa tuwing napapatingin ako sa bawat bintana ng classroom... pinagtitinginan kasi kami. Hindi dahil sa hawak niya ang paper bag na naglalaman ng mga Uniform niya kundi dahil sa magandang mukha ni Lily. Inakbayan ko siya para iparating sa mga lalake na meron ng nanalo at ako yon!

      Umakyat kami hanggang Third floor ang College Department.  "Ito ang classroom ko bukas kapag maaga natapos ang klase mo pwede mo ko antayin dito."

      Napansin kong bahagyang nagtago sa likuran ko si Lily. Napatingin ako sa Classroom ko. Kaya pala kasi lahat Sila nakatingin sa amin pati Professor namin.

      "Mr. Sandoval. Yan ba Ang dahilan kung bakit ka hindi pumasok ngayon?"  medyo masungit na tanong ng Prof ko.

       Inakbayan ko uli si Lily at niyakag ko siya palapit sa pinto ng Classroom ko.  "Yes Ma'am...pina-enroll ko po kasi siya."

        Nakayuko lang si Lily alam kong nahihiya siya pinagtitinginan kasi kami ng classmates ko. Bahagya dinikit sa dibdib ko ang mukha niya kaya medyo nagtawanan ang mga ito.

      "Sino ang kasama mo Noah?"  tanong ng Isang classmate ko.

      "Lily...gusto nilang malaman ang pangalan mo."  nginitian ko siya ginawa ko iyon para mawala ang hiya niya.

       Unti unting nagtaas siya ng tingin. At bahagyang ngumiti.  "H-hello po...ako po si Lily Antonio."

       Tatango tango ako. Proud ako dahil nagawa niyang magpakilala sa mga classmate ko. Nagulat ako sa sunod niyang.

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon