Chapter 7

10 1 0
                                    

Max Delos Santos

"Pinakiusapan ko siyang ikaw ang maging partner ko." sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh? Eh, diba ako 'yung nabunot mo sa box?" wala akong ka-ide-ideya sa mga nangyayari. Naguguluhan ako.

Umiling siya sa'kin "Hindi."

Eh, paano nangyari 'yon?

"Nakipagpalit ako ng papel kay Sheena." sabi niya sa'kin. Mukhang nabasa niya ang katanungan ko mula sa aking ekspresiyon.

Ibig sabihin, hindi talaga kami ang magkapartner? Si Sheena ang partner ko at nakipagpalit siya doon? Ganoon ba? At kung hindi ako nagkakamali ay ipinaalam niya 'yon kay Miss at ang ayon ang tinutukoy sa'kin ni Miss Castro na hindi niya masabi-sabi?

Ang dami pang katanungan sa isip ko kaya tinanong ko pa si KenJi "Ibig sabihin, ayon ang pinakiusap mo kay Miss Castro? Ang magswitch kayo ng papel ni Sheena?"

Nanitili siya sa kaniyang usual na ekspresiyon habang nakatitig sa'kin, maya-maya ay sinagot niya ang tanong ko "Hindi." sagot niya.

Huh? Ang gulo.

"Magulo pa rin." pabulong kong sabi.

"Ang pinakiusap ko sa kaniya ay 'yung mga pagliban ko noong mga nakaraang araw. Bakit ko naman ipapaalam kay Miss na nakipagpalit ako ng papel?" kalmado ngunit sarkastiko niyang tanong sa'kin at halatang naiinis na siya sa sobrang dami kong tanong. Sinubsob niyang muli ang mukha niya sa armchair ng upuan niya.

Sa pagkakaalala ko ay ito ang unang beses na kinakausap niya ako ng mahaba. Hindi kasi talaga siya pala salita at bukod pa roon ay hindi niya ako pinapansin. Nakakapanibago.

"A-ah, okay." tipid kong sagot.

"Ikaw lang yata kasi ang nakakausap ko sa klase natin kaya ikaw ang gusto kong kasama sa Project."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nanatili siyang nakasubsob sa armchair niya. Sa sandaling ito ay nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na saya, medyo napangiti ako, akalain mo 'yon effective nga talaga ang pagiging social butterfly ko kahit si KenJi ay kaya kong pakisamahan.

Pumikit siya't nagsimulang matulog habang ako naman ay kinuha ko ang aking earpods sa loob ng aking bag. Sinuot ko ito at nagpatugtog. Nanatili akong nakatitig kay Kenji. Sa totoo lang, sobrang gwapo niya, para siyang koryano na napapanood ko sa mga K-drama. Kung babae lang ako ay hindi malabong magkagusto ako sa kaniya. Tumabi na ako sa kaniya at nagsimulang magbasa ng tinatapos kong nobela.

Maya-maya pa ay nagising na rin siya dahil unti-unti nang pumapasok ang mga kaklase namin. Inalis ko na rin ang suot-suot kong earpods dahil naiinis na rin ako. Paano kasi kahit na naka earpods na ako ay rinig ko pa rin ang mga chismisan ng mga kaklase namin. Nagulat ako ng sumigaw si JayCee mula sa harapan at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko "Max! Max! Max!"

Ang aga-aga napakaingay na naman ng bunganga nito ni JayCee, wala talagang araw na hindi nananahimik ang bibig niya. Minsan nga gusto ko na lang lagyan ng zipper ang bibig niya tapos ikandado para hindi niya na muling maibuka "Ano?" iritado kong tanong sa kaniya.

Nanatili siyang nakangisi sa'kin. Alam niyo 'yung nanunuksong tingin, ganoon at titig niya sa'kin ngayon "Ano bang problema mo, JayCee?"

Pabalik-balik ang tingin niya sa'min ni KenJi dahilan para mapatingin din ito sa kaniya "Kayo, ah!" sabi niya sa'min habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

Sa inis ko ay minura ko siya "Pukingina mo, ano bang problema mo't nang-aasar ka na naman ngayon?" sa kabila ng pagmumura ko ay hindi pa rin siya natinag. May kinalkal siya sa telepono niya at pinakita sa'min ang litrato namin ni KenJi noong hila-hila niya ako papunta sa Library.

Kunot noo kong tiningnan si JayCee "Oh, ano namang tungkol diyan?" tanong ko.

"Hindi niyo talaga alam?" tanong niya sa'min kaya napatingin ako kay KenJi pero hindi niya kami pinansin. Isinubsob niyang muli ang kaniyang mukha sa armchair. Napaka antukin.

"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na nga. Sasakalin kita, eh." pagbabanta ko sa kaniya dahil naiinis na talaga ako. Ayoko sa lahat ay hindi agad sinasabi ang pakay. Ayoko ng paikot-ikot.

Mas lalo siyang ngumisi sa'kin "Sikat na kayo at talagang pinagpyepyestahan na kayo sa private blog site ng University natin. Kayo ang hottest ship of the year!"

Sa gulat ko ay napatayo ako sa kinauupuan ko "Ano!?" malakas kong tanong kaya lahat ng kaklase namin ay napatingin sa'kin dahil sa hiya ay umupo ako muli sa kinauupuan ko at kinuha Kay JayCee ang telepono niya. Nakita ko roon ang iba't ibang post ng website at kada scroll ko ay kami ang laman ng website. Napahawak ako sa sintido ko.

Gago ba sila? They are fucking invidating our privacy! At hindi lang 'yon, sobrang dami naming pictures na naka upload.

Mas lalo akong nagulat sa nabasa kong post "Hello students of Oñoresza University! The two most attractive GAS students at our university, Mr. Max Delos Santos and Mr. KenJi Nakamura, are our greatest ship this year. We took a picture of them as they walked adorably toward the hallway. Mapapasana all na lang talaga tayong lahat sa sobrang sweet njla! Love is Love para sa MaxEnJi! #MaxEnJi4Ever". Mas lalong sumakit ang ulo ko sa caption na nakalagay sa picture namin. Paanong naging sweet 'yan, eh, hila–hila nga ako ni KenJi sa Hallway?

Binalik ko ang telepono kay JayCee at tiningnan siya ng masama "Hoy! 'Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, Max. Wala akong kinalaman diyan. Kagabi ko nga lang nakita na sobrang trending kayo sa website natin, eh." paliwanag sa'kin ni JayCee pero hindi ko na siya sinagot.

I have nothing against the LGBTQ community. I'm their ally, and I'm straight. There's no such thing as KenJi and I becoming lovers because we're both straight. And the people behind these photos are also invading our privacy. They're not allowed to take photos without our permission. The saddest thing is that they're putting it on our private University website, and it's going viral right now.

Fear NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon