CHAPTER 13

51 7 0
                                    

CHAPTER 13

Dumiretso ako agad sa kwarto nang makauwi. Hindi ko na nagawang makipag-usap ulit kay Kuya Raul dahil guilty'ng guilty ako. Guilty dahil alam kong nagsisinungaling na naman ako sakanila.

Pero hindi ko pa rin talaga kayang sabihin. I could only imagine the horror on their faces once they find out. Iniwan namin ang magandang buhay sa Cebu. Nawalan ng trabaho si Daddy at nalugi ang iilang negosyo dahil napabayaan. The perfect life we had back then was left behind because of that one video he leaked without my permission.

Malaki ang kasalanan niya hindi lang sa akin kun'di sa buong pamilya ko. And if they knew that he's here again, hindi ko na mapipigilan ang gagawin nila. Hindi exaggeration ang sinabi kong pwedeng mapatay ni Daddy si Priel kung malaman niya. Dad's so mad at him for ruining not only my life but also theirs, and I cannot blame him for that.

Gulong gulo na ako. I don't know what to do. Bakit ba kasi pumunta pa siya rito? Tahimik na ang buhay ko. Hindi man kasing perpekto sa buhay ko noon pero kuntento na ako ro'n. Day by day, I am learning how to live without fear. Pinag-aaralan ko na rin'g mamuhay ng normal kagaya ng iba.

Pero ngayong nandito siya, nagbalik ulit ang lahat. Nanumbalik ang lahat ng sakit sa iniwan niyang sugat. I want nothing more than peace and now that he's back in my life, will I be able to still have it?

I was drown with my thoughts that I did not sleep that night. Maaga pa rin naman akong nagising kinabukasan dahil may pasok. Tulala nga lang at walang gana.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. I sat in front of my vanity and combed my hair. The dark circles under my eyes were a clear indication that I didn't get enough sleep. Sinabayan pa ng kaputlaan ko. Mukha na tuloy akong zombie.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. I walked into our dining room only to see my family eating breakfast without me. Kumpleto na sila doon at masayang nagkwe kwentuhan.

Hindi naman na bago iyon sa akin. Naupo nalang ako sa dulong bahagi ng lamesa kung saan ang lagi kong pwesto. They were all busy chatting that they didn't even notice me.

Si Mommy lang ang lumingon sa akin na may ngiti pa sa labi dahil sa pinag-uusapan nila. She was about to say something to me when Shalene called her again.

"Tapos, Mommy, ang babait ng mga doctors do'n. Pinupuri nila ako dahil ang galing ko kahit first day ko pa lang!"

Hindi na tuloy ako napansin ni Mommy. Ayos lang naman iyon dahil mukhang maganda nga ang pinag-uusapan nila. I think it was about Shalene's internship.

"Talaga? Magbi-bake ako ng cookies mamaya at ipamigay mo sakanila bilang pa thank you!"

Tumango naman si Shalene sakanya. "Pakidagdagan na rin para sa mga classmates ko dahil tiyak na maiinggit ang mga iyon. Inggit na inggit na nga sila sa akin dahil ako raw ang palaging tinatawag ng mga nurses. Ang hina naman kasi nilang p-um-ick up ng mga gagawin. Mga slow learners!"

Dad let out a hearty laugh. "Don't mind them. Just concentrate on naking a good impression. Hayaan mo silang mainggit sa'yo."

"Yes, Dad. Hindi ko naman talaga sila pinapansin. Alangan namang ako pa ang mag-adjust para sa kabobohan nila, hindi ba?"

Nakita kong siniko siya ni Kuya Raul. "You're too far up your head. Kaunting humble naman."

"Hindi ako mayabang, Kuya. I'm just telling the truth! Mga insecure lang iyon sa akin."

"Tama naman siya, Raul. Hindi kasalanan ng kapatid mo na matalino siya at mahihina ang mga kaklase niya."

Ngumiti si Daddy sabay tingin kay Shalene. Shalene then thanked him for taking her side.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now