Chapter 6

52 15 0
                                    

Max Delos Santos

"Alam kong pupunta ka rito para sabihin 'yan sa'kin. Pinakiusap na sa'kin ni Mr. Nakamura ang lahat." sabi niya na ikinagulat ko.

Pinakiusap? Ang alin!?

"Pinakiusap niya po ang ano, Miss?" walang ka-ide-ideyang tanong ko sa kaniya.

Sumandal muna siya sa upuan niya bago siya nagsalita "Sa tingin ko ay dapat na siya ang magpaliwanag saiyo." seryosong sabi niya sa'kin.

Wala na akong nagawa, hindi ko naman mapipilit si Miss na magsabi ng kung anumang ipinakiusap sa kaniya ni KenJi at naiintindihan ko 'yon. Malay mo ay hindi talaga niya puwedeng ipagsabi ang dahilan kung bakit. Mas maayos nga yata kung si KenJi na lang ang kakausapin ko para malaman ko na ang dahilan pero paano ko naman gagawin 'yon ngayon? eh, pinagmumura ko na siya kanina.

Bumalik ako sa classroom. Agad kong nakita si KenJi na nakaupo na sa upuan niya. Nakatitig siya sa'kin. Ganoon pa rin naman ang ekspresiyon niya. Dinaanan ko lang siya at nakipagpalitan ako ng puwesto kay JayCee.

Biglang nagsalita si JayCee "Anong problema niyong dalawa?" nagulat ako kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray ko! Bakit ka ba nangungurot!?" inis niyang tanong sa'kin pero pinandilatan ko lang siya ng mata. Inirapan niya ako habang nakanguso. Bahagya akong natawa sa naging itsura ni JayCee pero nawala rin ang ngiti ko nang makita kong nakatingin sa'kin si KenJi. Umiwas ako ng tingin.

Maya-maya pa ay pumasok na ang susunod naming teacher at buong maghapon ay hindi ko nagawang maka-focus sa mga lessons. Iniisip ko kasi kung tungkol saan 'yung pinakiusap ni KenJi kay Miss Castro.

Uwian na ngayon. Nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Balak kong kausapin ngayon si KenJi sa parking lot dahil ang pagkakaalam ko ay nakamotor siya palagi. Lumabas na siya ng classroom kaya nagpaalam na ako kay JayCee na mauuna na akong umuwi. Agad akong umalis sa room at sinundan si KenJi sa parking lot. Wala pa naman masyadong mga estudyanteng nasa labas dahil maaga kaming pinauwi ng last subject teacher namin.

Pagkarating namin sa parking lot ay nagtago ako sa may poste. Nag-iisip ako ng sasabihin ko dahil kinakabahan ako. Medyo na guiguilty rin ako dahil kung ano-ano ang pinagsasabi ko sa kaniya kanina. Balak ko ring humingi ng tawad dahil pakiramdam ko ay masyado akong nag-cross sa line.

Lumabas ako sa poste at naglakad palapit sa kaniya. Nakita ko siyang naka sandal sa dingding habang nagsisigarilyo, may kausap rin siya sa kaniyang telepono. Tumigil ako sa harapan niya kaya tumingin siya sa'kin.

"Sige" sabi niya bago niya ibaba ang
kaniyang telepono. Sumithit muna siya sa kaniyang sigarilyo bago niya iyon itapon sa sahig at apakan. Lalampasan niya na sana ako pero hinawakan ko siya sa braso.

"Sorry." sabi ko pero hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumingin sa'kin "Sorry kung ano-ano nasabi ko sa'yo kanina. Naiinis kasi talaga ako sa'yo noong mga nakaraang araw, eh. Partner tayo sa project pero parang wala kang pakialam. Gusto kitang makausap pero palagi ka namang absent. Tapos ang yabang-yabang mo pa sumagot. Nakakainis ka pa tumi—"

Nabitawan ko siya dahil bigla siyang humarap sa'kin "Bukas na lang tayo mag-usap." sabi niya sa'kin. Nilampasan niya ako at sumakay siya sa kanyang motor. Nagsuot siya ng helmet at pinaharurot ang kaniyang motor. Naiwan akong tulala roon pero parang nabunutan ako ng tinik matapos kong humingi ng tawad.

*****

Maaga akong dumating sa University ngayong araw. Ang plano ko sana ay tumambay muna sa green field pero sa kamalas-malasan ay umulan. Dumiretso na lang ako sa classroom para doon magpalipas ng oras. Pagdating ko ay nakabukas na ang pinto, samantalang, noong mga nakaraang araw ay ako ang palaging nauunang pumasok. Pagpasok ko ay nagulat ako ng makita ko si KenJi. Nakasubsob ang mukha niya sa kaniyang arm chair.

Ang aga niya ngayon, ah?

Madalas kasi ay late si KenJi o 'di kaya ay last minute bago pumasok kaya napaka unusual na maaga siya ngayong pumasok. Nilapag ko ang gamit ko sa upuan ko at umupo ako sa pwesto ni JayCee dahil wala pa naman ito.

Naramdaman siguro ni KenJi na may kasama na siya kaya inangat niya ang kaniyang paningin at tinitigan ako. Agad akong umiwas ng paningin pero nagulat ako ng bigla siyang magsalita "Ano 'yung sasabihin mo kahapon?" napalingon ako sa kaniya. Matagal bago ako nakasagot sa kaniya. Siya naman ay mukhang naghihintay sa sagot ko.

Napansin kong may pasa na naman siya sa kaniyang mukha katulad noong nakita ko siyang nakikipag-away sa loob ng cr. Nakipagrambulan na naman siguro 'to. Sayang kagwapuhan, nababawasan kapag nababangasan.

Umiwas ako ng tingin "Ah, 'wag mo ng isipin 'yon." sagot ko. Nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa'kin. Naiilang ako sa tingin niya sa'kin. Naka-focus kasi talaga siya sa mukha ko habang suot-suot niya ang usually niyang ekspresiyon.

Sa totoo lang nakakatawa ang ekspresiyon niya dahil akala ko'y malaging antok. Chinito na nga siya tapos dagdagan mo pa ng bagsak na mata, edi mas lalong nawalan siya ng mata.

Naalala ko ang tanong na gusto kong itanong sa kaniya simula pa kahapon "Ah, may tanong pala ako sa'yo." sabi ko.

Hindi siya sumagot pero parang naghihintay naman siya sa sasabihin ko kaya sinabi ko na lang ng hindi hinihintay kung may sasabihin pa ba siya o wala "Pumunta kasi ako kahapon sa faculty nila Miss Castro. Dahil nga sa inis ko sa'yo kahapon ay nakiusap ako na palitan ka bilang partner ko o 'di kaya naman ay mag-iindividual na lang ako sa project pero nabanggit sa'kin ni Ma'am na mayroon ka raw pinakiusap sa kaniya. Hindi niya nga lang binanggit sa'kin kahapon. Puwede ko bang malaman kung ano 'yon?" kwento ko sa kaniya. Ilang sigundo rin ang nagdaan, wala pa rin siyang imik. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil baka isipin feeling close ako. Kukunin ko na sana ang earpods ko sa loob ng aking bag dahil pakiramdam ko ay napahiya ako kaso bigla siyang nagsalita bago ko pa ito kunin.

Fear NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon