Max Delos Santos
Isang buwan na ang nakakalipas. Nasa cafeteria ako ngayon para kumain. Kasama ko si JayCee na umo-order ngayon sa counter. Libre niya raw, eh, sino ba naman ako para tumanggi diba? Libre na 'yon. Habang nagscro-scroll ako sa Instagram ay napunta ang atensiyon ko sa mga babae sa unahan na medyo maingay. Nakatingin sila sa likuran habang parang mga kinikilig kaya dahil sa curiosity ko ay tumingin din ako sa likod. Nanlaki ang mata ko ng makita ko doon ang kaklase naming si KenJi. Mag-isa siyang kumakain.
Sa loob ng isang buwan naming magkatabi sa upuan ay hindi pa kami nag-uusap. Napakatahimik niyang tao kahit akong social butterfly ay hindi kinakayang lapitan siya o kausapin. Hindi naman siya nakakatakot pero kasi sobrang tahimik niya at palagi siyang tulog tuwing recess kaya nga nagulat ako na nandito siya ngayon sa cafeteria para kumain.Agad kong binalik ang atensiyon ko sa aking telepono. Ayoko ng maulit 'yung nakaraan na nagkatitigan pa kami. Nakakahiya kaya.
Maya-maya pa ay bumalik na si JayCee Dala ang mga pagkaing in-order niya sa'min "Thank you, pre." pagpapasalamat ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang tugon.
Matapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kami ng konti bago umakyat muli sa room. Habang nagkwekwentuhan kami ni JayCee ay napukaw muli ang atensiyon ko noong mga babae kanina. Pinag-uusapan nila si KenJi.
"KenJi raw name nung guy, mhie."
"Sobrang pogi niya, 'no?"
"Oo, sobra! Parang koryano kaso kasi medyo matanda na siya kaysa sa'tin."
"Huh? Bakit ilang taon na ba siya?"
"According sa sister ko na dating ka-schoolmate ni KenJi ay 22 years old na raw 'yon."
Nagulat ako sa sinabi nila. 22 years old? As in twenty-two? Kung totoo man 'yon ay hindi halata sa itsura niya dahil parang kasing edad pa rin namin siya.
Sa ilang linggong pag-aaral ko ay sikat na sikat si KenJi ngayon sa buong University. Umaabot pa nga sa point na tuwing naglalakad kaming whole section ay nakatitig sa kaniya halos lahat ng babae sa corridor. Tuwing pumupunta rin kami sa Gym para sa HOPE 1 subject namin ay ang daming nanonood. Pakiramdam ko tuloy ay parang may kasama kaming artista sa obrang dami niyang fans.
Pagdating namin sa classroom ay halos wala pa naman ang iba naming kaklase pero nandoon na ulit si KenJi na tulog na naman. Antukin niya. Siguro puro tulog lang ginagawa nito.
Maya-maya pa ay natapos na rin ang recess. Kumpleto na ulit kami sa room at gising na si KenJi. Sa sobrang tahimik niya ay minsan hindi ko na rin nararamdaman na may katabi pa pala ako.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Miss Castro sa room. May hawak siyang box. Pinatong niya ito sa lamesa. Awtomatiko kaming tumayo at bumati sa kaniya "Good morning Miss Castro."
Para saan 'yong box?
"Morning. Take your seats." tugon niya sa'min. Suot niya na naman 'yung usually niyang ekspresiyon. Sa totoo lang mabait si Miss Castro, mahigpit lang talaga siya pagdating sa pag-aaral ng mga estudyante niya dahil alam niya naman na nagtuturo siya ng maayos. Nandoon naman talaga 'yung point niya sa sinabi niya noon sa'min dati na "Bakit kayo makakakuha ng mababang score na klase ko, eh, tinuturo ko naman lahat ng dapat niyong malaman. Hindi naman ako nagkukulang bilang guro ninyo dahil kung hindi ko inaayos ang trabaho ko ay dapat pinepetiks-petiks ko lang kayo sa pagtuturo o worst case is I will not teach you at liliban lang ako sa klase ko sainyo. Hindi ko sinasayang ang binabayad sa'kin dahil binibigyan ko kayo ng quality education na dapat niyo talagang makuha sa bawat guro". Naiintindihan ko ang gurong katulad niya at nakikita kong mahal niya ang kaniyang trabaho.
"Today I won't be able to teach you dahil may biglaang meeting sa office pero may ibibigay ako sainyong project. Super advance na ng project niyo na 'to dahil supposetedly ay ito ang final project niyo sa'kin for this semester pero para naman magkaroon kayo ng mahabang time to do it I'll give it now. Since our subject is Personality Development ay your project will focuses on your development but this project should be done by pair. So ito na, ang project ninyo ay you have to do a list of things you wanted to do with your partner and you have to document it sa kahit na anong paraan na alam niyo para lang mai-share sa'ming lahat ang experiences niyo. For example, you will make a diary of your experiences base on your list." Mahabang paliwanag ni Miss Castro na siyang nagpagulat sa'min. By partner? So ibig sabihin kami ang pipili ng makakasama namin? Nagkatitigan na kami ni JayCee at alam na namin na awtomatikong kami ang magkasama.
"Additionally, kaya pala may dala akong box ay half of this class ay magsusulat ng kanilang last name o apilyido sa isang scratch paper para ihulog sa box. Basically, kung sino ang mga maghuhulog sa box ay hindi na sila bubunot kungdi 'yung mga hindi napiling ang maghulog ang bubunot." dagdag ni Miss na siyang nagpaingay sa klase namin. Maraming hindi sumang-ayon at mayroon din namang sang-ayon dahil unfair daw sa iba na walang kakilala't kaibigan sa klase.
"My decision is final. Ang hindi maghuhulog ng apilyido nila sa box ay walang grade sa'kin. Tandaan niyo this is a project, a performance that's consist of 50% of your grade." seryosong sabi ni Miss kaya wala ng nakareklamo pa.
"Wala na bang katanungan?" paninigurado niya.
Isa ako sa mga napiling maghulog sa box kaya hindi na ako bubunot mamaya. Matapos naming maghulog ay agad niyang pinabunot 'yung mga kaklase naming hindi naghulog ng apilyido nila sa box. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan kung sino ang magiging kasama ko sa project. Maya-maya pa ay nagulat ako ng mabunot ni Alexandra si JayCee kaya mas lalo akong nag-aalala.
Tumayo si KenJi dahil siya na ang bubunot. Maraming mga babae ang pabulong na hinihiling na sana sila ang mabunot niya. Agad siyang bumunot at tiningnan ang apilyido ng kaniyang nakuha. Nilukot niya ang papel at nilagay sa kaniyang bulsa. Hindi niya pinaalam sa buong klase kung sino ang kaniyang nakuha.
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomanceMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...