CHAPTER 01
The repetitive sound of my alarm clock continues along with the rising sun outside the window. Bahagya akong bumangon para patayin iyon at agad na sumalampak ulit sa kama pagkatapos.
Itʼs already 6 oʼclock in the morning and I only have an hour to get ready for school but I canʼt seem to push myself up. After what happened yesterday, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang pumasok at magpakita sakanilang lahat.
I went straight home right after lunch. Kinuha ko lang ang bag ko sa classroom at nagpa sundo na kaagad sa driver namin. Ni-hindi na nga ako nakapagpaalam sa teachers kung bakit nag half-day lang ako kaya siguradong mapapagalitan ako mamaya.
During those times, all I could think of was leaving. Wala na akong pakialam kung anoʼng kahihinatnan ko, basta ang mahalaga ay makalayo mula sakanilang lahat.
They're probably all gossiping and laughing at me by now. Damn it. Sinabi ko na nga bang hindi talaga magandang ideya ang pagbalik ko sa pag-aaral. Look what happened now.
“Sorelle!”
Hinilamos ko ang aking palad sa mukha nang marinig ang malakas na tawag ni Dad mula sa labas.
Wala sila rito ni Mommy kahapon dahil may mga kailangang asikasuhin sa church. Kaya rin nakauwi ako nang hindi nila alam pero ngayon, mukhanh alam na nila.
I breathed heavily as I opened the door. “Po?”
“Ano 'tong sinabi ng teacher mo na nag cutting classes ka kahapon?” his eyes were full of anger and I was taken a back.
Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Akala ko kahapon makakaligtas na ako pero hindi pa rin pala. Makakarating at makakarating pa rin talaga sakanila lahat ng nangyayari kahit anoʼng klase pa ng pagtatago ang gawin ko.
“Talaga bang sinusubukan mo ako, Sorelle? First day of school at nag cutting ka! What were you thinking? Porkeʼt alam mong wala kami rito ng Mommy mo, sinasamantala mo naman!”
Mariin akong pumukit habang tinatanggap ang sunod sunod na paratang ni Dad. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan ng kwarto ko pero ganoʼn na kaagad kadaming salita ang naibato niya sa akin.
“Arthur, calm down...” pigil ni Mommy.
Pareho silang nakatayo sa labas ng kwarto ko habang nakatanaw naman ang mga kapatid ko mula sa dining table. It looks like theyʼre already having their breakfast without me. Hindi naman na bago iyon sa akin dahil kahit kailan naman hindi kami nagsabay sa pagkain. Itʼs either theyʼll eat ahead of me or they wonʼt eat at all.
“Dad—”
“Ano, magsisinungaling ka na naman?” sigaw ni Dad sa akin. “Pinayagan ka naming mag-aral ulit para tumino-tino ka naman at mabawasan 'yang mga kasalanan mo sa panginoon! Pero ang tigas pa rin talaga ng ulo mo, wala kang ibang ginawa kunʼdi bigyan kami ng problema!”
“Masama po kasi ang pakiramdam ko—”
“There you are again with your stupid excuses! Wala ka na talagang ibang ginawa kunʼdi bigyan kami ng kahihiyan!”
Yumuko nalang ako at tinanggap lahat ng galit niya sa akin.
“Ako na ang bahala sakanya, Arthur. Ako na ang makikipag-usap sa school,” pilit siyang pinapakalma ni Mommy.
Nakita kong pumiglas si Dad mula sa pagkakahawak ni Mommy kasabay ang marahas na pag singhal.
“Nakita mo ang ginawa mo, huh? Wala ka pang isang linggo sa iskwelahan pero pinapatawag na kami kaagad!” sigaw niya pa bago ako tinalikuran. “Walang ibang binigay kunʼdi problema. Useless brat!”
YOU ARE READING
FORGOTTEN MISTAKE
RomanceAfter the incident that completely ruined her, Sorelle Ariena Escarra is now trying to get her life back together. She joined a new school after taking a year off, and there she met Radevan Herrera, a model student who wonʼt stop being nice to her...