CHAPTER TEN

93 10 2
                                    

      Huminto kami sa pamilyar na Lugar. Bahagyang sumilip sa labas si Lily saka siya lumingon sa akin.

     "Diba Bahay to ni Clarisse?"  walang buhay niyang tanong.

     Tumango ako. Inalis ko muna ang seatbelt ko saka ako lumabas. Umikot ako at pinagbuksan siya ng pinto saka ko tinanggal ang Seatbelt niya.

     "Halika samahan mo ako. May sasabihin lang akong importante." Tumitig lang siya sa akin saka ngumiti. Naluha na naman ako. yon yung mga titig niya sa tuwing natatakot siya at kinakabahan.... ito sana ang bagay na ayaw kong maramdaman niya kaya kahit pagkalayo layo ko dati noong mga bata pa kami sinisigurado kong natuturuan ko ng leksyon ang lahat ng umaaway sa kanya! At yon ang gagawin ko ngayon.

     Nagdoor bell ako. May nagbukas naman ng gate at si Marco ang Kuya ni Clarisse. Natigilan pa siya ng makita ako at si Lily. Pero agad din naman siyang ngumiti.

     "May kelangan ka pare?"

     "Oo ang kapatid mo andyan ba siya?"

     Tumango naman ito.  "Yup. Tulog siya. Halika kayo mukhang important ang sadya nyo."

       Tumuloy kaming dalawa ni Lily. Pansin kong walang alam si Marco sa kalokohan ng kapatid niya.

      "Upo muna kayo. Magpapahanda lang ako ng meryenda."  umalis ito pero agad din anamang bumalik.

       "So... Ano yong sadya nyo?"  tanong nito  pagkaupo.

       Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.  "Pare may ginawang mali ang kapatid mo kay Lily.  Na-rape si Lily ng isa sa mga kaibigan mo. At kasabwat niya ang kapatid mo."

      "Ha?! Teka lang Noah. Mabigat na akusasyon Yan."  malumanay nitong sagot sabay sulyap kay Lily. Nagbago ang ekspresyon niya ng makita ang takot sa mukha ni Lily.  "Okay sige may ebidensya ka ba pare?"

     Ipinakita ko sakanya ang CCTV footage. Napahawak na lamang siya sa sariling noo.

    "Si Brandon Gonzalez yan pare. Talagang type niya si Lily. About sa kapatid ko hindi ko siya kukonsintihin. Sige. Tumawag ka na ng Pulis pare."  Bumaling siya kay Lily.

      "Lily. Kung anuman Yung ginawa ni Clarisse sana mapatawad mo siya pero Tama lang na pagbayaran niya ang kung anumang pagkakamali niya."  nagsusumiksik lang sa akin si Lily habang tahimik na umiiyak.

      Ginawa ko ang sinabi ni Marco. Dumating ang mga Pulis at saktong paggising ni Clarisse nagulat siya ngadatnan niya kami at ang mga Pulis. Agad na tumulo ang luha niya.

      "Kuya. Wag mo kong pabayaang makuha nila. Saka si Brandon ang may gusto nun."

      "Bakit mo ginawa yon Bunso?"  Bilib ako Kay Marco mahinahon pa rin siya.

      "K-kuya kasi gusto ko si Noah! Hindi ko naman alam na rerape-in niya si Lily e Kuya...."  umatras si Marco para lumapit ang mga Pulis saka nilagyan ng posas si Clarisse. Nagwawala si Clarisse sige ang sigaw nito.

      Nakayuko lamang si Marco. Alam kong hindi niya tanggap ang lahat pero nangyari na.

      Tinapik ko siya. "Salamat pare. Nasa kulungan na ang kaibigan mo."

       Tumango lamang ito. "Pasensya na din alam kong malaki ang kasalanan ng kapatid ko sa inyo. Ako na Ang humihinge ng  pasensya... Lily patawarin mo sana si Clarisse."  pero umiling iling si Lily.

     "Noah... Uwe na tayo."

Asa loob na kami ng kotse ng magsimulang umiyak ng umiyak si Lily. Wala akong magawa kundi ang pakinggan lamang siya. Paminsan minsan napapamura na lamang ako.

Until thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon