Chapter 3
Ethan’s POV
“Is it done?” tanong ko sa babaeng kasama ko.
“Sandali na lang po, Mr. Salviejo,” tugon ng babae habang pareho kaming nasa loob ng opisina ng treasury.
Hindi ko gusto ang gumagamit ng backer, but there’s something in her that I couldn’t explain. Ni hindi ko makuhang ipaliwanag kung bakit nga ba naroroon ako at nag-aasikaso ng permit na pwede ko namang iutos sa iba.
Kahapon, nang makita ko siya, tila may magnetong humigop sa akin at hindi ko maalis-alis ang tingin sa kaniya. Yes, maganda ang babae. But there were lots of women out there that were more beautiful than her. At hindi kagaya niya na isang empleyado lamang ng gobyerno. Ang mga babaeng habol nang habol sa akin ay mga nanggaling sa alta-sosyedad na kinabibilangan ko. Mga babaeng ninanais ng maraming kalalakihan.
But she’s different. I felt something inside of me that was being pulled towards her. Something that never happened to me before.
Ilang sandali pa ang ipinaghintay namin nang lumapit sa amin ang kausap niya kanina. Iniabot niyon ang mga papel sa babae.
Pagkatapos niyang magpasalamat ay humarap siya sa akin. “Sir, tapos na po. Iiwanan niyo na lang po ito sa amin para mabigyan na kayo ng permit. Bale bukas na ho mai-issue iyon sa inyo,” paliwanang niya.
Napataas ang isang kilay ko. “Sinabi mo na sana kanina pa para hindi na ako naghintay pa rito. Bukas ko pa rin pala iyan makukuha,” pa-supladong wika ko.
Huminga ito nang malalim. I know she was suppressing her anger towards me. “Pasensya na kayo, Mr. Salviejo. Akala ko ho kasi gusto ninyong makita kung paano ipoproseso ang mga papel ninyo. At saka ho, nasa treasury ho tayo. Ayoko hong isipin ninyo na lahat ay kailangan ninyong bayaran,” makahulugang sagot niya. Nagpatiuna na siyang lumabas sa akin.
Tahimik akong sumunod sa kaniya. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya nang bigla siyang tumigil at hinarap ako.
“Kung may nais pa ho kayo, pwede niyo naman hong sabihin sa akin,” aniya. Mukhang naramdaman niya ang ginagawa kong pagmamasid sa kaniya.
Umismid ako. “No. There’s nothing you can do about it.” Nilagpasan ko siya.
Subalit, ilang hakbang pa lang akong nakalalagpas sa kaniya nang tumigil ako at bahagya siyang nilingon. Nakasunod siya ng tingin sa akin.
Tumaas ang sulok ng labi ko. “Goodbye, Miss Dayan.” At tuluyan ko na siyang iniwan doon.
Dumeresto ako sa kinapaparadahan ng aking kotse. I shook my head after getting inside. I didn’t even bother to ask my driver to drive me at the municipal hall sa pagmamadali ko kanina.
I don’t know what was really happening to me. Because even though I would get cross paths with Rodrigo, I still went here.
Napabuntonghininga ako bago pinaandar ang aking kotse at nagmaneho paalis doon. I went straight to Hacienda Salviejo.
“Hijo, where have you been?” salubong sa akin ng aking mama.
“Somewhere. . .” Humalik ako sa pisngi niya.
Napataas ang isang kilay niya. “Somewhere with that outfit?” Pinasadahan niya ako ng tingin. Naka-coat and tie ako na ginagawa ko lang kapag may importanteng lakad, o kaya naman ay kung pupunta ako ng korte.
“Why? May problema ba sa suot ko ngayon?” hindi ko napigilang isagot sa kaniya.
Napailing siya, pagkuwa’y ngumiti. “Nothing, hijo. . . It’s just that you seemed different today.” Ikinawit niya ang braso sa akin. “Anyway, hindi mo ba susunduin sa airport ang kapatid mo ngayon? Baka nakalilimutan mong ngayon uuwi si Eirhyn.” Ang tinutukoy ng aking mama ay ang kapatid kong babae.
Napailing na lang ako. Wala pa man akong dalawang buwan sa Pilipinas ay sumunod na rin ito. Hindi ito makatagal sa ibang bansa nang hindi ako kasama.
Malapit kaming dalawa sa isa’t isa, dahil dadalawa lang kaming magkapatid. Eirhyn was also the reason why I left the country five years ago. Magkasama kaming umalis noon ng Pilipinas na parehong sinang-ayunan ng aming mga magulang. Iyon daw naman ay para sa ikabubuti ng lahat.
“Hindi ba si Papa na ang susundo sa kaniya?” Tuloy-tuloy kaming naglakad papasok sa loob ng mansyon.
Napahinga ako nang malalim. Naninibago pa rin ako sa istura ng aming bahay. It was now remodeled into a modern mansion. Although, the house itself retains its old structure, but all of the inner decorations were changed into the most stylish way. Desisyon iyon ng kaniyang ina na hindi naman pinigilan ng kaniyang ama.
All furniture was new. Walls now changed its wallpapers. Kung dati, medyo dark ang kulay niyon, ngayon sinigurado talaga ng aking ina na magiging lively ang buong mansion pagpasok mo pa lang.
The floor tiles were also new. Marmol na kulay puti na may bahid ng gold. Bago rin ang mga appliances na kung susumahin, hindi naman nagagamit ang iba. May mga in-house plants sa paligid, na nagbigay presko sa buong kabahayan. And all of these changes were done after my sister and I left the country. Ito ang ginawang libangan ng aking mama habang wala kami ng kapatid ko.
“Yeah. . . Your Dad was already on his way to pick her up. Ang chopper na lang ang ginamit niya para mabilis na makauwi rito. Alam mo naman ang traffic ngayon sa atin, napakalala!” Umiling-iling pa ito.
Natawa ako. Isa iyon sa mga bagay na hindi nagbago sa Pilipinas. Traffic.
Tinapik niya ako sa balikat. “Maiba nga tayo ng usapan, ikaw ba talaga ay desidido ng bumalik sa pagiging abogado?” tanong niya.
Napatigil ako at hinarap ang aking ina. “Why? Don’t you want me to go back?” balik-tanong ko.
Matagal niya akong tinitigan sa mga mata, bago huminga nang malalim. “Ang inaalala ko lang naman, paano kung maungkat muli ang nangyari noon? I’m sure some other people still remember what happened,” nag-aalalang tugon niya.
Sandali dumaan ang galit sa aking mga mata sa sinabi niyang iyon. “We all know the truth, Mama. Kaya walang dahilan para ungkatin pa ang nakaraan. Kung may dapat na mahiya rito, hindi ako iyon,” mariing wika ko.
Hinaplos niya ang braso ko. “I know. . . I know. . . Sorry, hijo. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko,” aniya. Halata sa tinig niya ang lungkot.
Napahagod ako sa batok. “It’s alright, Mama. Naiintindihan ko ang inaalala ninyo. But don’t worry about me. Worry yourself after Eirhyn arrives. You know, she’s not the same baby girl you used to know. Matapang na siya ngayon.” Halata sa tinig ko ang pagiging proud sa aking kapatid.
My mother sighed. “Mabuti naman kung ganoon, hijo. Mas makahihinga na ako ngayon nang maluwag. Ngayong pareho na kayong narito, hindi na ako mag-iisip pa ng kung ano-ano. I can sleep peacefully now,” mahabang wika niya.
Nasaling ang konsensya ko sa sinabi niya. Alam kong isa iyon sa mga dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng renovation ang bahay namin. Iyon ay para mawala ang pag-iisip ng aking mama. I knew that she wanted to do something to occupy her time. Para hindi niya maisip na ang dalawa niyang anak ay malayo sa kaniya. It’s a mother thing na nauunawaan ko naman.
“Don’t worry, Ma, we will not going anywhere this time. Now that Eirhyn finished her masters, wala nang rason pa para umalis kami.” Ngumiti ako sa kaniya. That’s the only way I can reassure her.
Malapad siyang ngumiti sa akin. “That’s all I wanted to hear, hijo. Masaya na ulit ang bahay natin dahil pareho na kayong naririto,” aniya.
Tumango lang ako. “Sige, Ma. Akyat lang ako sa silid ko, then I’ll change. Baka dumating na sila,” paalam ko sa kaniya.
Bumitaw siya sa akin. “Alright. I’ll just go in the kitchen. Titingnan ko kung tapos na sina Pining doon.”
Dumeretso ako sa itaas, sa aking silid. Mabilis kong hinubad ang suit na suot ko at pabastang inihagis iyon sa kung saan. Tinungo ko ang banyo at kaagad na itinapat ang aking sarili sa malamig na shower.
