Chapter 4
Dayanara’s POV
“’La! Aalis na po ako,” paalam ko sa aking lola.
Nagmamadali siyang lumabas sa maliit naming tahanan. Isang simpleng bahay iyon na ang kalahati ay concrete at ang kalahati naman ay plywood. Ang bubungan niyon ay yari sa yero. May dalawang maliit na silid, eksaktong sukat ng salas at kusina, at may banyo sa labas. Mayroon din iyong lutuan na kung tawagin ay pugon. Kahoy ang gamit na panggatong doon. Abot na rin sa amin ang poste ng kuryente, kaya kahit papaano, hindi na gasera ang gamit namin sa gabi. Nakapanonood na rin kami sa maliit naming telebisyon ng mga palabas doon.
“Bakit ang aga mo naman yata ngayon?” tanong niya sabay abot ng isang plastic sa akin.
Tiningnan ko iyon. Nababalutan ng dahon ng saging ang kung anumang ibinigay niya sa akin.
Nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya. “Ano po ito?”
“Ala’y kakanin iyan. Babagong luto ko kanina. Iabot mo ang iba sa mga kasama mo.” Ngumiti siya. Ang kulubot niyang mukha ay maaliwalas na nakatingin sa akin.
Gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Inabot ko ang kaniyang kamay at nagmano. “Salamat, ’La. Tutuloy na po ako. Baka ho pati gabihin ako mamaya. Founding anniversary ho ngayon ng munisipyo kaya marami kaming gagawin.”
Tumango ito. “S’ya, sige na. Baka mahuli ka pa.” Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.
“Oho. . .”
Dumeretso na ako sa may sakayan at nag-abang ng jip. Pero ilang sandali na ang nakalilipas ay wala pa ring dumaraan kahit isang sasakyan.
“Traffic na siguro,” bulong ko sa sarili at tiningnan ang orasang nasa bisig. Alas-syete pa lang naman. May isang oras pa ako.
Dahil medyo liblib ang lugar namin ay nagdesisyon na akong maglakad-lakad. Palinga-linga rin ako sa aking likuran sa pagbabakasaking may dumating na sasakyan. Kahit na hindi na lang siguro jip ay paparahin ko na at makikisakay na lang ako.
Malayo-layo na rin ang nalalakad ko nang makarinig ako ng ugong ng isang paparating na sasakyan. Napalingon ako. Subalit, ganoon na lang ang panghihinayang ko nang makitang kotse iyon. At hindi lang iyon basta simpleng kotse, kundi sports car iyon na mamahalin, na bibihira sa lugar namin dahil hindi naman halos maayos ang kalsada at iilan lang ang kayang bumili niyon.
“Nakakahiya namang makisakay,” wika ko sa sarili.
Hinayaan kong lumagpas sa akin ang sasakyan. Ilang metro na rin ang layo noon nang biglang tumigil. Balewalang nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nilagpasan iyon. Sa isip-isip ko ay baka may ginagawa lang sa loob ang driver niyon.
Ngunit, umusad ito at sumabay sa paglalakad ko.
Napakunot ang noo ko. Tumigil ako at hinarap iyon.
Tumigil din naman ang sasakyan.
Pilit kong inaaninaw ang sakay sa loob, pero tinted ang bintana niyon at wala akong makita. Kakatukin ko na sana ang bintana nang bumaba iyon nang kusa. Tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Mr. Salviejo na labis kong ikinagulat.
Nagtatakang luminga ako sa paligid.
Malayo ang hacienda ng mga ito sa lugar namin, kaya nakapagtatakang napadaan siya roon. Pero kung sabagay, baka naman may nabili ang mga itong lupain doon.
Muli ko siyang hinarap.
“Hop in,” aniya nang hindi ako nililingon.
Matagal ko siyang tinitigan. May pag-aalinlangan sa mga mata ko.
“Are you deaf?” iritableng tanong niya saka ako hinarap. Halata na sa mukha nito ang pagkainip.
“Salamat na lang ho, Mr. Salviejo, pero maghihintay na lang ho ako ng dadaang jip,” magalang kong pagtanggi sa kaniya.
Umismid siya. “Iyon ay kung may dadaan pa rito. Alam mo naman siguro kung ano ang mayroon ngayon,” pasupladong wika niya.
Muli akong napatingin sa aking orasan. Malapit nang mag-alas-otso at tama ang sinasabi ng lalaki. Kaya wala na akong ibang pagpipilian pa kundi ang makisakay sa kotse niya.
Huminga siya nang malalim. “Sige ho. Pero magbabayad ho ako,” wika ko bago sumakay.
“You don’t have to do that,” aniya pagkuwa’y mabagal na minaniobra ang sasakyan. “Put your seatbelt on,” utos pa niya.
Napailing na lang ako sa aking sarili habang sinusunod siya. “Kahit na ho. Magbabayad pa rin ako. Ayoko hong magkaroon ng utang-na-loob sa iba,” katwiran ko sa kaniya.
Sandali niya akong nilingon. Napatingin pa siya sa hawak kong plastic.
“Ano iyan?” tanong niya kasabay nang muling pagbaling sa dinaraanan namin.
Ako naman ang napatingin sa hawak ko. “Ito ho? Kakanin ho na gawa ng lola ko,” sagot ko.
“It settled then.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano hong ibig ninyong sabihin?”
“You can pay me with that.” Inginuso nito ang plastic.
Muli naman akong napatingin doon, pagkatapos ay sa mukha ng lalaki. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero hindi naman kababakasan nang kung ano ang mukha niya.
“Seryoso ho kayo?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Tumango siya. “Mukha ba akong nagbibiro?” papilosopong tanong pa niya sa akin.
Napabuntonghininga na lang ako.
Wala naman ngang masama kung iyon ang ibibigay ko sa kaniya. Marami pa namang pagkakataon para makapagbigay sa aking mga kasama. T’saka, madalas ko rin naman iyong ginagawa sa kanila. Ganoon kasi ang aking lola.
“Kung ito ho ang gusto ninyo,” sang-ayon ko.
Hindi siya sumagot. Nananatili lang sa daan ang kaniyang mga mata.
Ako nama’y nakuha na lang ibaling sa labas ang pansin. Nangingiti pa ako minsan kapag nakakikita ng mga puno at palayan. Masarap kasi sa matang pagmasdan ang luntiang kulay ng mga iyon.
Hindi nagtagal ay malapit na kami sa kabayanan. Hindi ko na sana papasukin pa ang sasakyan niya roon dahil alam kong traffic, pero naunahan na niya ako. Nailiko na niya ang sasakyan at eksaktong ibinaba niya ako sa may plaza. Katapat iyon ng munisipyo at katabi ng simbahan.
“Salamat ho. Ito na ho ang bayad ko.” Iniabot ko sa kaniya ang plastic.
Kinuha niya iyon at di-sinasadyang nagdaiti ang aming mga kamay. Kaagad akong bumitaw, dahil sa hindi maipaliwanag na tila kuryenteng nanulay sa kamay niya papunta sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatitig ako sa kaniya.
Siya man ay ganoon din ang ginawa. Matagal niya akong pinagmasdan, na para bang kahit ito ay naramdaman din iyon. Tila kami pumaloob sa ibang dimensyon ng mundo. Dimensyong kami lang dalawa ang nakaaalam. Sabay pa kaming napaigtad nang may malakas na kumatok sa bintana ng sasakyan. Traffic enforcer iyon.
Mabilis akong bumaba nang hindi na nagpapaalam pa sa kaniya. Tuloy-tuloy akong naglakad papuntang munisipyo, pero sandali ring tumigil at lumingon sa aking pinanggalingan.
Napahugot ako nang hangin sa dibdib. Wala na roon ang sasakyan ng lalaki.
Laglag ang mga balikat na muli akong naglakad. Pagdating ko sa aming opisina ay agad akong sinalubong ni Rita sa may pintuan na may malapad na ngiti.
“Ikaw na talaga, ’day!” aniyang parang kinikilig pa.
Naiiling na nilagpasan ko na lang siya at tinungo ang aking lamesa. Pero kagyat din akong napatigil dahil sa nakita kong nakapatong doon.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Rita sa akin. “O, ano? Natigilan ka ano?” Excited na hinila siya nito sa braso. “Dali! Tingnan mo na ang laman ng card para malaman natin kung sino ang nagpadala,” turan niya. Siya na rin mismo ang kumuha sa maliit na envelope na nakalagay sa ibabaw ng isang pumpon ng pulang rosas. Iniabot niya iyon sa akin.
Matagal ko iyong tinitigan na para bang may lalabas doong kung ano.
“Hoy, Dayan!” Kalabit sa akin ng naghihintay na si Rita.
Napasulyap ako sa kaniya. Napansin ko rin na sa akin nakatingin ang mga kasamahan ko. Maging ang mga ito ay naghihintay rin sa pagbubukas ko sa sobre.
Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan ko iyong binuksan. At ganoon na lang ang pagtili ni Rita nang mabasa nito kung kanino galing iyon.
“Ay! Confirmed! Galing kay Mayor!” kinikilig na wika niya, kaya’t pati mga kasamahan ko ay napatili na rin.
“Congrats, Dayan!” isa-isang bati nila sa akin. Ako naman ay hindi makasagot sa kanila.
Halo ang emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Gulat, takot, pangamba, at kilig. Pero mas nanaig doon gulat. Hindi ko pa rin inaasahan ang ginawang iyon ni Mayor, dahil wala sa hinagap ko na magugustuhan talaga niya ako.
