(Thank you sa 400 reads wahahahahahaha!)
~'~
Ella's POV:
Pumanik akong kwarto namin kasi ang tagal ni Ly, pagbukas ko ng pinto, naabutan kong umiiyak si Ly. Napatingin ako kay Den, nakatingin lang sya kay Ly.
"Ly? What happened?!" sabi ko.
"E—ells, s—si P—papa, i—inatake daw s—sa p—uso," sabi nya between her sobs.
"What?!! Saang hospital?! "
"S—sa BGH. E-ells, I n—need to g—go."
"No, sasama ako! Pack your things dali, ako na magd-drive! Alyssa, Tito will be okay, fix yourself," sabi ko, tas tumango sya habang umiiyak tas lumabas. Napatingin naman ako kay Den.
"Ano sama ka?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sumasagot, naiinis na talaga ko, "ALAM MO DEN! ILANG BUWAN KO NANG TINITIIS 'TO. PERO HINDI KO NA TALAGA MAGETS, GULONG-GULO NA KO, HINDI KO NA ALAM!!! NAKITA MO NAMAN SI ALYSSA DI BA?! KAILANGAN NYA TAYO! KAILANGAN KA NYA! PERO BAKIT PARANG WALA KA PARING PAKE?! KINALIMUTAN MO NA BA TALAGA LAHAT?!" huminga ako ng malalim, "Batangas General Hospital, kung gusto mong sumunod o kung may pakialam ka pa kay Alyssa," tas lumabas na ko at pumunta sa room nila Ly. Nakita ko syang nag-iimpake habang umiiyak.
"Ly.." tas tinulungan ko na lang sya mag-impake. Tas umalis na kami. Ako na yung nag-drive.
After 3 hours, nakadating na din kami.
Naabutan namin yung Mama nya sa labas ng ICU.
"Ma!" sabi ni Ly tas hinug nya yung Mama nya.
"Ly...."
"Ano pong sabi?"
"Mananatili daw muna si Papa mo sa ICU, may nagbara daw na dugo sa ugat sa puso nya.." napaiyak na naman si Ly, "don't worry, he'll be okay."
"Natatakot ako Ma.."
"No, don't.."
Pinauwi muna namin si Tita, dumating na din kasi yung mga kapatid ni Ly.
"Ells, magiging okay ba si Papa?" sabi nya.
"Oo naman Ly, fighter yan si Tito e, parang ikaw. Let's just pray na everything will be alright, okay?"
"I just wish Den's here," malungkot nyang sabi, "Ells, may aaminin ako.." sabi nya sakin.
"Ano yun?"
"I love Den."
"I love her too?"
"No not that... I love her in a romantic way," sabi nya.
"W—What?" sabi ko.
"Yes Ells, I'm gay. And I love Dennise."
"Wait... let me digest that one." Natahimik kami, "kaya ba nagkakaganto kayo ni Den?"
"Huh? No... Di ba Jovee and I broke up nung Christmas Vacay, he went to me for a talk. He said na alam nyang si Den talaga yung mahal ko."
"Eh?"