Warning: Medyo SPG.
———CHAPTER 07
“Parang madalas ka na yatang ginagabi ng uwi?” salubong sa akin ni Daddy pagka-uwi ko.
Kinabahan agad ako. Kumakain na sila ng dinner nang dumating ako. Alas syete ang alam nilang uwian namin sa school pero dahil kinailangan ko pang bumalik doʼn para sa sundo ko, alas otso na kami naka-uwi. Hindi naman kasi ako pwedeng ihatid ni Priel ng diretso sa bahay at baka makita siya nila Daddy. I could only imagine how they would react if that happened.
I havenʼt told them about my relationship with Priel yet. Alam ko kasing hindi na naman papayag si Daddy. Ilang beses niya na kaming pinagsabihan na dapat muna naming unahin ang pag-aaral kesa sa pagbo-boyfriend. Kahit pa gaano kagwapo, kabait o kayaman si Priel, hindi noʼn mababago ang isip niya.
Kaya hindi ko alam ang isasagot sakanya ngayon. I can't tell him I went to my boyfriendʼs house instead of school. Siguradong matinding sermon ang aabutin ko or maybe even much worse.
“May p-project po kasi kami...” sinabi ko ang unang palusot naisip.
Nakita kong tumaas ang kilay niya habang hinihiwa ang karne sa plato. He doesnʼt look convinced. Mas lalo akong kinabahan.
Noon pa man, strikto na talaga si Dad kumpara kay Mommy. Nakakatikim kami ng ibaʼt ibang klase ng disiplina sakanya kapag may mga mali kaming ginagawa. Kaya rin ganoʼn nalang ang takot ko na malaman niya ang pinag gagagawa ko sa iskwelahan.
“Are you telling the truth?” nag-angat siya ng tingin sa akin.
Shalene shifted in her seat before darting her eyes toward me. Saglit kaming nagkatinginan. Mukhang may gusto siyang sabihin pero piniling huwag nang ituloy.
“Y-yes, Dad...” napapaos kong sagot.
Nakatayo lang ako sa malayong gilid nila. I made sure the smell of alcohol was gone before going home. Ilang beses ko pang pinabanguhan ang sarili para lang masigurado iyon. Medyo basa pa rin ang buhok ko dahil sa ginawang pag-s-swimming kanina kaya itinali ko nalang iyon. Itʼs not that noticeable unless you look at it closely.
“Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kabalastugan, Sorelle. You already know what Iʼll do if that happens. Hindi ako magda-dalawang isip na pahintuin ka sa pag-aaral.”
Yumuko ako habang pinapakinggan ang riin sakanyang boses.
“Muntikan ko nang magawa iyon nang nalamang nagka-cutting ka. If your mother didnʼt interfered, you wonʼt be at school today. Huwag mo subukang ulitin iyon dahil hindi na ako magpapa pigil kahit kanino.” sabi niya nang may pagbabanta.
Bumuntong hininga si Mommy bago nag-aalala akong nilingon. Hindi ko naman siya matingnan. She always takes our side no matter what, and I know she will again this time.
“Arturo, nagsasabi naman siya ng totoo! May project ang bata kaya nali-late ng uwi. You should be glad that sheʼs now taking her school seriously. Bakit mo pa pinapagalitan?”
Humapdi ang dibdib ko dahil sa harap harapang pagsisinungaling sakanila. Gustuhin ko mang itigil na ito lahat, hindi ko naman alam kung paano. Masyado na akong maraming nagawang mali para subukan pa iyong ayusin ngayon. If I tell them about my real situation in school and everything I've done for the past months, they will never forgive me. Baka patigilin na talaga ako sa pag-aaral gaya ng sinabi ni Dad...
At baka palayuin din nila ako kay Priel. Above all, thatʼs something I cannot afford to lose...
“Siguraduhin niya lang at kapag nalaman laman kong nagbubulakbol na naman 'yan, palalayasin ko na—”

YOU ARE READING
FORGOTTEN MISTAKE
RomanceAfter the incident that completely ruined her, Sorelle Ariena Escarra is now trying to get her life back together. She joined a new school after taking a year off, and there she met Radevan Herrera, a model student who wonʼt stop being nice to her...