Max Delos Santos
Hindi ko naabutan si KenJi rito sa parking lot at dahil doon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko ngayon. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa pagod at napahilamos gamit ang aking mga kamay dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko. Umupo ako sa sahig, isinandal ang aking likuran sa pader, at pumikit. Aaminin ko, nag-aalala ako para sa kaniya. Nakita ko ang itsura niya kanina at ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon. Alam kong dapat ay wala akong pakialam sa kaniya pero sa maikling panahon ay itinuring ko na rin siyang kaibigan.
"Max Delos Santos?"
Nagulat ako ng biglang may magsalita kaya napadilat ako. Nakita ko ang lalaking kwenelyuhan noon ni KenJi sa restroom. Nakatitig ito sa'kin habang nakangisi. Napansin kong umuusok ang kaniyang kamay at nakita ko roon ang hawak-hawak niyang sigarilyo. Tumayo na ako dahil balak ko ng umalis. Ayokong kumausap ng taong hindi ko kilala. Base sa una kong kita sa kaniya ay mukhang hindi na siya mapapagpatiwalaan.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ngunit bigla siyang nagsalita "Hinahabol mo si KenJi?" dahil sa tanong niya ay nakuha niyang muli ang atensiyon ko. Humarap ako sa kaniya at seryoso siyang tiningnan.
Ilang sigundo bago ako nagsalita "Anong kailangan mo sa'kin?"
Tumingin siya sa taas at humithit sa kaniyang sigarilyo. Binuga niya ang usok papunta sa'kin at ngumiti ng nakakaloko "Wala naman pero baka ikaw, baka kailanganin mo 'ko." bigla pa siyang tumawa. Napayukom ako dahil sa inis pero pinigilan ko ang aking sarili.
Tatalikod na ulit sana ako para iwan siya ng bigla niyang itapon ang sigarilyo niya papunta sa'kin. Natamaan ako nito ang aking sapatos kaya inapakan ko ito at dinurog sa kaniyang harapan "Anong problema mo?" pigil inis kong tanong.
Sumandal siya sa isang kotse "Alam mo, nagtataka rin ako sa'yo, eh. Bakit sa kabila ng pagiging malamig ni KenJi sa lahat ay ikaw---nakakakaya mong kausapin siya?" sabi niya sa'kin. Nakatitig siya sa'kin ng seryoso habang nakakrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.
"Kung may problema kayo ni KenJi, 'wag mo 'kong idamay." madiing tugon ko sa kaniya.
"Kung ako sa'yo, lalayo na ako kay KenJi." seryosong sabi niya sa'kin.
Natawa ako sa sinabi niya "Pre, alam mo, kung isa ka rin sa mga estudyanteng baliw na baliw kay KenJi, tigilan mo 'ko. Bakit ko lalayuan 'yung tao para lang sa kahumalingan mo sa kaniya?" nakangising sabi ko sa kaniya para mainis siya sa'kin "At para sa kaalaman mo, straight ako at hindi ako magkakagusto sa KenJi mo." dagdag ko pa. Sa ikalawang pagkakataon ay tumalikod na ako para umalis kaso bigla na naman siyang nagsalita.
Tangina, 'di ba 'to nauubusan ng rebat?
"Paano kung si KenJi ang magkagusto sa'yo?" nagulat ako sa tinanong niya sa'kin pero hindi ko na pinahalata. Naglakad na ako paalis doon. Bumalik ako sa Library para kunin ang mga gamit na iniwan ko roon.
Paulit-ulit ang ginagawang ingay ng tanong niya sa tenga ko pero paano nga ba kung si KenJi ang magkagusto sa'kin? Pero imposible. Straight si KenJi, alam kong masamang mag-assume ng gender preference ng isang tao pero wala akong makitang bahid na bakla siya.
Basta! Erase-erase na sa utak Max! Adik lang talaga 'yung lalaking obsess kay KenJi. Oo, tama-tama. Adik lang talaga 'yung lalaki.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumalik na ako sa classroom dahil tapos na ang breaktime namin. Medyo na late nga ako pero mabuti na lang ay wala pa ang subject teacher namin kaya pumasok na ako at umupo sa pwesto ko. Maya-maya pa ay dumating na si Sir Kalwag at nagdiscuss. Ilang oras pa ang dumaan ay natapos na rin ang lahat ng klase ngayong araw. Uwian na at nag-ayos na ako ng aking mga gamit.
Biglang tinusok ni JayCee ang tagiliran ko.
"Ano na naman?" inis kong tanong sa kaniya.
Napanguso siya dahil sa paamba kong tanong sa kaniya "Magtatanong lang, eh."
Inirapan ko siya bago nagsalita "Tigil-tigilan mo 'ko, Pre. Hindi ka cute kaya 'wag kang ngumuso-nguso sa'kin. Kung Magtatanong ka kasi idiretso mo na, hindi 'yung susundutin mo pa ang tagiliran ko." sarkastiko kong tugon sa kaniya.
Inirapan niya rin ako at nag-make face pa sa'kin ang gago bago ako tanungin "Saan nagpunta si KenJi? Diba magkasama kayo kanina?"
"Wala. Umalis. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang siya tumakbo paalis ng Library." inis na paliwanag ko dahil pinaalala niya pa sa'kin 'yung mga nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako doon sa lalaking obsess kay KenJi. Sarap suntukin, eh, pasalamat siya mabait ako.
Kumunot ang noo niya "Huh? Eh, wala bang nasabi sa'yong dahilan?" parang tangang tanong niya sa'kin.
Pigilan niyo ko, guys. Umiinit ang ulo ko rito Kay JayCee. Kapag ako hindi nakapagpigil baka sa kaniya ko ibuhos lahat ng inis at frustration na naramdaman ko kanina sa parking lot.
Ngumiti ako sa kaniya ng pilit "Ah, oo. Baka nasabi nga sa'kin 'yung dahilan kaya nga hindi ko alam kung bakit, eh. Baka ibinulong niya na lang sa hangin para malaman ko, 'no?" sarkastikong sabi ko. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko. Malamang ay sinasadya niya na namang inisin ako. 'Yan talaga ang pinaka-trip niyang gawin araw-araw ang bwesitin ako. Hindi ko nga alam kung paano ko 'to naging kaibigan, kasi kung ako tatanungin, mas magandang maging kaaway ko na lang siya.
Tumawag na ako kay Mang Carlos para sunduin ako rito sa University. Sabay na rin kaming naglakad ni JayCee papuntang parking lot. Pagdating ni Mang Carlos ay sumakay na ako agad at habang nasa byahe kami ay hindi ko pa rin maiwasang maisip si KenJi. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganoon. Marahil ay nasanay ako sa blanko niyang ekspresiyon kaya ganoon na lamang ang epekto sa'kin ng maluha-luha niyang itsura kanina. Hanggang ngayon, nanatili pa ring misteryo sa'kin kung sino nga ba talaga si KenJi Nakamura.
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomanceMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...