CHAPTER 00

260 106 32
                                    

CHAPTER 00

Pinagmasdan ko ang matayog na gusali ng bago kong iskwelahan. Napalunok ako habang tinatanaw ang dagat ng mga taong nakakalat sa paligid na gaya koʼy papasok na rin. I watched the unfamiliar scene as my knees trembled in fear.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong labas sa lugar na ganito karami ang tao kaya naman nangatog ako sa kaba. Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan at parang ayaw ko nang gawin iyon. I knew I made the wrong decision. Hindi pa nga talaga ako handa.

“Ano, tutunganga ka lang ba dʼyan?”

Nilingon ko si Dad sa driverʼs seat at nakitang pinapanood niya ako sa rear view mirror. He gave me a cold-eyed stare. Mariin akong napalunok dahil dumagdag lang iyon sa kabang nararamdan ko.

“I donʼt think I can go, Dad...” I whispered.

Muli kong tinanaw ang mataong harap ng St. Louisiana. Kasunod kong narinig ang bayolenteng singhal ni Dad.

“Donʼt waste my time! Get out already, huwag ka nang mag-inarte dʼyan!”

I closed my eyes tightly to stop my tears from falling. Para akong batang ayaw magpa-iwan sa school at mukha akong tanga.

I should get my act together. Kung hindi ko lalabanan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung kailan ko pa magagawa. I've been hiding behind this fear for two years now and it's time for me to face it.

Pagod na akong mapag-iwanan ng lahat. Some people I know are already enjoying their college life while Iʼm still stuck in high school, and itʼs shameful.

Panahon na siguro para bawiin ko ang mga bagay na nawala sa akin sa loob ng matagal na panahong nagtago ako.

“Okay, Dad.” wala sa sarili akong tumango.

Lumabas na ako ng sasakyan. Bumaba ang bintana noʼn at sumungaw doʼn ang ulo ni Dad.

“Donʼt do anything stupid. One wrong move and Iʼll pull you out immediately.” he gave me a warning look. “Huwag mo nang dagdagan ang kahihiyan na binigay mo sa amin.”

Agad niyang pinaandar ang sasakyan pagkatapos noʼn. I was left there standing alone in the middle of the busy crowd, fighting the pain caused by his hurtful words. I almost laughed at myself. Para namang hindi pa ako sanay sa mga ganoʼng bagay.

Hinarap ko nalang ang malaking gate kung saan naka-imprenta ang pangalan ng bagong kong iskwelahan. Memories flashed within my eyes before I could even stop them. Pumikit ako habang pilit inaalis ang mga alaalang iyon na matagal ko nang ibinaon sa limot.

When I opened my eyes, I let out a heavy sigh. Maglalakad na sana ako nang aksidenteng bumangga ang isang babae sa akin. I donʼt know if it was also my fault or not. Agad naman siyang naalarma at nahinto sa pakikipag kwentuhan sa kasama niya dahil sa nangyari.

“Iʼm so sorry!” mabilis niyang sinabi.

She tried to look at my face but I was fast to hide behind my hair. Halata namang nagulat siya at ang mga kasama niya dahil sa ginawa ko.

“I-itʼs...” I felt my mouth ran dry after forcing myself to talk.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang bahagyang lingunin ang mga itsura nila. Nagtataka sila dahil sa pagka-utal ko. By their looks I know theyʼre already judging me.

Mabilis ko silang tinalikuran lahat kasabay ang mariin na pagkagat sa labi.

“Uh, sorry?” the girl looked at me again before they walked away. “Weird.”

Nang makalayo na sa akin, nakita kong tinuloy nila ang pag-uusap. Nagtawanan pa sila bago ako muling nilingon.

Are they laughing because of me?
 
What if they think I'm crazy?
 
I suddenly felt dread creep up in my stomach. Even though my heart was throbbing loud and clear in my ears, I could barely hear it because fear had already clouded my mind.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now