“Hoy!” untag ni Rita sa akin. “Ngumiti ka naman d’yan,” dagdag pa niya.
Napasulyap ako sa kaniya.
Napataltak naman ito. “Ikaw na yata ang nakatanggap ng bulaklak na parang nag-aalinlangan pa. Bakit? Maganda naman, ah. At ’day, galing kay Mayor.” Kumindat pa siya sa akin.
Dahan-dahan kong kinuha ang bulaklak sa aking lamesa. Sinamyo ko iyon.
“Nagustuhan mo ba?” anang tinig sa aking may likuran.
Napaigtad ako at mabilis na napalingon doon. Nakatayo si Mayor Araneta dalawang hakbang mula sa akin. Malapad ang pagkakangiti nitong nakatunghay sa akin. Nakasuot ito ng barong tagalog at slacks na itim. Malinis na malinis ang mukha niya at walang kahit anong bakas ng bigote o balbas. Ayos na ayos din ang buhok niya, na parang hindi nililipad ng hangin, kahit hindi naman iyon naka-gel.
“M-Mayor. . .” pautal kong wika. Napadiin ang pagkakakapit ko sa bulaklak, dahilan para matusok ako ng tinik. “Aray!” Nabitiwan ko iyon at napatingin sa dumudugo kong daliri.
Agad na kinuha ni Mayor ang kamay ko. Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa at idinampi iyon sa daliri ko. Titig na titig ako sa kaniyang ginawa. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang impit na pagtili ng mga kasamahan ko.
Nahihiyang binawi ko ang aking kamay mula sa kaniya. “A-Ako na po. Maliit lang naman ito.”
Hinarap niya ako. Seryoso na ang mukha niya. “Next time be careful, okay?” aniya bago nilingon ang bodyguards sa pintuan. “Roco, sino ang bumili ng mga bulaklak na ito? Di ba sabi ko iyong walang tinik?” tanong niya sa isang tauhan.
Lumapit ang tinutukoy kay Mayor. “Ipinabili ho iyan ni Miss Olivia kay Satur kanina,” sagot nito.
“Sa susunod, alam mo na ang dapat mong gawin. Maliwanag ba?” Mahinahon ang pagkakasabing iyon ni Mayor, pero halatang hindi pa rin niya nagustuhan ang nangyari.
Tumango lang si Roco.
“Ayos naman na ho ako, Mayor. Hindi naman na ho masakit. Hindi na rin ho dumudugo,” pamamagitan ko sa mga ito.
Nilingon niya ako. Nakangiti na ulit siya. “Huwag kang mag-alala, pinagsasabihan ko lang sila para hindi na maulit ang nangyari. Isa pa, I don’t like seeing you getting hurt,” paliwanag niya.
Namula ang mukha ko sa hantaran niyang pagsasabi nang totoong saloobin sa akin. Hindi ako sanay sa ganoon. At hindi ko alam kung makasasanayan ko nga ba iyon. Lalo pa at maraming mga mata ang nakapalibot sa amin.
“By the way, handa na ba ang lahat?” tanong niya sa mga kasamahan ko.
“Yes, Mayor!” parang iisang taong tugon nila. Kaylalapad ng mga ngiti ng mga ito habang nakatingin sa amin. Pansin ko pa, mas kinikilig pa yata ang mga kasamahan ko kaysa sa akin.
“So, ano pa bang hinihintay natin? Let’s go. Baka hinihintay na tayo ni Father sa simbahan,” masiglang wika ni Mayor Araneta. Magkakaroon muna ng misa, bago ang parade at programang inihanda ng munisipyo para sa araw na iyon.
Nagpatiuna ng lumabas ang mga kasamahan ko sa amin. At nang kami na lang ng mga bodyguards ni Mayor at ng lalaki ang naiwan, ay muli siya nitong hinarap.
“I know you’re shocked right now. But I want you to know that I am very much sincere on courting you,” nangingislap ang mga matang wika niya.
Lalong naumid ang dila ko at hindi nakasagot.
“I’ll take that as a yes. Let’s go?” Inilahad niya ang kamay sa daraanan ko.
Nahihiyang nauna na akong maglakad kasunod niya. Pero maya-maya lang ay umagapay na rin siya sa akin. Para tuloy kaming may relasyon kung wawariin, dahil nasa likuran namin ang mga bodyguards niya.
Napabuntonghininga ako.
Bahala na.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
RomanceDayanara Perez believes on fairytales and happy endings. Iyon ang isiniksik niyang dahilan sa isipan, kaya pinakasalan niya si Congressman Rodrigo Araneta. Subalit, mukhang nagkamali yata siya. It was no fairytale at all. Kaya ninais niyang kumawala...