Chapter 11

7 1 0
                                    

Max Delos Santos

Araw ng sabado ngayon at nandito ako ngayon sa ospital na sinasabi noong mga babae dahil dadalawin ko si KenJi ngayon. Medyo nahirapan pa nga ako na malaman ang mga informations, ginamitan ko pa ng dahas 'yung mga babae para magsalita sila sa'kin. According kasi sa kanila ay naospital daw si KenJi kaya syempre dahil tinuturing ko na rin siyang kaibigan ay pinuntahan ko siya ngayon. Inaaya ko pa nga si JayCee pero ayaw niyang pumunta kaya ako na lang. Gusto ko rin siyang kausapin para sa project namin kasi ilang linggo na lang din ang natitira sa'min. Gusto kong malaman kung kaya ba naming gawin 'yun ng magkasama kasi kung hindi ay ipapakiusap ko na lang kay Miss Castro.

May dala akong isang basket ng mga prutas dahil baka isipin ni KenJi ay pumunta lang ako rito para kulitin siya sa project namin at para na rin makita niya na concern din ako sa kaniya. Pagpasok ko ng ospital ay dumiretso ako sa front desk para itanong  ang number ng kwarto ni KenJi "Hello po, good morning."

"Good morning, Sir." tugon sa'kin ng nurse.

Ngumiti ako bago siya muling tanungin "Um, may pasyente po ba rito na KenJi Nakamura?"

"Check ko po muna, Sir." sabi niya sa'kin. Ilang minuto rin siyang naghanap sa listahan bago niya sagutin ang tanong ko "Ah, Sir. Hindi po kaya nagkakamali kayo sa pangalan ng pasyente?" tanong niya sa'kin.

Huh? Walang si KenJi rito?

"Um, sorry po pero pwede niyo po bang i-double check kasi according po sa iba pa naming friends ay confined daw po rito 'yung kaibigan namin." paliwanag ko sa nurse habang nakangiti ng pilit.

Hinanap niyang muli sa listahan "Sir, baka nagkakamali lang po talaga kayo. Wala po talaga kaming pasyente na KenJi Nakamura." sabi sa'kin ng nurse na siyang nagpakunot ng noo ko.

Eh, ang sabi sa'kin nung mga babae ay nandito raw si KenJi n ospital. Hindi kaya niloloko lang ako nung mga 'yon?!

"I'll visit Akane Nakamura, miss." Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. Marahil ay kararating niya lang pero napakabastos naman na hindi man lang mag-excuse.

Sandali... kilala ko ang boses na 'yon.

Awtomatiko akong napatingin sa lalaking katabi ko. Maging siya ay napatingin din sa'kin. Parehas kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa "Okay ka!?" pasigaw kong tanong kay KenJi. Hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang nakatitig sa'kin habang gulat na gulat ang kaniyang mukha. Binalik niya ang atensiyon niya sa nurse na kanina pa pabalik-balik ang tingin sa'min. Marahil ay naguguluhan na rin siya sa'ming dalawa.

"Dalawa kaming bibisita sa Mom ko." sabi niya.

Wait? Tama ba ang narinig ko? Kami? Bibisita sa Mom niya?

Matapos niyang kausapin ang nurse ay naglakad na siya papasok sa hallway ng ospital papunta sa mga rooms ng mga pasyente. Wala akong nagawa kungdi ang sundan siya.

Shit! Another kahihiyan na naman 'to. Ano ba 'tong ginawa ko ngayon? (T_T)

Binuksan niya ang isang pinto at pinapasok ako roon. Nadatnan ko ang isang babae na nakahiga sa kama. Marahil ay ito ang Mom ni KenJi.

"Anak." nakangiting tawag nito kay KenJi. Lumapit naman ito at hinalikan sa noo ang ina. Nabaling ang paningin nito sa'kin.

"Ah, Mom si Max nga pala." pagpapakilala sa'kin ni KenJi sa Mommy.

Ngumiti ako at binati siya "Hello po Ma'am, good morning po."

Ngumiti rin siya sa'kin at tumingin muli sa kaniyang anak "Siya na ba ang bago mong boyfriend, anak?" nagulat ako sa tanong ng Mommy niya sa kaniya.

H-ha?! Boyfriend!? Ibig sabihin... totoo? Hindi straight si KenJi?

Napatingin din sa'kin si KenJi "Hindi Mom, he's just my friend." sagot niya sa kaniyang ina "Upo ka na riyan sa couch, Max." sabi niya sa'kin kaya sumunod din ako agad.

"U-um---Ma'am Akane, may dala nga po pala akong mga prutas para sainyo." sabi ko at inabot Kay KenJi ang basket, kinuha naman ito agad sa'kin ni KenJi at inilagay sa lamesa.

"Thanks."

Ngumiti sa'kin si Ma'am Akane "Salamat, Max. 'Wag mo na akong tawaging Ma'am. Tita na lang." tugon niya sa'kin kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Magkaibigan lang ba talaga kayo, 'nak?" nakatitig sa'kin si Tita Akane, napalingon pa ako sa aking likuran dahil baka may kausap siya sa likod ko pero wala naman kaya malamang ay ako ang kausap niya.

"Mom, stop." pigil sa kaniya ni KenJi.

Pilit akong ngumiti bago siya sagutin "A-ah, Ma'am---I mean Tita Akane, magkaibigan lang po talaga kami."

Bahagya siyang nalungkot dahil sa sinabi ko "For sure, type ka nitong anak ko. May pag-asa ba 'to sa'yo kapag nilagawan ka niya?" napalingon ako kay KenJi. Nakita ko siyang nakayuko at parang nahihiya.

"M-mom, please s-stop. Y-you're making h-him uncomfortable." nakayuko pa ring sabi niya sa kaniyang ina.

Hindi ko akalain na si KenJi ay makikita kong magkakaganito ngayon. Kitang-kita ko sa galaw niya at way ng pananalita ang labis na hiya na kaniyang nararamdaman. Bahagyang natawa si Tita Akane sa sinabi ng kaniyang anak "Oh siya-siya, sige na nga. Tatahimik na 'ko."

Tumayo si KenJi at tumalikod sa'min "K-kumain ka na ba?" tanong niya pero hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kaya napatingin ako kay Tita pero tumatawag ito nang lumingon sa'kin "Tinatanong ka niya, 'nak." sabi niya sa'kin na ikinagulat ko.

"A-ah eh, hindi pa pero okay lang. Hindi pa naman ako gu---"

Humarap siya sa'kin at tumitig sa'kin. Nakita ko ang labis na pamumula ng kaniyang mukha "B-bibili lang ako." sabi niya bago lumabas ng kwarto. Hindi ko akalain na ganito pala si KenJi kapag nahihiya.

Fear NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon