CHAPTER 12

50 18 0
                                    

CHAPTER 12

"Don't bring Rade into this." nanginig ang boses ko habang pilit siyang itinutulak palayo.

His expression darkened as he looked at me. I watched how his fist tightened till veins showed up. Halatang mas nadagdagan ang galit niya nang marinig ang sinabi ko.

"Why do you care so much about him? Gusto mo ba siya?" akusa niya.

"I donʼt, Priel. At kung mangyari man 'yon, wala ka na roʼn!" depensa ko naman.

Hinampas niya ang pader sa likod ko dahilan para mapatalon ako. "Do you really want to see what I can do to him?!"

I looked at him aggressively. Pagod na pagod na akoʼng mag-explain sakanya. I donʼt even know why I need to clarify everything to him every single time. Wala nang kami at lalong wala na siyang karapatan sa akin at sa buhay ko!

Kung hindi lang dahil sa mga ginagawa niya kay Rade, hinding-hindi ako mag-aaksaya ng panahon dito. I wouldn't be here trying to justify myself if it weren't for the fact that he has been harming innocent people out of his selfishness towards me.

"Kilala mo ako, Sorelle. I can deal with that bastard in a way you already know. Hindi ko siya titigilan hanggaʼt hindi ka niya tinitigilan."

Tuluyan niyang ibinaba ang kamay niyang nasa pader na nagkukulong sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko sa pinaghalong kaba at galit dahil sa narinig. The only sound I could hear was the loud pounding of my heart.

Kasabay sa paglayo namin sa isaʼt-isa ay ang dagsa ng mga estudyante sa hallway. I took that time to leave him without saying anything. Tumakbo ako palabas ng iskwelahan hanggang sa makalayo sakanya.

I will admit that despite my bravery, I am still terrified of what he is capable of. Mainly because I know Priel too much and I know his capabilities. Sa tagal naminʼ g naging magka-relasyon noon, alam na alam ko na kung ano ang mga kakayahan niya. Kabisado ko na siya. Alam ko rin na kapag may gusto siya, handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lang ito.

Kaya hindi imposible lahat ng mga sinabi niya. It is certain that he would hurt Rade again without hesitation if he kept seeing us together. Kahit na wala naman talagang mayroon sa aming dalawa, hindi kami titigilan ni Priel hanggaʼt nakikita niya kami.

Ayaw ko nang mas lumala pa ang mga nangyayari. Nang dahil sa pagseselos na wala sa lugar, may mga taong naaapektuhan. May mga taong nadadamay. He wonʼt stop bullying those he doesnʼt want around me. At ayaw ko nang madagdahan pa ang mga taong nadadamay. Ayaw ko nang may masaktan pa siya. It needs to be stopped.

Alam ko naman kung paano at tanging ako lang ang makakagawa noʼn. I'll take it all in, even if it makes me feel ashamed that I have to make adjustments in order to end everything. Iisipin ko nalang na para sa ikatatahimik ng lahat. Para nalang din sa ikatatahimik ng buhay ko.

I hurried towards our car as soon as I saw it in the parking lot. Nakasandal si Mang Lito sa labas nito habang tinatanaw akoʼng papalapit.

"Tara na po, Mang Lito," walang gana akoʼng sumakay sa loob.

Tumango lang ang matanda pero nanatili pa rin sa labas. Naiwan ang mata niya sa malayo habang kunot ang noo.

"Siya ba iyon?" rinig koʼng bulong niya.

Mabilis koʼng sinipat kung sino ang tinutukoy niya. "S-sino po?"

Kinabahan agad ako dahil sa takot na baka si Priel ang tinutukoy niya. Hindi ko pa kasi sinasabi kila Mommy na nandito siya sa Manila at magkaklase pa kami. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin at natatakot din ako dahil siguradong ilalayo na naman nila ako rito. Even if I want to avoid him too, I canʼt just leave this school and adjust to a new environment again.

FORGOTTEN MISTAKE Where stories live. Discover now