Chapter 4

46 16 0
                                    

Max Delos Santos

Ilang sigundo akong nakatulala sa kanilang dalawa. Hindi ko magawang umalis at tumakbo. Nanghihina ang mga paa ko. Biglang binitawan ni KenJi 'yung lalaki at kumaripas naman 'yon ng takbo. Tumingin muna siya sa'kin bago niya ako iwan sa cr.

Shit! Nawala 'yung ihi ko doon!

Nakita ko ang bag niya na nasa sahig. Nagkalat ang mga gamit kaya kinuha ko 'yon at nilagay sa bag niya. Wala ako sa sariling bumalik sa classroom para ibigay ang bag niya sa kaniya pero wala akong naabutang KenJi doon. Medyo nag-aalala rin ako dahil nakita kong nagdudugo ang ilong niya.

"Dumaan ba rito si KenJi?" tanong ko sa kanila. Taka nila akong tiningnan bago sila umiling. "Hindi pre." rinig ko pang sagot ni JayCee bago ako tumakbo palabas ng classroom.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko basta ang gusto ko lang ay makita si KenJi at tingnan kung ayos lang ba siya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa clinic. Nagtanong ako sa nurse pero wala raw na pumuntang pasyente doon na KenJi ang pangalan. Tiningnan ko ang oras at late na ako ng thirty minutes sa first sub namin. Hindi naman na ako puwedenga pumasok doon dahil mapapagalitan ako ni Feliciano, ang pinakaterror naming teacher Sa General Mathematics. Sa sobrang pagod ko ay nagpahinga muna ako sa green field, pumunta ako sa medyo tago, sa dulo na mayroong abandonadong guard house para hindi ako makita ng mga gwardyang umiikot. Ngunit nagulat ako ng makita ko doon si KenJi. Maging siya ay nagulat ng makita ako. Bakas sa mga mata niya na hindi niya inaasahang makikita niya ako rito.

"Bak-"

Magtatanong na sana ako ng bigla niya akong hilahin at takpan ang aking bibig. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Biglang may nagsalita "May estudyante ba diyan?"

Awtomatikong sumara ang bibig ko. Dinala ako ni KenJi sa likod ng guard house. Dahil masikip ay niyakap niya ako mula sa'king likuran, narinig ko siyang bumulong sa'kin na 'wag daw akong maingay. Hindi ako nakasagot. May nararamdaman akong kung anong matigas at magalaw sa bandang likuran ko. Nakaramdam ako ng kaba.

Gago! Please lord! 'wag! Marami pa akong pangarap na hindi natutupad, hindi pa ako pwedeng mamatay!

Balak ko na sanang tumakbo ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit mula sa aking likuran "'Wag kang tatakbo." sabi niya sa'kin.

Naiiyak na ako. Nakita ko ang panyong hawak-hawak niya.

Gago! Sasakalin niya na ako lord!

Napapikit ako dahil handa na akong mamatay pero wala akong naramdaman na kahit na anong telang nakapulupot sa leeg ko. Umalis ako mula sa pagkakayakap niya. Ginagamit niya ang panyo para ipamunas sa ilong niyang dumudugo. Natulala ako sa mga inisip ko kanina. Akala ko talaga mamatay na ako.

Maya-maya pa ay naramdaman na naming umalis na ang gwardya dahil alam nilang walang pumupuntang estudyante rito dahil kwento-kwento nila na may multo raw dito kaya nga first time ko pa lang makapunta rito.

Nakita niya ang bag niyang hawak-hawak ko "Akin ba 'yan?" tanong niya sa'kin. Tumango ako at binigay ito sa kaniya. Lumayo ako at umupo sa mahabang bangko "Salamat." sabi niya.

Totoo ba 'to? Nag-uusap kami ngayon?

Tumango lang ako. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagpupunas siya ng kaniyang ilong. Napunta sa'kin ang atensiyon niya, taka niya akong tiningnan.

At talagang nagtataka ka pa?

"Bakit hindi ka pumasok noong mga nakaraang araw last week?" seryosong tanong ko. Hindi siya sumagot. Tumigil siya sa pagpupunas ng kaniyang ilong at tinitigan lang ako. Bumalik na naman sa dati ang ekspresiyon niya, 'yon bang parang walang pakialam tapos tamad na tamad na ekspresiyon. Ganoon ang itsura niya.

"Diba partner tayo?" inis na tanong ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang tahimik at nakatitig lang sa'kin.

Sa inis ko ay tumayo ako at balak ko ng iwan siya doon, magpapaliwanag na lang ako kay Miss Castro na hindi ko kayang makipag-cooperate sa kaniya. Sasabihin ko rin na parang wala siyang pakialam sa project namin. Mag-iindividual ako dahil kaya ko naman, hindi ko siya kailangan.

Pagkatalikod ko ay bigla siyang nagsalita "Sa pagkakaalala ko ay hindi ako pumapatol sa mas bata sa'kin." sa gulat ko ay napalingon ulit ako sa kaniya.

Anong pinagsasabi mo?

"Huh?" walang ideyang tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa'kin. Kinuha niya ang bag niya sa lapag at sunuot ito. Walang lingon-lingon niya akong iniwan doon. Mga ilang minuto bago ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niya kanina.

You fucking jerk! Kahit ako hindi kita papatulang matanda ka!

Inis akong bumalik sa classroom dahil tapos naman na ang first subject namin. Wala akong nakitang KenJi sa loob ng klase namin kaya nagpapasalamat ako sa may kapal. Sana nga hindi na talaga siya pumasok. Nagsisisi akong binigay ko sa kaniya 'yung bag niya kanina. Sana pala pinagsisipa ko na lang 'yon. Edi sana kahit papaano nakaganti ako sa kaniya.

"Saan ka nanggaling kanina, pre? Gago ka. Cutting ka kanina, eh." nag-aalalang sabi sa'kin ni JayCee pero hindi ko siya sinagot. Sinubsob ko ang aking mukha sa armchair ng aking upuan. Tangina, stress na stress na ako sa kaniya.

Pukingina mo nakaMURA! Araw-araw na yata akong mapapamura sa'yo!

Dumaan pa ang ilang subjects ay sobrang wala ako sa focus at kasalanan ito nung Nakamura na 'yon. Sana madulas siya mamaya sa bahay nila tapos mauntog siya para naman hindi lang ako 'yung nahihirapan ngayon. 'Wag na 'wag na siyang magpapakita sa'kin dahil umiinit ang dugo ko sa kaniya.

Tinatanong-tanong pa ako ni JayCee kung anong nangyari sa'kin kanina at kung bakit hinahanap ko si KenJi dahil hindi naman daw 'yon pumasok. Pero wala siyang tanong na sinagot ko. Nagpaalam na ako sa kaniya at tinawagan si Mang Carlos para sunduin ko University. Maya-maya pa ay dumating na siya at umuwi na ako sa bahay.

Pakiramdam ko'y sobrang stress ako ngayong araw kaya wala akong ganang kumain. Dumiretso ako sa kwarto at doon na nagpahinga. Maya-maya pa ay unti-unti bumigat ang talukab ng aking mga mata sensyales na inaantok na ako at hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako.

Fear NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon