KenJi Nakamura
Lumabas ako sa kwarto ni Mom para bumili ng pagkain na makakain ni Max. Nagulat nga ako kanina dahil nandito siya. Hindi ko rin siya nakilala kanina noong nakatalikod siya sa front desk habang nagtatanong sa nurses. Sumingit nga ako kanina sa usapan nila dahil nagmamadali ako, mag-isa lang kasi si Mom sa kwarto, hindi ko naman pwedeng pabayaan ang nanay kong mag-isa. Nagulat kaming dalawa kanina noong magtama ang mga paningin namin pero mas lalo akong nagulat sa sinabi niya na akala niya raw ay na ospital ako. Ang dami rin niyang dalang mga prutas. Ano kayang nakain nun?
Dahil wala rin akong mabili rito sa canteen ng ospital ay nagdesisyon na lang ako na magpadeliver na lang sa Jollibee. Um-order ako ng dalawang spaghetti, dalawang large fries, dalawang cheesy yumburger, at dalawa ring large drinks. Pagkatapos ko ay bumalik na muna ako sa room ni Mom dahil maya-maya pa naman 'yon darating at tatawag din naman 'yung nagde-deliver sa'kin.
Pagbalik ko roon ay nagtatawanan ang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mahiya kay Max dahil feeling close sa kaniya si Mom, eh, kung kami ngang dalawa na palaging magkasama ay hindi madalas mag-usap tapos silang dalawa ay akala mo matagal ng nagkasama. Lalo na kanina, kung ano-ano pang sinabi sa kaniya ni Mom. Ang inaalala ko ay baka ma-awkward sa'kin si Max.
Umupo ako sa upuan na nakalagay sa ilalim ng table. Ayokong tumabi kay Max. "Wala akong mabili sa labas na pagkain kaya nagpa-deliver na lang ako. Maya-maya pa 'yon dadating." sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa'kin "A-ah, okay. Thank you."
Hindi ako tumugon sa kaniya. Napalingon ako kay Mom at nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti. Ito talagang nanay ko kapag may lalaki akong kasama ay boyfriend ko na agad. Although tama naman siya noon dahil 'yung lalaking una kong pinakilala sa kaniya ay ang kauna-unahang boyfriend ko pero hindi na 'yon nasundan.
"Kenji, anak, sabi sa'kin ni Max ay pogi ka raw."
Awtomatiko akong napalingon kay Max, kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang ekspresiyon. Napayuko siya dahil sa hiya. Bahagya akong natawa dahil sa kaniya pero hindi ko masyadong pinakita "Pogi naman talaga ako." mayabang kong tugon kay Mom. Kumuha ako ng tubig dahil nauuhaw ako. Nakita kong tumawa si Mom dahil sa sinabi ko.
Habang umiinom ako ay biglang nagtanong si Mom "Wala ka bang balak ligawan 'to si Max, 'nak?"
Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa tinanong niya sa'kin. Pinatong ko muna sa lamesa ang ininuman kong baso bago nagsalita "M-mom, tama na 'yan. Magkaibigan lang kami." pagpapatigil ko sa kaniya. Masyado kasi siyang makulit at mapilit "Baka na a-awkward-an na 'yan si Max." dagdag ko pa.
Natatarantang umiling si Max sa'kin pero halata ko sa mukha niya ang pagkabalisa "A-ah, hindi." sagot niya habang nakangiti ng pilit.
"Oh, kita mo na 'nak. Hindi naman na a-awkward-an si Max." pangungulit pa ni Mom kaya nanahimik na lang ako dahil panigurado ay hindi siya titigil sa pangungulit sa'min hangga't pinipigilan ko siya. Tumingin siya ulit kay Max at mukhang balak niya namang kulitin ito ngayon. Minsan nga nagtataka ako kung nanay ko ba talaga siya kasi ang hyper niya, samantalang akong anak niya ay tahimik lang. Baka ako talaga ang magulang tapos siya ang anak ko?
Biglang tumunog ang telepono ko kaya nag-excuse muna ako sa kanila para sagutin ang tawag sa labas. Dumating na pala 'yung driver sa tapat ng ospital kaya lumabas na ako ay kinuha ang pinadeliver ko. Pagkatapos kong kunin ay bumalik na ako muli sa room ni Mom para pakainin si Max.
