Max Delos Santos
Alas otso na ng gabi ngayon. Patuloy akong nag-iisip ng mga bagay na gusto kong maranasan kasama si KenJi. Alam ko kung ano ang iniisip niyo. Walang ganoon, ah. Ang ibig kong sabihin ay 'yung para sa Project namin kay Miss Castro. Isang buwan pa naman bago ang pasahan nito pero ako kasi 'yung tipo ng estudyante na maaga gumawa. Ayoko ng na-le-late ako ng pasa. Ayoko rin na nag-cracramming ako dahil hindi 'yon nakaka-cool.
Ilang sigundo, minuto, at oras din ang nagdaan, wala pa rin akong kahit na anong ideya na maisip. Kahit kasi ako ay hindi ko rin alam kung ano nga ba 'yung mga gusto kong gawin kahit na alam ko naman kung para saan ang project na ito. Aware ako na para ito sa development namin bilang isang tao pero bakit ganoon? Wala talaga akong maisip.
Humingi na ako kay Mom ng mga mani para lang ma-boost ang utak ko. Sabi kasi nila ay nakakapatalas daw ng utak ang Mani kaya nga usually before ako mag-take ng examinations ay kumakain ako nito pero baka isipin niyo na inaasa ko sa mani ang makukuha kong scores, hell no, nag-rereview ako palagi. Talagang naniniwala lang ako sa sabi-sabi ng matatanda. Pero bakit ganito ngayon? parang walang epekto sa'kin.
*****
Kasalukuyan kaming magkasama ni KenJi sa library upang pag-usapan ang magiging plano namin para sa'ming final project. Sa isang linggong dumaan ay naging mainit ang pangalan namin sa buong school pero ang nakakabilib ay parang walang pakialam si Kenji sa mga taong palaging nakamasid sa'ming dalawa. Samantalang ako ay parang ayoko nang dumikit sa kaniya. The more kasi nilang nakikitang magkasama kami ay mas lalong lumalala ang kanilang mga pantasya sa relasyon naming dalawa. Kesyo raw kami na, kesyo nililigawan pa lang daw ako ni KenJi at ang pinakamalala pa ay magkasama na raw kami sa iisang apartment. Ayoko namang magpaliwanag sa kanila dahil wala naman akong dapat na ipaliwanag.
Nakaupo kami ngayon sa palagi naming pinupwestuhan ni KenJi, sa pinakadulong espasyo ng library namin. Madalas kasi ay bakante rito at kahit papaano'y hindi kami na oobserbahan ng mga 'fans' daw namin. Sa totoo lang, hindi ko magawang magalit dahil nakikita ko kasi ngayon na marami ng tao ang bukas ang isipan para sa LGBTQIA+ Community, so, as one of their allies, masaya ako para sa kanila. They deserve all the love and support that they are getting right now.
Nakatitig sa'kin si KenJi habang kumakain ng bibili niyang siopao sa Cafeteria. Binigyan niya rin ako kanina at syempre tinanggap ko biyaya 'yon, eh, pero nilagay ko muna ito sa loob ng aking bag dahil bawal magdala o kumain dito sa loob ng Library. Matigas ulo niyan ni KenJi kaya nagdala pa rin. Nataranta pa nga ako noong bigla niyang i-abot sa'kin kanina 'yung siopao, baka kasi makita noong bantay. Maba-ban talaga kami rito sa Library kapag nagkataon.
As usual, ganoon pa rin siya't sobrang tahimik. Nasanay na rin naman ako dahil araw-araw ko siyang katabi sa room "May ideas ka ba kung paano natin i-pre-present ang output natin?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa'kin pero napansin kong iba ang paraan ng pagtitig niya ngayon sa'kin. Pakiramdam ko'y may gustong sabihin ang kaniyang mga mata.
Mga ilang sigundo lang ang tinagal ay sinagot niya na ang tanong ko "Wala." sabi niya habang ngumunguya ng siopao na kinakain niya.
Hindi ko na siya sinagot dahil nag-iisip din ako kung paano ba namin gagawin 'yung project. Ang sabi kasi ni Miss Castro ay gagawa kami ng listahan ng mga bagay na hindi pa namin nagagawa't gustong-gusto naming maranasan at gagawin namin 'yon with our partner tapos we'll think creatively kung paano namin i-pre-present ang output namin.
Nagtaas siya bigla ng kaniyang kamay sensyales na mayroon siyang naisip na ideya. Tumango ako sa kaniya kaya nagsalita siya "Bakit hindi na lang nating gawi----" pero naputol ang kaniyang sasabihin ng biglang mag-ring ang kaniyang telepono. Tiningnan niya muna ito bago niya sinagot "Bakit?" walang pagbati't diretsong tanong niya sa kabilang linya.
Nagkunwari akong nag-iisip pero ang totoo'y naghihintay ako sa mga isasagot niya sa kaniyang kausap. May hinala kasi ako na mayroong special someone si KenJi dahil madalas ay nakikita kong may kausap siya sa telepono. Tuwing magkasama rin kami ay may biglang tatawag sa kaniya kaya sobrang curious talaga ako kung sino ba ang palaging tumatawag sa kaniya. Hindi sa pagiging chismoso, ah. Curious lang talaga ako. Kaya 'wag niyo akong i-judge, mga madalang people.
Nagulat ako nang makita kong nabitawan niya ang kinakain niyang siopao. Nalaglag ito sa sahig. Iba ang ekspresiyon niya ngayon... malayo sa nakasanayan kong blanko niyang ekspresiyon. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at mabilis na binuksan ang kaniyang bag. Kinalkal niya ito na para bang may hinahanap siya sa loob nito.
Nabigla ako nang mahulog ang isang susi mula sa kaniyang kamay. Agad ko itong dinampot upang tulungan siya pero nagulat ako nang bigla niya itong kunin sa kamay ko. Nakita ko ang namamasa niyang mga mata. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Bigla siyang tumakbo palabas ng Library.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay natulala ako ng ilang minuto pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay may tumutulak sa'kin na sundan siya. Tumakbo rin ako palabas ngunit sa sobrang bilis nang ginawa kong pagtakbo ay umaabot sa punto na mayroon akong nakakabanggang mga kapwa ko estudyante.
Habol hininga akong nakarating sa parking lot. Napahawak pa ako sa aking mga tuhod pero sa kamalas-malasang pagkakataon ay hindi ko na naabutan si KenJi.
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomantizmMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...