Dahil nakabunot na ang lahat ay nalaman kong ako ang mabunot ni KenJi kahit na hindi niya pa sinasabi sa'kin. Sa totoo lang, naiinis ako. Bakit kailangang hindi niya sabihin na ako 'yung makakasama niya sa project? Naiinis na ako sa ugali niya. Matapos kasi ng araw na 'yon ay hindi na siya muling pumasok. Tatlong araw na ang nakakaraan at sabado ngayon. Kung siya ay walang balak pumasa ay pwes ibahin niya ako. Ayokong bumagsak o magkaroon ng mababang grade. Ito na nga ba ang sinasabi ko dapat nagsabi ako kay Miss ng problema noong Thursday kaso iniisip ko kasi na baka pumasok si KenJi ng Friday. Kamalas-malasan ay may seminar si Miss Castro noong Friday kaya wala siya sa school.
Kapag tayo nagkita KenJi NakaMURA makakatikim ka talaga sa'kin ng malulutong na MURA. Napupuno na ako. Masyado kasi siyang pasikat at pa-main character sa school. Puro pa pogi wala namang ginagawa sa school. Bakit pa ba siya pumapasok? Para pumorma at mag-hanap ng chix niya? Mga Tanga at walang utak lang ang papatol sa kaniya.
Sa sobrang inis ko ay buong araw akong nakabusangot sa bahay kahit sila Mom at Dad ay napansin ang inis ko. Kwinento ko sa kanila ang nangyari pero mukhang hindi naman nila naiintindihan ang nararamdaman ko, sabi nila, baka raw may reason 'yung partner ko kaya siya absent ng ilang araw. Eh, kahit noong first palang talaga absenero na 'yon si Nakamura.
Dahil hindi ko kayang umupo at maghintay na maglunes ay tinawagan ko na ang mga bestfriends kong spy na sobrang magagaling sa pang-iistalk ng mga crusiecakes nila. Kausap ko ngayon si Mikee at Makee sa Google Meet.
"Ano may nahanap na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Talagang nag-iinit ang dugo ko sa'yo nakaMURA kapag ako hindi nakapagpigil.
Nakita kong umirap si Klo sa camera niya "Sandali lang, anong akala mo sa'min si Google na alam na lahat ng bagay tungkol diyan sa KenJi na 'yan?" Inis na sabi sa'kin ni Makee.
"Guys, calm down. Max stand by ka muna diyan. Don't pressure us too much dahil medyo mahirap hanapan ng informations 'tong pinapahanap mo sa'min." paliwanag naman sa'kin ni Mikee. Mabuti pa 'tong si Mikee hindi ako sinusungitan.
Silang dalawa ay magkapatid and they are identical twins. Mabuti na nga lang at magkaiba ang hair color nila kung hindi ay malilito ka talaga sa kanilang dalawa. Si Mikee ay kulay dirty blonde ang buhok habang si Makee naman ay may red highlights lang sa buhok. At least sa hair naiidentify ko silang dalawa. Wise choice rin na nagpakulay sila.
Ilang sandali pa ay nagsalita na si Mikee habang si Makee naman ang nag-scroscroll sa kaniyang MacBook "That's Kenji Nakamura, 22, eldest among the 3 children of Chairman Yuki Nakamura and President Akane Nakamura." isa-isang sabi ni Mikee.
"And?" tanong ko habang naghihintay ng iba pa nilang sasabihin.
Si Makee ang sumagot sa tanong ko "Wala na 'yon lang." inis na sabi niya sa'kin.
Huh? Paanong ayon lang?
"Why? You're expecting that the Internet know all the informatios about him? Of course not. Their family's background is private, Max. Although we think they're rich in Japan, the Internet can't get any more information about them." paliwanag sa'kin ni Makee.
"I'm sorry Max, 'yon lang talaga ang nahanap namin." dagdag pa ni Mikee.
Ngumiti naman ako at tumango "Its fine guys. Thanks for the help!" pasasalamat ko sa kanila. Nagpaalam na rin sila agad dahil may gagawin pa raw silang importante.
Wala man lang akong nakuhang ibang impormasyon na magagamit ko sa kaniya, except sa nalaman kong panganay siyang anak ng mga magulang niya. Nadidismiya ako pero tama nga naman talaga si Makee, hindi lahat alam ng Internet, so, why am I expecting to find out everything about his life and the history of their family? Ang tanga ko sa part na 'yon. Wala na nga akong nagawa kungdi ang hintayin na maglunes at umasang papasok pa siya.
*****
Ito ang araw na pinakahinihintay ko dahil araw ngayon ng lunes. Sana talaga pumasok na siya ngayon para makausap ko na siya. Maaga akong pumasok ngayon dahil hihintayin ko siyang dumating sa classroom. 6am pa lang ay nandito na ako sa room at ako pa lang ang mag-isang nandito pero dahil hindi ko kayang mag-isa ay lumabas muna ako ng room at pumunta sa malaking green field dito sa school. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal doon. Tumambay ako doon hanggang sa dumadami na ang estudyante kaya napagdesisyonan kong umakyat na sa room at doon na siya hintayin. Pag-akyat ko sa room ay wala akong nadatnan na KenJi. Dumiretso ako sa aking upuan at nilapag doon ang mga gamit ko.
"Bakit ganiyan ang itsura mo, pre?" Natatawang tanong sa'kin ni JayCee kaya tinitigan ko siya ng masama. Hindi siya natinag, mas lalo pang tumawa ang loko kaya bintukan ko siya "Aray! Masakit 'yon ah!" reklamo niya sa'kin.
Hindi ko siya sinagot "Bantayan mo 'yang bag ko." sabi ko sa kaniya. Papunta ako ngayon sa cr dahil gusto kong maghilamos bukod sa init ng panahon ay umiinit din ang ulo ko kay KenJi.
Ngunit nagulat ako ng makita ko doon si KenJi na hawak-hawak ang isang lalaki sa kwelyo. Nakaangat ang lalaki sa ere dahil sa lakas ni KenJi. Napatingin siya sa'kin. Nakita ko ang may bangas niyang mukha at ang galit na galit niyang ekspresiyon. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomansaMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...