Prologue

113 7 6
                                    

Dayanara's POV



"Hah! Hah! Hah!" Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga nang malalim. I was running out of breath. My heart kept beating so fast. Pawisang-pawisan na rin ang buo kong katawan.



I stopped for a while and looked around. Napakadilim ng kinaroroonan ko and I couldn't see anything.



Kailangan kong makalayo sa lugar na ito! Kailangang bilisan ko pa! Kailangan!



Nagsimula akong maglakad muli. Papilay-pilay. Damang-dama ng mga paa ko ang malamig na konkretong daan. Bukod pa roon, nararamdaman ko na rin ang sakit ng aking mga paa. Namamaltos na iyon dahil wala akong suot na kahit ano. Kaya bawat hakbang, mariin kong nakakagat ang aking pang-ibabang labi.



Tuloy-tuloy lang ako habang palinga-linga sa paligid. Nagbabakasali akong may makakita sa akin doon.



Pero alam kong suntok sa buwan ang iniisip ko. Dahil ang lugar na kinaroroonan ko ay isang private property. Pag-aari iyon ni Congressman Rodrigo Araneta. At walang sino man ang mangingiming pasukin iyon, lalo na ang kalabanin ang lalaki.



Huminga ako nang malalim. Muli kong inulit iyon habang hawak-hawak ng aking isang kamay ang maumbok kong tiyan. Mas lalo akong nahihirapan dahil maya't maya ay sumisipa ang bata sa aking sinapupunan. Mukhang kahit ito ay nakararamdam ng takot sa mga sandaling iyon.



Pansumandali akong tumigil. Pagkatapos ay muli ring naglakad. I need to keep moving kung gusto kong makalayo sa lugar na iyon, kahit pa nga basang-basa na ang buong katawan ko ng pawis. Pinanlalabo rin niyon ang aking mga mata.



Muli akong tumigil at tumingin sa aking unahan. Malayo-layo pa ang lalakarin ko. Masyado pa akong malayo sa main road. Nasa teritoryo pa rin ako ni Congressman Araneta; ang taong tinatakasan ko.



Napapikit ako nang mariin kasabay nang pagkagat sa aking ibabang labi. Napakasakit. Sumipa na naman kasi ang anak ko. Halos magdugo na ang aking labi sa tindi ng pagkakakagat ko roon.



Subalit bigla akong natigilan nang makarinig ng ugong ng papalapit na sasakyan. Hindi ko alam kung magtatago ba ako sa gilid ng kalsada o paparahin iyon. Malamang ay isa iyon sa mga bisita ni Congressman sa party sa mansyon kanina.



Pinili kong maglakad patungo sa direksyon ng main road.



Bahala na. Hindi pa naman siguro nalalaman ni Congressman na nawawala ako.



Palapit na nang palapit ang sasakyan sa likuran ko. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad.



Nakikita ko na ang malakas na liwanag na nagmumula sa aking likuran. The car was getting nearer and nearer. Pero bago iyon lumagpas sa akin ay madali akong gumitna.



Wala na akong ibang maisip. Wala na akong pwedeng pagpilian. Ayoko pang mamatay. Pero ganoon din naman ang mangyayari, kapag bumalik ako sa mansyong aking naging kulungan.



I closed my eyes so tight. At ang huli kong natandaan ay ang malakas na langitngit ng mga gulong ng sasakyan.



Pagkatapos noon, nawalan na ako ng malay.



*****


"Ah. . ." Napaungol ako sa sakit. I was in a confusion if I am still alive or not.



Pero makaraan ang ilang saglit ay naramdaman ko ang paggalaw ng bata sa aking sinapupunan. Para bang nais na nitong lumabas mula roon!



"Breath. . ." anang tinig na aking narinig. Isang tinig na nagmumula sa isang lalaki na pamilyar sa aking pandinig.



Takot na binuksan ko ang aking nanlalabong mga mata. At kahit papaano ay napanatag ako dahil hindi bulto ni Rodrigo ang naroon. Wala rin ako sa mansyon kundi nasa likuran ako ng isang sasakyan, habang ang lalaking hindi ko pa rin mamukhaan, dahil sa dilim, ay nasa may bandang paanan ko at nakati-



"Ahh. . . !" Napahiyaw ako nang malakas sa tindi ng sakit na aking nararamdaman. Para bang hinahati ang katawan ko niyon.



