CHAPTER 11

66 23 0
                                    

CHAPTER 11

Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko na mabilis koʼng pinaalis. Ilang sandali rin akoʼng natulala habang inaalala ang mga pangyayaring ipinangako koʼng kakalimutan ko na.

It's strange how such memories remain so vivid in my mind after years of forgetting them. Para baʼng kanina lang nangyari ang lahat ng iyon dahil tandang-tanda ko pa rin ang bawat detalye. Ramdam na ramdam ko pa rin lahat ng sakit kahit napakatagal na panahon na ang lumipas.

And it sucks. It sucks that even if I want to forget everything, I am not given the opportunity to. Something always happens that remind me of that nightmare. Kagaya na lamang ng mga nangyayari ngayon.

Huminga ako ng malalim kasabay ang pagpigil sa mga luha. I canʼt cry right now. At least not here.

“Are you okay?” anang pamilyar na boses.

Suddenly, Radevan came into my vision. Umayos agad ako ng upo at sinuri ang mukha niya. I tried to find him earlier to take him to the clinic, but he was no longer there. Nanatili nalang tuloy ako rito sa classroom.

May band-aid na siya sa labi dahil sa nangyari kanina sa canteen. Mukhang wala namang ibang galos maliban sa labi niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

“Ikaw? Okay ka na?” balik tanong ko sakanya.

A smile slowly appeared on his lips. “Concerned?”

Sumimangot agad ang mukha ko. I was really concerned but after looking at him, who appeared to be acting normally, my worries went away. Parang nagsisisi pa nga ako na nag-alala ako sakanya, kaya niya naman pala.

Umiling ako bago na siya tinalikuran. Narinig ko ang halakhak niya sabay upo sa katabing upuan ko.

“Joke lang. Iʼm fine. Galos lang naman.”

Tumango ako. “Okay. Thatʼs all I need to hear.”

Nagkatinginan kami. Sa tuwing nakikita ko ang sugat sa mukha niya, hindi ko maiwasang hindi ma-guilty. Sino ba naman kasiʼng tao ang deserve masaktan ng ganoʼn? Lalo na kung wala namang ginagawang masama.

And it more outraged me to think that Priel humiliated him in front of a lot of students. Hindi naman kasi basta-bastang estudyante lang si Rade dito. Heʼs got a reputation in this school and students look up to him. Ano nalang ang iisipin nila ngayon?

“You know what I think he likes you.” aniya sa gitna ng pag-iisip ko.

“Sino?”

“That transferee guy. Venturo?” sumeryoso ang mukha niya. “Nagsesolos siguro sa akin.”

Natigilan ako at hindi nakapag salita. Hindi ko alam kung anoʼng dapat koʼng isagot sakanya. Hindi ko naman pwede sabihing ex-boyfriend ko si Priel kaya ganoʼn nalang ang trato niya sa akin.

I canʼt tell him what really happened to us before. Kahit naman kasi alam koʼng mabait siya, hindi ko pa rin alam kung mapagkakatiwalaan ko siya. Wala akoʼng ibang pwedeng pagkatiwalaan dito kunʼdi ang sarili ko. Wala nang iba.

“Tingin mo?” kinalabit niya ako.

“Hindi ko... alam.”

Naningkit ang mga mata niya, tila ba may iniisip. “I really think so. Sabi niya nga kanina, dikit daw ako ng dikit saʼyo.”

Hindi ako kumibo. Nag-iwas lang ako ng tingin at nagkunwaring walang interes sa sinasabi niya kahit sa totoo ay kabado ako.

“He acts as if you two had known each other for a long time. Kung makaasta siya akala mo naman may pinagsamahan kayo, eh wala naman di ba?”

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now