Kanina ko pa rin iyong gustong gawin. Kanina habang pinagmamasdan ko ang magandang babae sa munisipyo. The woman has a beautiful body. Her curves were perfectly in place. And her beauty showcases the true Filipina features. At hindi ko siguro pagsasawaang pagmasdan ang mukha niya. Dahil habang tumatagal, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
Napapikit ako nang maalala ang mamula-mula niyang mga labi. Para bang kaysarap halikan niyon. Parang. . .
Napatigil ako at napatingin sa ibabang parte ng katawan ko. “S**t!” Dahil sa halip na mapawi ng lamig ng tubig ang nadarama ko, mas lalo pa yata iyong nasindihan.
Nilakasan ko ang tubig. Iyong tipong mawawala lahat ng iniisip at nadarama ko. Marahas ko ring kinuha ang sabon at ikinuskos iyon sa aking katawan.
Napailing na lang ako sa aking sarili.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang babae. The type of feeling that I really wanted her so badly. And I know, I will be having sleepless nights from now on. Hindi na rin iyon kataka-taka dahil ngayon pa lang, nahihirapan na ako.
Tinapos ko na ang paliligo ko. Nagbihis ako ng dilaw na polo shirt at tenernuhan ko iyon ng running shorts. Pagkatapos ay muli akong bumaba.
“Kuya!” malakas na salubong sa akin ni Eirhyn pagpasok ko sa dining. Madali siyang tumayo at yumakap sa akin.
Malapad akong napangiti. “You’re here,” wika ko habang inilalayo siya sa aking sarili.
“Of course! Nandito ka na, kaya wala ng rason pa para mag-stay ako sa Amerika.”
Napataas ang isang kilay ko. “Kaya naman iniisip ng marami na kuya’s girl ka. Palagi ka kasing nakabuntot sa akin,” pang-aalaska ko sa kaniya.
Mahigpit siyang kumapit sa braso ko at sabay na kaming dumulog sa hapag kainan.
“That’s because you’re spoiling her, hijo,” ani Don Carlos, ang aming ama.
Napailing na lang ako habang naglalagay ng pagkain sa aking plato. Hindi ko itinatangging tama ang aking ama. I was really an overprotective brother towards my sister.
“That’s not true, Papa. Kuya just really loves me, that’s why,” pagtatanggol sa akin ni Eirhyn. Kumindat pa siya sa akin na ikinatawa ko.
“O, siya, tama na iyan. Baka magkapikunan pa kayong mag-aama,” saway ng aking ina at hinarap si Eirhyn. “Do you have plans to settling down here in Tierra del Ricos? O sa ibang lugar mo balak maghanap ng trabaho.”
“Nah. . . Magpapahinga muna ako rito sa atin. Then, I’ll look for a job,” sagot ni Eirhyn.
“That’s great, hija! Makapag-b-bonding pa tayong dalawa while the boys doing their own thing.” May diin ang huling sinabi na iyon ng aking ina.
Napahagikhik si Eirhyn. “Just let them be, Ma. Sulitin na muna natin ang mga araw na tayo lang dalawa ang magkasama,” aniya.
Matagal kong pinagmasdan ang aking kapatid. Somehow, I felt relieved.
Sa nakikita ko ngayon, mukhang maayos na talaga ang lagay niya. She already overcame her trauma. Mabuti na nga lang at naagapan ko iyon. Malaki ang naitulong nang pagpunta namin sa Amerika. Doon mas nagkaroon siya ng kalayaang gumalaw, malayo sa mapanghusgang mga mata ng mga tao sa paligid. Malayo sa kinatatakutan niya.
At doon na rin tinapos ni Eirhyn ang kaniyang pagmemedisina. Kaya ngayon, naghihintay na lang ako sa kung ano ang susunod niyang magiging desisyon.
But still, I have to be very careful. Kailangang bantayan ko pa rin siyang maigi. Dahil hindi ko gugustuhing maulit ang nangyari noon. And I cannot guarantee that I will just sit in the corner and do nothing. Dahil hindi pa rin naman ako tumitigil sa mga planong ako lang mismo ang nakaaalam.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
RomanceDayanara Perez believes on fairytales and happy endings. Iyon ang isiniksik niyang dahilan sa isipan, kaya pinakasalan niya si Congressman Rodrigo Araneta. Subalit, mukhang nagkamali yata siya. It was no fairytale at all. Kaya ninais niyang kumawala...