Chapter 10

43 5 0
                                    

Max Delos Santos

Tatlong araw na ang nakakaraan, kahit na anino ni KenJi ay hindi ko nakita sa loob ng Unibersidad. Ang nakakapagtaka'y hindi ako nagagalit o naiinis sa kaniyang pagliban, dati-rati ay halos tumaas ang blood pressure ko tuwing hindi siya pumapasok pero sa pagkakataong ito ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Siguro dahil ilang linggo pa bago ang deadline ng aming proyekto, kaya siguro ganito ako. Nakatatak pa rin kasi sa'kin ang biglaang pag-alis niya sa Unibersidad sa hindi ko malamang dahilan.

Nasa cafeteria kami ngayon ni JayCee. Ako naman ang nanglibre ngayon pero siya na raw ang oorder sa counter. Hindi ko nga alam kung anong nakain niyan ngayon, eh, bigla na lang din bumait. Samantalang dati-rati ay puro pang-aasar ang natatanggap ko sa kaniya. Maganda na rin 'yon para mabawasan na ang kakulitan niya. Nagma-mature na rin siguro ang pare ko.

Ganoon pa rin naman ang mga nangyayari ngayon sa University. Medyo busy na rin kami lately dahil sobrang dami ng pinapagawa. Iniisip ko nga si KenJi dahil marami na siyang gawain na hindi nagagawa pero good thing na apat na subjects na lang ang kinukuha niya sa'min dahil irregular student siya.

Maya-maya pa ay nakabalik na si JayCee, dala-dala ang mga pagkaing in-order niya. Nagulat ako ng ibalik niya ang isang libo na binigay ko sa kaniya kanina "Oh? Bakit buo pa rin 'tong inabot ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa'kin "Libre ko na 'to, pre. Kain na."

Inayos niya ang mga plato't kubyertos namin. Para niya akong pinagsisilbihan. Napakunot noo ako sa kaniya dahil pakiramdam ko'y may iba sa kaniya simulan pa noong mga nakaraang araw. Napansin ko na 'yon matagal na pero hindi lang ako nagtatanong dahil baka bumalik din siya sa mapang-asar na JayCee "Alam mo, napapansin ko... parang iba ka ngayon, pre. Nagbabagong buhay ka na ba?"

Natawa siya dahil sa tanong ko "Oo naman, good boy na ako." nagpogi pose pa siya sa'kin.

Napangiwi ako dahil sa ginawa niya "Hindi bagay sa'yo. Anong meron?" tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng ulam na binili niya.

"Wala nga." nakangiting sagot niya sa'kin habang sumasandok ng kanin.

Natawa naman ako dahil sa itsura niya "Gago, ako pa niloko mo. Inlababo ka 'no? Kaya ka ganiyan, eh." sabi ko.

Yumuko siya, tila nahihiya sa mga sinabi ko. Confirm nga. Inlababo si best friend. Sinasabi ko na nga ba, hindi siya ganiyan, eh. Alam mo 'yung pakiramdam na naging angel bigla ang demonyo. Nakakakilabot diba?

"Sinasabi ko na nga ba, sino ba ang malas na babaeng nagustuhan mo?" pang-iinis ko sa kaniya. Natawa naman siya dahil sa tanong ko at bigla akong kinaltukan.

Aba! Masakit 'yun, ah!

Habang kumakain ay nagkwekwentuhan kaming dalawa. Pinipilit ko rin siyang sabihin sa'kin kung sino ang natitipuhan niya pero mukhang wala siyang balak na ipaalam sa'kin. Ganoon siya kagaling na kaibigan, akala mo naman ay ipagkakalat ko kung sino ang gusto niya.

"Kumusta na kaya si KenJi?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon muna siya sa'kin bago muling sumubo ng pagkai "Malay ko." pabalang niyang sagot sa'kin "Hindi naman pumapasok kaya malamang hindi ko alam." dagdag niya pa.

Siraulo yata 'to, eh. Parang naiinis siya sa tanong ko, eh, hindi ko naman talaga siya totally tinatanong kung kumusta na si KenJi. Sarap din nitong pukpukin, eh. Mabuti na lang libre niya ang pagkain ngayon kaya magtitimpi muna ako.

Inirapan ko siya "Hindi naman kita tinatanong." sarkastikong kong tugon sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot kaya. Dahil binuksan ko na Ang topic tungkol kay KenJi ay tinuloy ko na "Ilang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok. Worried lang ako sa mga gawaing hindi niya nagagawa. For sure, malaking factor 'yun para bumaba ang grades niya o 'di kaya naman ay hindi siya makapasa."

Tinitigan niya ako "Alam mo, pre. Siya naman may kasalanan kung bakit siya babagsak, eh. Hindi kasi siya pumapasok." tugon niya sa'kin habang ngumunguya.

Hindi nag-react, hangga't hindi ko kasi alam ang rason kung bakit siya hindi pumapasok ay hindi muna ako magbibitaw ng kung anumang salita sa kaniya "Iniisip ko nga kung anong rason, eh. Malay natin kung may mabigat siyang rason kung bakit hindi siya pumapasok, diba? Mahirap din kasing sabihin na kasalanan niya na agad, eh, hindi naman natin alam kung anong sitwasyon niya ngayon. Noong last kasi naming pag-uusap sa Library, nakita ko mismo na parang aligaga siya tapos first time kong makitang naluluha siya. Kaya naisip ko baka may reason kung bakit siya lumiliban, diba?" paliwanag ko sa kaniya. Tama naman ako diba? Syempre, mahirap magbigay ng statement sa mga sitwasyon na hindi naman natin alam. Mas mabuting malaman muna natin ang rason bago magsalita.

Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang pagkain kaya kumain na lang din ako. Maya-maya ay narinig kong nag-uusap ang mga babae sa hindi kalayuan. Sa lakas ba naman ng mga bibig nila ay natural na maririnig sila sa bawat sulok ng Cafeteria lalo na't hindi naman maingay ang paligid ngayon.

"Alam niyo na ba Ang latest chila ngayon?"

"Ano bang latest chika, teh?"

"Mukhang hindi totoo 'yung chismis na naging bf niyan ni Anek si KenJi."

Tumingin pa ito sa'kin at pasimple akong itinuro pero nagpatay malisya ako. Kunwari hindi ko nakita na tinuturo niya ako. Pinangalanan pa akong Anek para lang itago na ako 'yung pinag-uusapan nila pero ituturo lang din pala ako. Mga hindi nag-iisip, 'no? Siguro napunta sa boobs nila 'yung mga utak nila lalo na't ang lalaki pa ng hinaharap nila.

"Huh? Paano mo naman nasabi?"

"Oo nga, teh. Baka fake news ka."

"Ang pagkakaalam ko kasi ay nakita pa raw ng iba na magkasama sila sa Library tapos parang nag-away yata sila kasi tumakbo daw si KenJi palabas."

Aba! Akalain mo 'yon, pati 'yung tungkol doon ay alam din nila. Grabe nga talaga lunmipad ang chismis napakalayo ng nararating.

"Alam niyo girls, kayong lahat ang fake news. Totoo ang sinasabi ko dahil paano magiging bading si KenJi, eh, may girlfriend siya. Sa pagkakaalam ko'y naospital daw si KenJi nitong mga nakaraang araw kaya hindi pumapasok. Ang sabi ng sources ko ay mayroon daw babae na dumalaw sa kaniya. May dalang basket ng mga prutas, oh, diba? Sobrang sweet ng gf niya?"

Fear NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon