CHAPTER 02

142 89 9
                                    

CHAPTER 02

After Rade said that, everyone got back to their seats immediately. Hindi ko alam kung bakit ganoʼn nalang sila katakot sakanya pero nagpasalamat na rin ako. Kung hindi dahil sakanya, baka kung ano nang naisagot ko.

Time moves swiftly onwards. Lunch break nang naisipan kong umidlip muna gaya ng palagi kong ginagawa. Hindi na naman kasi ako nagugutom kahit wala pa naman akong kain simula umaga.

I donʼt know why I often experience loss of appetite or desire to eat. Hindi ko naman sinasadya na hindi kumain sadyang wala lang gana ang katawan ko kaya ganoʼn nalang din kabilis bumagsak ang timbang ko.

Sometimes I try to force myself so my body would continue functioning as it should. Pakiramdam ko kasi kaya rin madalas akong inaantok o walang gana ay dahil hindi ako kumakain. Kaya lang may mga pagkakataon talaga na hindi ko mapilit ang sarili ko, kagaya ngayon. Umidlip nalang tuloy ako.

Nagising nalang ako mula sa pagkakatulog dahil sa kalabit ng kung sino. Kinusot ko ang mata ko para sana tingnan nang agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Rade.

“Kumain ka na,” sabay nguso niya sa tupperware na nasa harapan ko.

Kumunot ang noo ko sakanya.

“Ano 'yan?”

“Lunch. Tulog ka kasi kaya hindi na kita naaya kanina. Binilhan nalang kita.”

He smiled up to me sweetly with tiny dimple playing at the corner of his mouth. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa upuan niya na para bang walang lang iyon.

Naiwan ang kunot sa noo ko habang bumaba ang mata sa tupperware. Pork cutlet iyon na may rice at vegetables on side. May bottled water pa at peeled orange sa ibabaw noʼn.

I scrunched my nose. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa mga ginagawa niya. Alam ko namang binilin ako ni Mr Manalo sakanya kaya niya ginagawa ito but isnʼt it too much? Who in their right minds would buy lunch for someone they donʼt even know?

Oo, hindi ako stranger sakanya pero hindi niya pa rin naman ako ganoʼn kakilala. Weʼre not even close so I canʼt understand why he does this things.

“Donʼt buy me lunch next time. I can pay for my own.” sabay kuha ko sa purse ko.

Hindi ako sanay na may taong ganito kabait sa akin kaya natatakot ako na baka kapag tinanggap ko ang kabaitang iyon, may kapalit sa dulo. Lagi naman kasing ganoʼn. Sa umpisa lang magiging maganda lahat kaya habang maaga pa dapat tanggihan na.

“Just treat it as a gift.”

“Hindi ko naman birthday kaya bakit ako tatanggap ng regalo?”

Natawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. “Kainin mo nalang. Sayang naman ang effort ko.”

Kakainin ko naman talaga dahil syempre nabili niya na. Ang sa akin lang ayaw kong nagkaka-utang kahit kanino kaya babayaran ko siya. May utang pa nga ako sakanya kahapon at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.

Inabot ko ang perang galing sa purse ko. “Bayad ko. Next time, donʼt do this again. Hindi ko na tatanggapin.”

I know Iʼm being too harsh but this is also for myself. Ayaw kong masanay sa kabaitan ng kung sino man dito dahil alam kong balang araw, mawawala rin iyon. Pagsisisihan din nila na naging mabait sila sa isang kagaya ko.

“Keep it.” umiling siya. “If you want to pay me, buy me lunch next time.”

Tinalikuran niya na ako at sakto namang nagpasukan na rin ang mga kaklase namin kaya hindi ko na siya nahabol pa.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now