Max Delos Santos
Hi! I'm Max Delos Santos. 17 years old. I'm currently a grade 11 GAS student in Oñoresza University. This is the second week of our school year, wala namang pinagbago sa first week dahil ganoon pa rin ang mga nangyayari sa'kin. Madalas akong kawayan at kausapin ng mga schoolmates ko sa corridor kahit naman 'yung iba ay hindi ko kilala. Nagugulat nga ako dahil kilala nila ako. Siguro dahil sobrang friendly ko rin. Tinatawag nga ako ng mga close friends ko na social butterfly, eh, I agree with them. Parang lahat na lang kasi ng tao kaya kong pakisamahan.
Pagdating ko sa room ay agad akong dumiretso sa upuan ko. Nilapag ko ang aking mga gamit. Konti pa lang kaming nandito at malamang ay marami na namang lates. Ako pa naman ang Class Secretary kaya I have the responsibility to check our daily attendance. Alam niyo pa kung ano ang nakakainis? 'Yung after mong i-fanalize ang attendance sheet ay may mga pahabol pang darating. Ayoko pa naman na may bura ang mga gawa ko. Hindi malinis tingnan kapag ganun.
Nilabas ko ang aking telepono at nagsimulang magbasa sa Wattpad. Thirty minutes pa naman bago ang class hours kaya I still have enough time to read. Ito lang kasi ang tanging libangan ko. Ang pagbabasa ng iba't ibang nobela. Madalas kasi ang hawak ko talaga ay mga libro ko sa school dahil isa akong estudyante na mahilig mag-aral. Sabi nila matalino ako pero hindi naman talaga, mabilis lang ako matuto and that's different.
Habang nagbabasa ako ay may sumundot-sundot ng tagiliran ko. Hindi ko pa man tinitingnan ay alam ko na kung sino "Ano na naman 'yon, JayCee?" tanong ko sa best friend kong siraulo na si JayCee Bautista.
Hindi siya sumagot, nakangiti lang siya ng nakakaloko sa'kin habang tinataasan-taas ang dalawa niyang kilay.
"Nakakaasar ka." kunot noo kong sabi sa kaniya. Bumalik ako sa pagbabasa pero hindi siya tumigil sa pangungulit sa'kin. Tinusok-tusok niya pa rin ang tagiliran ko.
"Ano ba 'yon?" inis kong tanong. 'Yan ang special skill niya, eh, ang inisin ako.
Bahagya pa siyang tumawa bago sumagot sa'kin "Napakasungit mo naman, pre. May dalawa ka na naman ba?" pang-aasar niya pa ulit. Inirapan ko siya. Inakbayan niya ako at sinilip ang ginagawa ko sa aking telepono "Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?"
Hindi ko siya sinagot. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa. Magkatabi kasi kami ng lokong 'to, eh. Ugali niya talagang sirain ang umaga ko tapos harot-harutin ako. I mean, nang-aasar siya palagi. Maya-maya pa ay inalis niya na ang pagkakaakbay niya sakin.
Bigla siyang nagpaalam "Pre, punta muna ako sa banyo, naiihi na ako. Paki bantayan gamit ko, ah. Nandiyan sa bag 'yung wallet ko." tumango ako sa kaniya. siya ay dali-daling lumabas. Ilang minuto lang ang tinagal bago siya makabalik sumigaw pa ang loko pagpasok sa room.
Lumipas ang ilan pang minuto ay nagsisidatingan na ang aming mga kaklase. Noong masiguro ko na wala nang papasok ay nag-check na ako ng attendance at isa-isa silang tinawag. Hindi ko pa kasi sila kilala lahat dahil ngayon pa lang kami naging magkakaklase. Pagkatapos kong magtawag ay may isang pangalan na nakapukaw ng atensiyon ko, hindi dahil kakaiba ang kaniyang pangalan kungdi ay ilang araw na siyang lumiliban sa aming klase. Simula unang araw ay hindi pa siya pumapasok. Nilagay ko na sa white board ang aming attendance. Maya-maya pa ay pumasok na teacher sa'min.
Isang matandang babae na nakasuot ng isang makapal na salamin na halos mahulog na sa kaniyang ilong. Tahimik nitong nilagay ang kaniyang bag sa ibabaw ng lamesa at tumingin sa'min ng seryoso.
Bigla siyang nagsalita "Where are your manners, students?"
Naalarma kami at dali-daling tumayo "Good morning Miss Castro." sabay-sabay naming bati.
"What's good in the morning kung ganito kababastos ang mga estudyante rito?" seryosong tanong nito sa'min. She has this authority na talagang nakakatakot.
Biglang may kumatok sa pinto dahilan para mapunta doon ang aming atensiyon. Nakita ko roon ang nakatayong lalaki. Sobrang tangkad niya na sa tingin ko ay nasa 6 feet. Mahaba rin ang kaniyang bagsak na bagsak na buhok. Singkit siya't matangos ang ilong. Medyo maputla siya dala rin siguro sa kulay niya dahil sobrang puti niya. Sa madaling salita gwapo siya't halatang iba ang lahi para siyang koryano.
"I'm sorry I'm late." sabi niya.
Don't tell me? He's that guy? The guy I'm talking about earlier...
Lumapit ng konti sa kaniya si Miss "What's your name, mister?"
"KenJi Nakamura."
That Nakamura guy. Siya nga.
"Mas pogi pa ako diyan, pre." bulong sa'kin ni JayCee. Hindi ko siya pinansin.
"Okay, come in mister Nakamura." tugon ni Miss sa kaniya. Agad naman siyang pumasok. Dire-diretso siyang pumunta sa likod, sa puwesto namin, nagulat ako ng tumingin siya sa'kin. Bigla niyang inilagay ang bag niya sa katabi kong upuan at inurong ng konti para magkaroon kami ng space sa gitna.
"You may take your seats."
Umupo kami agad dahil baka magbago pa ang isip ni Miss Castro. Mahirap na. Actually, ngayon lang namin siya na meet dahil last week ay wala pa namang pumasok na teachers sa'min bukod sa advicer namin. Naibigay na rin sa'min ang aming schedule para sa first semester kaya alam na namin kung ano ang mga pangalan ng aming mga guro.
Pagkatapos ng konting pagpapakilala ni Miss ay nagsimula na siyang magturo. Sa kabila ng galing niya sa pagtuturo ay hindi ko magawang maka focus dahil sa katabi ko. Napatingin ako sa kaniya. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa'kin. Agad kong iniwas ang aking paningin at nag-focus kay Miss na nasa harapan. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa'kin.
Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
Lãng mạnMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...