Pagpasok ko sa room ay nasa gilid na ng kama ni Mom si KenJi. Nagkwekwentuhan sila at may pinapakita si Mom sa telepono niya. Hindi ko naman sila pinakialaman. Nilapag ko ang paperbag na dala-dala ko sa lamesa at umupo muli sa pwesto ko kanina. Bahagya pa silang tumatawa habang may tinitingnan sa telepono. Naisip ko na baka gutom na si Max kaya tinawag ko na siya "Max, kumain ka na muna rito." sabi ko.
Lumingon siya sa'kin at nagulat ako ng bigla niya akong tawanan. Sabay pa sila ni Mom na tumawa kaya blanko ko silang tiningnang dalawa. Sila yata ang mag-ina. Mas magkaugali sila, eh.
Nang tumigil na silang tumawa ay nagsalita na si Mom na kumain na raw muna si Max. Nahihiya pa siya ng konti noong lumapit siya papunta sa'kin. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Binuksan ko ang paper bag at inabot sa kaniya ang mga pagkain na binili ko para sa kaniya. May disposable na rin naman na kutsara at tinidor na nakabalot ng tissue kaya ayon na lang rin ang pinagamit ko sa kaniya.
"Kain po tayo, Tita." nakangiting aya niya kay Mom.
Ngumiti rin sa kaniya si Mom "Ay, sige lang 'nak. Kumain ka lang diyan dahil kumain na rin ako kanina." tugon sa kaniya ni Mom. Bumalik ito sa pag-scoscroll sa kaniyang telepono.
Tahimik kaming kumakain nang biglang kuhanan kami ng litrato ni Mom habang nakahiga sa kaniyang kama. Napalingon ako kay Max, nagulat siya sa flash ng cellphone ni Mom. Tumawa pa si Mom "Tuloy na kayo sa pagkain, sorry..." nakangiting sabi niya. Napatingin sa'kin si Max pero agad din siyang yumuko habang ngumunguya.
Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa sila ng konting minuto ni Mom bago magpaalam sa'min si Max "U-um Tita Akane, pagpapaalam na po sana ako kasi may dadaanan pa po ako."
Ngumiti sa kaniya si Mom "Ay, sige 'nak. Balik ka sa susunod, ah. Bisitahin mo ulit ako kapag may spare time ka." sabi niya.
Tumango-tango si Max "Opo. Thank you po sa pagkain. Alis na po ako Tita." paalam niya ulit kay Mom. Tumingin siya sa'kin "Thank you, Ji. Mauna na ako."
"Ay sandali, Max. Ihatid ka na ni Max diyan sa labas ng ospital." sabi ni Mom sa kaniya na ikinagulat ko.
Hays, no choice ako.
Tumawa ng pilit si Max "Ay, naku. 'Wag na po, nandiyan naman na po 'yung sundo ko sa labas." paliwanag sa kaniya ni Max pero hindi pa rin pumayag si Mom kaya hinatid ko na si Max palabas.
Tahimik kaming naglalakad sa hallway. Nasa unahan ko si Max. Maya-maya pa ay napagdesisyunan kong basagin ito ang katahimikan na bumabalot sa'mig dalawa "Salamat sa pagbisita, Max." pagpapasalamat ko.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti "Ako nga ang dapat nagpasalamat, eh. Ang saya kaya kakwentuhan ng Mommy mo." sabi niya sa'kin pero hindi ako nakasagot "Sorry nga pala, fake infos pala 'yung sinabi sa'kin nung mga babae. Yari sila sa'kin sa lunes."
Natawa naman ako pero nagulat ako nang titigan niya ako "Alam mo dapat palagi kang ngumingiti. Mas bagay sa'yo." nakangiting sabi niya sa'kin. Hindi ako nakasagot.
Tumigil siya sa paglalakad at niyakap ako. Nagulat ako. Agad din naman siyang bumitaw "Bumalik ka na dun kay Tita. Walang kasama ang Mommy mo. Thank you sa pagkain. Pakisabi rin kay Tita, bibisita ako agad soon." sabi niya. Kumaway pa siya sa'kin bago naglakad palayo.
Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga. Mukhang magkakatotoo ang mga maling balita sa kaniya. Maco-confine ako sa ospital dahil sa gulat sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Fear Nothing
RomanceMax is just an ordinary student. A kind of student who's always positive. He's easy to get along with and good at interacting with other people. KenJi, a newly transferred student, arrived one day. He is the exact opposite of Max. They were partnere...