CHAPTER 10
Nagsisisi ako. Hindi dapat ako nakipaghiwalay sakanya.
Binaon ko ang mukha sa unan at humagulgol habang iniisip ang mga nangyari. We weren't supposed to break up. I wasn't supposed to say that. Regardless of what's going on, I don't intend to end our relationship. Maybe I was just too emotional when I said it but I never meant it.
Priel walked away silently after that. He was as shocked as I was. Halata sa mukha niya na sobra siyang nasaktan dahil sa sinabi ko. And I, too, was hurt seeing him in pain even if it was my fault.
Sa tuwing naaalala ko ang mukha niya, parang dinudurog ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad. Gagawin ko kahit bawal. If I were to break my parentsʼ rules again, it would always be for him. Always.
Kaya naman sa nagdaang mga araw, I was very hopeful to see him again. Araw araw ko siyang hinihintay at araw araw din akoʼng nabibigo.
Tuluyan na nga siyang hindi pumasok at nabalitaan ko na balak na siyang i-drop ng teacher namin dahil sa unexcused absences.
My worries for him grew stronger as days passed by. Alam koʼng wala na akoʼng karapatan na mangialam pa sa buhay niya pero hindi ko mapigilan. He still matters to me and that wonʼt be changed by anything.
Kaya nang isang linggo na ang lumipas, hindi ko na nakayanan pa. Pumunta na ako sa likod ng building ng aming paaralan kung saan ko mahahanap ang taong tanging makakapag bigay sa akin ng sagot.
"Raz, can we talk?"
Nag-angat ng gulat na tingin sa akin si Raziel. Nakatambay sila sa spot kung saan kami madalas na mag-cutting classes noon. Kumpleto silang lahat, maliban lang sa akin at kay Priel.
"Ah.. Bakit?" tila kabado nʼyang sagot.
Alam koʼng alam niya na ang nangyari sa amin ni Priel. At alam ko rin na alam niya kung nasaan siya ngayon. Palagi silang magkasama at kung hindi man, alam koʼng may alam pa rin siya kahit papaano. Heʼs Prielʼs most trusted person after all.
Hindi ako nagsalita at naglakad na palayo sa mga tao. Sumunod naman siya sa likod ko. When we finally got away from them, I stopped so that we could talk privately.
Hinarap ko siya at mukha pa rin siyang kabado. Hindi ko alam kung bakit.
"Whereʼs Priel? How is he?" tanong ko.
Hindi naman nagbago ang itsura niya. Itʼs like heʼs already expecting it.
Kumamot siya sa batok. "Ah, okay naman?"
"Okay naman?" Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi pa rin siya pumapasok?"
Hindi siya nakasagot agad. May kung anoʼng pagdududa ang sumibol sa akin dahil sa mga kilos niya pero pilit ko nalang iniwasan. Maybe I was just ovethinking everything.
"Ida-drop na raw siya ni Mrs Valles kung hindi pa rin siya papasok. Nasaan ba siya?" pagpapatuloy ko.
"Baka... Baka tinatamad lang. You know Priel,"
Kinagat ko ang labi ko. I wasn't expecting my conversation with him to be this difficult. Heʼs not like this before. Dahil lang ba break na kami ni Priel kaya nagiging ganito katipid ang mga sagot niya?
"Raz, nag-aalala ako.." I said. "Sabi ni Aven, palagi siyang umiinom. Kaya ba hindi na siya pumapasok?"
He shrugged. "H-hindi ko alam? Hindi na siguro... Napagsabihan na kasi siya ng parents niya..."
He is obviously lying. Iʼm sure he knows something. Imposibleng wala. Ang tagal na naming magka kaibigan at kilalang kilala ko na sila!
I sighed and made an intense eye contact with him. Hindi niya naman iyon natagalan. "Sabihin mo nalang, Raz. Please. Nag-aalala ako ng sobra sakanya."
YOU ARE READING
FORGOTTEN MISTAKE
RomanceAfter the incident that completely ruined her, Sorelle Ariena Escarra is now trying to get her life back together. She joined a new school after taking a year off, and there she met Radevan Herrera, a model student who wonʼt stop being nice to her...