ESCAPED 12

95 3 2
                                    

Dayanara’s POV

“Congratulations, Congressman!” isa-isang bati ng lahat kay Rodrigo.

Katatapos lang ng bilangan at lumalabas na malaki ang agwat nito mula sa dalawa pang kalaban. Nasa headquarters kami sa mga sandaling iyon at naghihintay ng opisyal na anunsyo mula sa COMELEC.

“Hintayin po muna natin ang sasabihin ng COMELEC,” pa-humble pang sagot ni Rodrigo. Kahit naman hindi maghintay, kitang-kita na ito talaga ang nanalo sa distrito namin.

“Doon muna tayo sa opisina,” bulong niya sa akin bago nakangiting hinarap ang mga tauhan. “Maiwan ho muna namin kayo rito.”

“Sige ho, Congressman,” parang iisang taong sagot ng mga ito.

Tumuloy kami sa pinaka-opisina niya. Ipinaghila niya ako ng upuan sa harap ng kaniyang lamesa, saka siya umikot at naupo sa harap ko. May kinuha siyang isang folder at iniabot iyon sa akin.

“Ano ito?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Just open it,” nakangiting wika niya.

Bunuksan ko naman ang folder at tumambad sa akin ang isang plane ticket. Nakasulat doon ang pangalan ko.

“Why? Para saan ito?” nangungunot ang noong tanong ko sa kaniya.

“A trip to Hong Kong. It’s my gift to you.” Tumayo siya at lumakad sa may likuran ko. Pinisil-pisil niya ang aking mga balikat. “Dahil sinuportahan mo ang aking kandidatura nang walang kaangal-angal,” dagdag pa niya.

“But. . . ginawa ko lang naman iyon dahil asawa kita.” Nilingon ko siya. Nagulat pa ako ng isang mabilis na halik sa mga labi ang iginawad niya sa akin.

“Love, can’t you just accept?” Nakikiusap ang tinig na iyon ni Rodrigo.

Napatingin ako sa ticket. Pagkuwa’y sa kaniya. “Pero bakit iisa lang ito? Aren’t you gonna come with me?” takang tanong ko.

Umiling siya. “That’s your me time. Para naman kahit papaano mawala ang stress mo sa nangyaring campaign at election. Alam ko ang pakiramdam na iyan, kaya gusto kong bigyan ka ng pagkakataong magbakasyon ng ikaw lang. But don’t worry, kasama mo naman si Lola Natty. Ipinaaayos ko lang ang passport niya,” tugon niya.

“Pero hindi ba dapat na kasama rin kita? Napagod ka rin naman.”

Muli siyang bumalik sa kinauupuan kanina. “Sanay na ako, love. Isa pa, marami pa akong aasikasuhin dito. I need to thank all of my sponsors and supporters.”

“Eh, di mas kailangan mo nga ako rito kung ganoon. Pwede namang ipagpaliban ko na lang ang bakasyong ito para makasama ka,” giit ko pa rin. Sa isang linggo na kasi ang date na nakalagay roon.

“Dayan. . .” aniya sa tonong hindi na ako makahihindi pa.

Kapag ganoon si Rodrigo, nawawalan na ako ng imik. Isa pa, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pagtuturok na ginagawa niya sa tuwing magnin**g kami. Ewan ko ba, iba kasi ang pakiramdam ko roon. Subalit, hindi ko naman siya makuhang tanungin. Natatakot kasi ako.

Huminga ako nang malalim. “Okay. . .” napahihinuhod kong tugon at pinagmasdan ang ticket na nasa kamay ko. Iyon ang unang beses na lalabas ako ng bansa at medyo kinakabahan ako.

“Don’t worry, I already hired you a tour guide. Pinoy rin kaya wala kang dapat na ikabahala pagdating ninyo roon ni Lola Natty,” ani Rodrigo nang mabasa ang nasa isip ko.

Tumango lang ako.

“Pero hindi lang iyan ang surpresa ko sa ’yo.”

Napalingon akong muli sa kaniya. “What do you mean?” Dahil sa madalas ay nasa mataas na sosyedad ang nakabubungguang siko namin, natututo na rin akong gumamit ng wikang-English. Sinasabihan din ako ni Rodrigo na magsanay, para raw hindi ako ma-out of place sa mga dinadaluhan naming pagtitipon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ESCAPED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon