Dayanara’s POV
Ang sinasabi ni Lola Natty na pamimilhin niya ay pampaayos pala ng bahay namin. Namili siya ng mga tiles at ipinakabit iyon sa buong sahig ng aming bahay. Pinapinis niya rin ang konkretong dingding ng bahay namin at pinalagyan iyon ng pintura, loob at labas. Ang banyo ay medyo pinaluwangan din niya.
Nang tanungin ko siya kung saan kumuha ng pera, ang sagot niya ay galing daw sa naipon mula sa pagtitinda. Tinanong ko rin siya kung bakit niya ipinaayos pa ang maayos naman na naming bahay, at ang sabi, para raw mas magmukhang presentable iyon sa darating na pamamanhikan. Alam kasi ng aking Lola na hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Hindi ko na mababawi ang salitang ibinigay ko kay Mayor Araneta.
Nang sumapit na ang pamamanhikan, kasama ni Mayor na dumating ang kaniyang mga magulang. Sina Mrs. Vivian Araneta at Mr. Narcisso Araneta. Ilang sasakyan din ang dala nila kasama na ang mga bodygurards ng mga ito. Iyon ang unang beses na makikilala ko sa personal ang mga magulang ni Mayor, kaya hindi maiaalis sa akin ang kabahan at ang mag-aalala nang husto
Gaya ng tradisyunal na pamamanhikan sa probinsya, sari-saring pagkain ang dala ng mga ito, kahit pa nga wala naman kaming masyadong bisita. Malalapit na kapitbahay lang at ilang kakilala ng aking Lola ang kasama naming humarap sa mga ito.
“Ipagpaumanhin ho ninyo ang aming munting tahanan,” ani Lola Natty nang maanyayahan ang mga bagong dating sa loob ng aming bahay.
“Wala pong problema iyon, Lola. Hindi naman po ang bahay ninyo ang ipinunta namin dito. Naririto po kami upang opisyal na hingiin ang kamay ni Dayan sa inyo,” hindi nawawala ang ngiting wika ni Mayor Araneta.
“Tama ang anak ko, Mareng Natty. Walang kaso sa amin kahit bahay-kubo pa itong bahay ninyo,” sang-ayon ni Mrs. Araneta na gaya ni Mayor Rodrigo, kaylapad din ng ngiti.
Mukha namang mabubuting tao ang pamilya Araneta. Halatang lahat sila ay sanay na sanay makibagay sa kahit na sinong tao. Walang pinipili at very down to earth. Bagay na ikinahinga ko nang maluwag. Nabawasan na rin ang kabang kanina ko pa nadarama.
“Bueno, kami ay naparito para pag-usapan natin ang kasal ng mga bata,” panimula ni Mr. Narcisso Araneta. “Kung hindi ninyo mamasamain, nasabi na ni Rodrigo sa akin na balak niyang sa susunod na buwan na ganapin ang kasalan. Pumapayag ho ba kayo roon? Dayan?” tanong niya sa amin ng lola ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lola Natty. Si Lola ang nagsalita, “Kung sang-ayon ho ang apo ko sa balak ni Ma—”
“Ah, ’La, pwede ho bang Rodrigo na lang,” mabilis na putol ni Mayor kay Lola.
Alanganing tumango naman si Lola Natty. “Kung iyon ang gusto mo, Rodrigo. Ang sinasabi ko lang, kung payag itong si Dayan ay wala naman na akong magagawa pa,” aniya.
Sa akin natuon ang atensyon ng mga naroon. Nakangiti ang mag-asawang Araneta, samantalang halata ang pagsusumamo sa mukha ni Mayor Rodrigo.
Ngumiti ako sa kanila. “Kung iyon ang pasya ni R-Rod, pumapayag po ako.” Medyo nag-aalangan pa rin akong tawagin si Mayor sa una niyang pangalan.
Malapad na napangiti sa akin ang lalaki. Kaagad niyang kinuha ang kamay ko at masuyong pinisil iyon. “Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mong ito,” wika niya.
Hindi ako sumagot. Sa isip ko ay sana nga, totoo ang sinasabi niya.
“Sa Cathedral ng Tierra del Ricos ang kasal nila, Mareng Natty. Ako na ang bahalang mag-asikaso roon pati na sa iba pang kakailanganin. Ang tangi niyo lang gagawin ay mag-relax,” ani Mrs. Araneta.
“Pero gusto ko ho sanang dito sa aming bahay ganapin ang handaan. Payag ho ba kayo?” si Lola Natty.
Nagkatinginan ang tatlo at sabay-sabay ring tumango. “Wala pong problema, ’La. Ganoon naman ho talaga dapat,” nakauunawang sagot ni Rodrigo.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
RomanceDayanara Perez believes on fairytales and happy endings. Iyon ang isiniksik niyang dahilan sa isipan, kaya pinakasalan niya si Congressman Rodrigo Araneta. Subalit, mukhang nagkamali yata siya. It was no fairytale at all. Kaya ninais niyang kumawala...