"F**k!" malakas na mura ng lalaki. "Hurry, Carlos! She was about to give birth!" Halos ikabingi ko na ang tinig niyang iyon. At ramdam na ramdam ko ang pag-p-panic niya.



"Try to hold it, okay?" aniya.



Subalit, paano ko ba pipigilan ang aking anak kung gusto na niyang lumabas sa mga sandaling iyon? Kahit nga ako ay natatakot dahil hindi ko pa kabuwanan!



I inhaled, then exhaled-paulit-ulit.



"H-Hindi ko na kaya. . . Hindi ko na kaya!" Hinawakan ko ang braso niya. Ramdam kong halos bumaon na roon ang aking mga kuko.



"Ahhh. . . !" sigaw ko. Ang pawis at luhang namamalisbis sa aking mukha ay naghalo na.



"Holy s**t!" he exclaimed. Mas lalong nag-panic ang lalaki sa aking paanan. Ni hindi niya malaman kung hahawakan ba niya ako o hihintayin ang paglabas ng bata.



At sa nanlalabo kong paningin, naaninag ko ang panlalaki ng kaniyang mata. Mabilis niyang hinubad ang suot na coat at inilagay sa may ilalim ng pagitan ng mga binti ko. Habang ang malayang kamay niya ay masuyong humahaplos sa aking tiyan.



"Push. . ." mariing wika nito na parang isang totoong doctor. Kaya napasunod ako.



"Again," aniya. "I am now seeing his head," dagdag pa niya habang hindi inaalis ang tingin sa aking pagkababae.



Pero wala akong pakialam. Sa mga oras na iyon, gusto ko na lamang mawala ang matinding sakit na aking nararamdaman, dahil para akong sinasakal. Para akong pinapatay.



"You're almost there. Just do it one last time."



Mahigpit akong kumapit sa kaniyang kamay, habang luhaan ang aking mga mata.



"Ahhh. . . !" Halos malagot na ang litid sa aking may leeg sa lakas ng pagkakasigaw ko na iyon. At maya-maya pa'y narinig ko na ang pag-iyak ng aking anak.



Subalit, bigla akong nataranta nang marinig ko ang sinabi ng driver. "Naririto na ho tayo."



Madali kong tiningnan ang lalaking ngayon ay hawak-hawak na ang aking anak.



"N-Nasaan talaga tayo? S-Saan mo kami dinala?" nauutal na tanong ko sa kaniya, habang pilit pa ring inaaninaw ang mukha niya.



Hindi ko maipaliwanag ang takot na bumalot sa aking katauhan. Parang mas lalo akong nanghina sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko bigla na lang mawawala ang anak ko sa aking paningin nang hindi ko man lang nahahawakan.



Bumuntonghininga ang lalaki. "Don't worry, Dayan, we are in a hospital."



Sa halip na mapanatag ay mas lalo akong kinabahan.



Kilala ako ng lalaki!



Pilit ko siyang inaninag. Bukod sa kaniyang tinig, pamilyar din ang bulto niya sa akin. Subalit, maaaring pinaglalaruan lang ako ng aking isipan. Wala pa ako sa tamang wisyo, alam ko. I just delivered my own flesh in this kind of situation. So, he could be anyone. He could be. . .



"I-I. . . I-Isa ka ba sa mga tauhan niya? Naririto ka ba para ibalik ako sa kaniya?" matapang kong tanong na ang tinutukoy ay si Rodrigo Araneta. Kung tama ang hinala ko, nanganganib na ngayon ang buhay naming mag-ina!



Napataltak ito.



"You're wrong, Dayan. Bakit ba kaybilis mo namang makalimot?" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pait sa tinig niya, kaya mas lalo akong naguluhan. "Hindi ako tauhan ng asawa mo o nang kung sino man. I am not even his friend. Hindi niya iyon gugustuhing mangyari kahit na kailan. Because as far as I could remember, your husband treated me as his enemy. Isa ako sa itinuturing niyang mortal na kaaway."



Nanlaki ang aking mga mata. Ang mga rebelasyon niyang iyon ay mas lalong nagpanginig sa aking mundo. Ibig sabihin ito si-



Attorney Ethan Louie Salviejo!



ESCAPED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon