Max Delos Santos
Kasalukuyan ngayong nagtuturo si Miss Castro. Balak ko nang sabihin sa kaniya mamaya ang problema ko kay KenJi pagkatapos ng kaniyang klase sa'min. Hindi talaga ako papayag na ganiyan ang magiging kasama ko. Wala talaga siyang pakialam sa project namin, ni hindi niya nga ako kinakausap, eh. Sa totoo lang, nakakapuno na. Naiinis na ako ng sobra-sobra.
Pagkatapos ng klase ay dali-dali kong inayos ang mga gamit ko para lapitan si Miss Castro habang hindi pa siya tuluyang nakakaalis. Mabilis kong pinasok ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Nakita kong paalis na si Miss kaya tatakbo na sana ako palapit sa kaniya pero nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Agad akong lumingon para tingnan kung sino 'yon.
"Bitawan mo nga ako." seryoso kong sabi kay KenJi pero hindi siya natinag. Medyo nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkas siya kaysa sa'kin.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palabas ng classroom "Hoy! Saan kayo pupunta?" rinig kong sigaw ni JayCee, marahil ay nagulat siya sa'ming dalawa. Sinusubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa'kin pero masyado siyang malakas kaya sumuko na lang ako. Wala akong magawa kungdi ang sakalin siya sa imahinasyon ko habang hila-hila niya ako sa corridor.
"Saan mo ba ako dadalhin!?" pasigaw kong tanong sa kaniya pero bahagya akong nahiya dahil nagtitinginan na sa'min ang mga tao at talagang pinagbubulungan kami ng harap-harapan.
Ilang sandali pa ay naging pamilyar na sa'kin kung saan niya ako dadalhin. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako binibitawan kaya talagang nagpapahila na lang ako sa kaniya.
Nang makarating kami sa harapan ng library ay humarap siya sa'kin at tiningnan ako. Ang nakakainis pa ay suot-suot niya na naman 'yung ekspresiyon niyang napakawalang-kwenta. Kunot noo ko siyang tinitigan, nag-cross arms pa ako para maramdaman niyang inis ako sa kaniya "Anong gagawin natin dito?" hindi niya ako sinagot. Walang pasabi siyang pumasok sa loob ng library.
Gago 'yon, ah? Iniwan ako.
Dahil maraming nakatingin sa'min simula pa kanina ay dali-dali rin akong pumasok sa loob. Agad ko siyang hinanap at nilibot ang napakalaking library ng aming Unibersidad.
Nasaan ka na bang tukmol ka?
Nakita ko siyang nakaupo sa pinakadulong parte ng library. Seryoso siyang nakatingin sa'kin, hinihintay niya yata ako, kaya mabilis akong naglakad papunta sa kaniya. Pagkarating ko ay umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
"Ano bang problema mo?" galit ng tanong ko sa kaniya pero kinontrol ko ang lakas ng boses ko. Pasalamat siya't nandito kami sa Library kung hindi baka nasigawan at pinagmumura ko na siya kanina pa.
Sumandal siya sa upuan at nag-dekwatro bago ako sagutin "Hindi ba't hinahanap mo ako palagi?" seryosong tanong niya sa'kin na siyang ikinakunot lalo ng noo ko.
Dyos ko lord! Bigyan mo 'ko ng mahabang pasensya para hindi ko sa kaniya ipupok itong upuan na inuupuan ko.
"Why would I be looking for you all the time?" tanong ko sa kaniya habang patuloy na pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.
"I thought you wanted me to be your partner?"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya napatayo ako at dinuro siya "Fuck you! I never wanted to be your partner!" ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Inis na inis talaga ako sa sinabi niya.
Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi "Ayoko rin namang maging partner mo but I have no choice, kid. We must work together. Kailangan kong makapasa."
"Don't you fucking dare call me a kid! Mas mature pa nga ako mag-isip kaysa sa'yo! Unlike you, a twenty-two years old that doesn't act at his age! It seems like you don't even know your responsibilities tapos gusto mong makapasa!? The heck! Pass your ass, you fucking bastard!" galit na galit na sabi ko sa kaniya bago ko siya iniwan sa Library. Nakita kong maraming nakatingin sa'kin pero wala akong pakialam.
My decision is final, I can't work with him. He's so cocky! Damn that old hag!
Diretso akong pumunta sa faculty ng mga teachers para kausapin si Miss Castro. Agad naman akong nakarating doon at naabutan si Miss na may ginagawa sa kaniyang laptop. Bumati muna ako sa mga teachers bago pumasok sa loob, dumiretso ako ako Miss, "Take a sit." sabi niya sa'kin. Umupo naman ako sa upuan nasa harapan niya.
"What can I do for you Mr. Delos Santos?" seryosong tanong niya sa'kin habang nagta-type sa kaniyang laptop.
Ngumiti muna ako ng pilit bago nagsalita "U-um, Miss Castro may concern po kasi ako regarding to our Final Project." pauna kong sabi na nakapukaw ng kaniyang atensiyon.
Ilang sigundo muna siyang tumingin sa'kin bago nagsalita "Okay, what about it?"
"I can't work with Kenji Nakamura, Miss. I don't want him to be my partner because he's so irresponsible. At school, he seemed not to be aware of his priorities. He's never even contacted me to discuss our final project, which is why we didn't have a plan until now. Miss, can I have a new partner? or can I do this project myself? I really can't work with him." tuloy-tuloy na paliwanag ko sa kaniya pero mukhang hindi man lang siya nagulat sa concern ko sa kaniya ngayon. Marahil ay dahil nakikita niya rin si KenJi na irresponsable dahil sa hindi nito madalas na pagpasok sa klase niya.
Sinara niya ang kaniyang laptop "Alam kong pupunta ka rito para sabihin 'yan sa'kin. Pinakiusap na sa'kin ni Mr. Nakamura ang lahat." sabi niya na ikinagulat ko.
Pinakiusap? Ang alin!?

BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomansaMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...