Dayanara’s POV
“Dayan! Dayan!” tawag ng isang kasamahan kong empleyado sa akin.
Napalingon ako sa aking may likuran. Naglalakad palapit sa akin si Rita, habang kung ano-anong mga papeles ang dala niya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya. “Ang dami naman nito.” Kinuha ko ang kalahati niyon.
Nakita kong umiling si Rita.
“Hmmp! Bwisit na bwisit na talaga ako diyan sa Olivia na iyan! Ibinigay niya ang mga ito sa akin at dapat daw ay matapos natin ito ngayon. Naku! Malapit-lapit ko na siyang sabunutang bruha siya!” gigil na gigil na sambit niya. Nagpapadyak pa ang paa niya sa sahig.
“Ano!? Nagbibiro ka ba?” gulat kong tanong.
Isa akong empleyado sa munisipyo ng Tierra del Ricos. Simpleng clerk ng Business Permit and Licensing Office o BPLO sa opisina ng mayor at katrabaho ko si Rita. Mas nauna lang siya sa akin ng dalawang taon doon, dahil ako, kasisimula ko pa lang.
“Mukha ba akong nagbibiro sa lagay na ito, ha?” Nilingon ako ni Rita na hindi na maipinta ang pagmumukha.
Napailing na lang ako.
Ang Olivia na tinutukoy niya ay sekretarya ni Mayor Rodrigo Araneta. At mula nang maging empleyado ako roon, walang araw na hindi tambak ang aking trabaho. Habang tumatagal, mas lalo pa iyong lumalala. Ni wala akong pahinga sa loob ng limang buwang pagtatrabaho ko roon, na para bang gamay na gamay ko na ang lahat.
Napabuntonghininga ako, habang papunta sa pwesto namin. Ipinatong namin ni Rita ang tambak na papel sa aking lamesa.
“Alam mo, tingin ko, malaki ang inggit sa katawan niyang si Olivia sa ’yo. Pero mukhang hindi lang inggit eh, parang selos na rin. Kasi halata namang patay na patay siya kay Mayor.” Nagkibit-balikat si Rita bago naupo. “Well, lahat naman halos ng babae rito sa munisipyo ay may gusto sa kaniya. Pero iba ka sa kanila. At nararamdaman kong hindi ka talaga gusto ni Olivia.”
Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Akala ko pinag-iinitan lang ako roon dahil nga bago, pero iba pala ang pakiramdam ng babae.
“Ano bang ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Hindi mo pa ba nakikita ang pruweba?” Tiningnan ni Rita ang nasa lamesa niya.
Naiiling na humugot ako ng hangin sa dibdib.
“Baka naman guni-guni mo lang iyan. Baka marami lang talagang trabaho ngayon,” pagpapabulaan ko sa sinabi niya.
Si Rita naman ang umiling. “Huwag mo ng ipagtanggol dahil kilala ko ang babaeng iyon. At mula nang dumating ka, nagbago ang lahat. Para bang pinarurusahan ka niyang talaga. Alam mo ba kung bakit?” pambibiting tanong niya.
Muli akong umiling.
Ngumisi ito. “Kasi si Mayor mismo ang nag-hire sa ’yo,” aniya.
“Pero hindi ko naman hiniling na gawin iyon ni Mayor o nang kahit na sino,” tutol ko sa sinabi niya. “Hindi ko rin hiniling na sa departamentong ito ako mapunta.”
Isa ako sa mga scholar ni Mayor. At dahil sa kaniya, nakatapos ako ng pag-aaral.
Wala na akong mga magulang. Tanging ang aking lola; na tindera ng gulay, ang kasa-kasama ko na lang sa buhay. Hindi sapat ang kita niya para pag-aralin ako. Subalit, dahil sa kagustuhan niyang mapagtapos ako ng pag-aaral, siya na mismo ang nag-apply ng scholarship ko; na mabilis namang naaprubahan ni Mayor.
Tuwang-tuwa ang lola ko noong malaman iyon. Iyon na lang daw kasi ang maipamamana niya sa akin kapag siya ay namatay. Kahit na nga ba raw dalawang taon lang iyon.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
RomanceDayanara Perez believes on fairytales and happy endings. Iyon ang isiniksik niyang dahilan sa isipan, kaya pinakasalan niya si Congressman Rodrigo Araneta. Subalit, mukhang nagkamali yata siya. It was no fairytale at all. Kaya ninais niyang kumawala...