CHAPTER 05

134 75 33
                                    

CHAPTER 05

Two years ago...

“Hindi ka ba talaga sasama, Sorelle?” my best friend asked me.

Umiling muli ako kay Aven. Kanina niya pa ako pinipilit sumama sa party na pupuntahan niya mamayang gabi. Gustuhin ko man, hindi naman pwede. My parents won't let me unless I have a chaperone with me. Ang pangit namang mag saya ng may nagbabantay kaya huwag nalang.

“Hindi ako papayagan.” simpleng sagot ko.

She gave a huge sigh of disappointment while playing with her pen. Nanatili naman akong nakapikit habang naka sandal sa upuan ko.

May nagle-lecture nang teacher sa harapan pero dahil inaantok ako, mas inuna kong ipahinga ang mga mata ko. Boring naman kasi ang discussion namin tungkol sa computer. Ewan ko ba kung bakit hindi nalang kami dumiretso sa laboratory at nang makapag Facebook ako.

Iʼm not a grade-conscious person and everyone knows that, even our teachers. Sanay na sila sa palaging asal ko sa classroom but they would constantly remind me that I have a potential if I participate more and be active. Matataas kasi ang scores ko sa exam kahit madalas akong walang gana sa klase.

Tsamba lang din siguro dahil hindi naman ako nag-aaral ng mabuti. Grades are not a reflection of oneʼs worth—iyon ang motto ko sa buhay. Instead of putting pressure on myself to be the best, I decided to stop worrying about it and just enjoy my high school life.

“Sige na, sabihin mo nalang birthday ko...” Aven is still not letting go of the topic.

“Nasabi ko na iyan noʼng nakaraan. Ano, tatlong beses ka nagbi-birthday sa isang taon?”

Ngumuso siya at bahagyang tumingala, tila nag-iisip ng ipapaalam ko.

“Just say it's Razielʼs birthday. Kasama naman kamo naʼtin ang mga bodyguards ko.” she winked at me.

Of course that's a lie. Hindi naman kasi siya pumupunta sa mga party na may bodyguards. Ang korni naman kasi talaga. Same thing with me having a chaperone.

“I donʼt think theyʼll allow me...”

My parents are very traditional and strict. Lalo paʼt babae ako. Siguro kung kay Kuya Raul papayag sila kahit walang kasama pero iba sa akin. I canʼt go anywhere without their knowledge. Sometimes it feels suffocating pero naiintindihan ko naman dahil para rin iyon sa akin.

Isa pa, ayaw ko rin talagang sumama dahil medyo tinatamad ako. I did attend some parties before but they weren't really for me. Hindi naman ako saint na walang kasalanan. Marami rin akoʼng kabalastugan pero hindi isa roʼn ang pag-iinom o pagpa party. Partying needs too much of your energy and I can't provide that so I'll just stay inside my room and sleep.

“Tumakas ka nalang.” bulong pa ni Aven.

Dumilat ako at agad kaming nagkatinginan. Slowly, her smile went wider.

May mga pagkakataon na tinangka kong tumakas noon pero palaging hindi natutuloy. My guilt eats me up everytime. I have never rebelled against my parents in my entire life. Maybe the closest thing I did was being lazy at school but aside from that, wala na.

Kaya imposibleng magawa ko ang sinasabi niya. Kapag hindi nila ako pinayagan, hindi ako magpupumilit.

“Ayaw ko.” I shook my head and that made her pull out the last card on me.

"Nandoʼn si Brayden."

Parang kumislap ang mata ko dahil sa narinig. I shifted my seat to face her, nakuha na ang buong atensyon dahil sa narinig.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now