Max Delos Santos
Araw ng linggo ngayon, dapat ngayong araw ay bumabawi ako ng tulog pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay sobrang aga kong nagising. Ako pa naman 'yung klase ng tao na kapag once na nagising ay nahihirapan ng matulog ulit. Wala na akong choice kaya tumayo na ako sa aking kama. Tiningnan ko pa ang wall clock sa kwarto ko, 7am pa lang. Dumiretso na ako sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ko ay bumalik akong muli sa kama at humiga. Naisipan kong manood na lamang ng random videos sa TikTok at habang nanonood ako ay bigla itong nag-vibrate, sumulpot ang isang notification sa itaas ng aking screen.
KenJi Nakamura sent you a friend request.
17 minutes ago
Napaupo ako sa gulat kaya dali-dali kong pinindot ang notification. Nakita ko sa aking Facebook ang pangalan ni KenJi at nagfri-friend request siya sa'kin. In-accept ko rin naman agad dahil magkaibigan na rin naman kami, so, wala ng masama kung connected na rin kami sa social media accounts namin. Actually, gusto ko nga siyang tawaging Kuya Ji pero kasi hindi ako sanay at iniisip ko rin na baka ma-awkward kami. Limang taon din kasi ang agwat namin sa isa't isa, baka isipin niya bastos akong bata.
Bumalik din naman ako agad sa TikTok matapos kong i-accept ang kaniyang friend request pero maya-maya pa ay nag-pop sa screen ko ang profile icon niya, nag-message siya. Agad ko rin naman 'yong pinindot at binasa ang pinadala niyang mensahe.
KenJi: Good morning, Max. Are you free today?
Agad akong nag-reply dahil baka isipin naman niyang snobber ako.
Max: Good morning. Yes, why?
Nakita ko agad na typing siya kaya inabangan ko na ang reply niya sa'kin.
KenJi: Do you know Mallow's Café? 'Yung malapit sa University?
Inisip ko pa dahil pamilyar ako sa pangalan. Marahil ay nadadaan namin 'yon ni Mang Carlos pero hindi ako sure.
Max: Honestly, idk.
Typing na naman siya.
Sobrang bilis niya palang kausap sa chat, 'no? Sa personal kasi ang hirap niya kausap tapos akala mo loading palagi. Buti pa rito maayos siyang kausap.
Bigla siyang nag-send sa'kin ng like emoji.
Gago? Ni-like zone ako? Kakasabi ko lang kanina na maayos siyang kausap dito pero mukhang babawiin ko ang sinabi ko kanina.
Max: Bakit mo natanong?
Sineen niya naman ako agad. Typing siya.
KenJi: Since we haven't had an opportunity to have a conversation about our project in the past several weeks, I'm simply thinking if we can meet there?
Ahh
Oo nga pala, simula noong iwan niya ako sa Library ay hindi na kami nagkaroon ng chance para kausapin ang isa't isa tungkol sa project namin. Iniisip ko rin kasi na busy siya sa Mom niya dahil walang kasama si Tita Akane sa hospital kaya ayoko muna siyang guluhin tungkol doon.
Max: Okay, just send me the exact address of that Café.
KenJi: Okay, come at the Café at exactly 1 o'clock.
Hindi ko na siya ni-replyan dahil ise-send naman niya sa'kin 'tung address mamaya at syempre kailangan hindi ako ang last chat sa message namin dahil kapag nagkataon ay hindi 'yon nakaka-cool sa part ko.
Maya-maya pa ay sinend niya na sa'kin ang buong address pati ang picture ng labas noong Café kaya bahagya naman akong natawa. Baka iniisip niya na maliligaw kami kaya naniguro siya by sending a picture of the Café.
Max: Thanks, see you later.
Napakunot ang noo ko nang ni-like niya lang at sineen ang message ko. Last message tuloy ako sa conversation namin. Nakakainis! Hindi na tuloy ako cool.
Bumangon na ako sa kama at lumabas ng kwarto para mag-almusal sa baba. Pagkatapos kong mag-almusal ay nanood muna ako sa TV ng kung anumang movie sa Netflix. Nakailan din akong movie bago ko mapansin ang oras. 11:03 am na kaya pinatay ko na ang TV kahit na hindi ko pa tapos 'yung last movie na pinapanood ko. Umakyat na ako sa kwarto at nagsimulang mag-asikaso. Maligo muna ako at nag-ayos ng aking sarili bago nagbihis. Saktong 12:20 ay natapos na ako sa lahat ng gawain. Bumaba na ako at dumiretso sa parking lot. Tinanong ko si Mang Carlos kung alam niya ba 'yung Mallow's Café at luckily ay alam niya raw kaya wala na akong naging problema. Agad kaming byumahe papunta roon. 12:55 pm na nang makarating kami sa harapan ng Café. Umalis na rin kaagad si Mang Carlos dahil alam niyang tatawagan ko na lang siya para magpasundo mamaya.
Pagpasok ko sa loob ay napukaw agad ng paningin ko ang napakagandang disensyo ng Café. Sobrang sarap sa mata at napakalinis. Sobrang aesthetic din ng mga kulay kaya hindi na ako magugulat kapag sumikat ito, lalo na kaming mga kabataan ngayon mahilig sa tahimik at aesthetic na lugar. Bagay ma bagay sa'min ang lugar na 'to.
Dahil konti lang ang tao ay agad kong natanaw si KenJi. Nakaupo ito sa pinakadulong mesa kung saan nakatutok ang aircon. Agad ko naman siyang nilapitan. Umupo ako sa upuang bakanteng sa harap niya.
"Hello, Ji." bati ko sa kaniya habang nakangiti.
Nanatiling blanko ang ekspresiyon niya sa'kin pero sanay naman na ako roon kaya hindi ko naman na pinansin 'yon "Hello." tugon niya "Order muna ako bago tayo magsimula. My treat."
Napangiti naman ako agad "'Yon, daming pera ni Mayor." biro ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang tahimik at hindi ako sinagot.
Tumingin ako sa menu na nasa itaas ng counter. Actually, hindi talaga ako mahilig sa kape. Hindi rin ako pamilyar sa ibang klase ng kape bukod sa Expresso na iniinom ko kapag no choice. More on juices kasi talaga ako. Kaya nga baka soon ay mag-hello na sa'kin ang diabetes.
"Expresso na lang siguro." sabi ko sa kaniya habang nakangiti ng pilit. Agad siyang tumayo at um-order sa counter.
To be continue
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomanceMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...