CHAPTER 04

138 87 23
                                    

CHAPTER 04

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I can't believe the guy who ruined my life is right in front of me. Kung nananaginip man ako, gusto ko nang magising dahil bangungot ito para sa akin.

“Seat wherever you like, Mr Venturo.”

Matalim ang mata ko habang pinapanood siyang papalapit sa banda ko. Nakangisi pa siya habang tutok rin ang mga mata sa akin. He didn't even try to notice the greetings of the people around him. Dinedma niya lang ang mga iyon at nilampasan.

Hindi pa rin nagbabago. He's still the same, if not worse.

I kept a straight face even though my heart was palpitating inside. Mas lalo pa iyong lumala nang umupo siya sa tabi kong upuan.

As thoughts raced through my mind, I could feel myself becoming hotter and more nervous. My thoughts were all linked and stucked together.

“Hi there, classmate,” he whispered as soon as he sat next to me.

Mabilis akong umilag sakanya. Mas lumaki naman ang ngisi niya dahil doʼn.

My breath became heavy. As I struggled to maintain a straight expression, I noticed tears welling up in the corners of my eyes. I quickly stopped it from falling. I can't show any signs of weakness right now. Ayaw kong ipakita na apektado pa rin ako sakanya.

Matagal ko naman nang alam na posibleng magkita pa kami ulit kaya pinaghandaan ko na iyon pero hindi ang ganitong paraan. Hindi sa paraan na magiging kaklase ko siya!

Iʼm sure he planned all of this. Hindi siya nag-enroll ulit para mag-aral kunʼdi para guluhin na naman ang buhay ko. Fuck him.

“Donʼt you miss me?” muli niyang bulong sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pagtayo nang maramdaman muli ang malamig niyang boses sa tenga ko. I suddenly felt the urge to puke. Nanginginig ang kamay at tuhod ko kasabay ang pag-alingawngaw ng nakakarinding ingay na ako lang ang nakakarinig.

This is not good...

“Excuse me, sir...”

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng classroom. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mr Manalo at dumiretso na sa pinaka malapit na washroom.

Nang makitang walang tao sa loob, agad akong pumasok. Dumiretso ako sa sink at kumapit doʼn habang dinadama ang pag-ikot ng paligid. I closed my eyes tightly as terror washed over me, raising every tiny hair on my body.

How could he show up again after ruining someone's life and act as if nothing happened?

I already made it clear to him that I don't want to see him anymore. Kahit katitining na bahagi ng katawan niya, ayaw ko nang makita o kahit maamoy manʼlang.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pa siya nagpakita ngayon. Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa niya sa akin noon? Hindi pa ba siya kuntento sa nasira kong buhay at gusto niya pang mas sirain iyon lalo?

Binuksan ko ang gripo at agad na hinilamos ang tubig mula roon. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa kumalma ang naghu-hurumintado kong puso.

I breathed hard as I looked at my reflection in the mirror. Napansin ko ang pangangatog ng mga kamay kong nakatukod sa sink. Kasabay noʼn ang panlalambot ng aking buong katawan dahil sa galit at pwersahang pagpapakalma sa sarili.

“Itʼs going to be alright...” bulong ko.

Kahit na alam ko namang hindi iyon magiging maayos kailanman. Hangga't nandito ang taong iyon hinding-hindi magiging maayos ang buhay ko.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now