Klio's POv
"CONGRATULATIONS!!!..."sigaw naming lahat. Sa wakas nakapag tapos na din ako ng koliheyo bilang isang BSBA. Sa ilang taon na pagsisikap ko naabot ko narin ang pangarap kung makapagtapos at dahil yun sa walang sawang suporta ni mama. Oo si mama, siyang lang ang nagpupursiging magtrabaho para matapos ko ang aking pag aaral.
Alam kung nagtatanong kayo kung bakit hindi si papa. Malungkot mang isipin, matagal narin nung nawala si papa sa piling namin ni mama. Sa di malamang dahilan ng pagkamatay niya. Kahit hanggang ngayon, wala paring balita kung sino ang bumaril sa papa ko. Pero hindi kami nawawalan ng pag asa ni mama, dahil alam naming darating din ang araw na mahuhuli ang totoong may sala.
Naputol ang pag iisip ko ng biglang may sumigaw ng di kalayuan.
"Besssss!!!...." Sigaw ng kung sino kaya nilingon ko naman ito. Doon ko lang nakilala kung sino iyon nung naaninag kona ang mukha niya. Si Saichi lang pala ang isa sa kababata ko dito sa probinsya.
"Ohh Sai napatakbo ka ata?....anong meron?" Tanong ko sa kanya pero siya agaw hininga parin na ikinatawa ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"Ng dahil sayo kaya ako tumakbo hee!..." Sabi pa niya kaya tumawa na naman ako ulit dahil sa pa poker face niyang itsura.
"Ahh basta...nandito ako para sabihin sayu na pinapapunta ka ng nanay mo dun" sabi niya sabay turo sa may nakaupo na mga magulang. Nakita ko din si aling Mierna, mama ni Sai. Close din pala sina mama at mama ni Sai kaya kami naging magkaibigan simula bata.
Tumango naman ako bilang pagsang ayun at nagsimulang maglakad, sumunod naman si sai.
"Ahh teka Lio, nasan si Luke?... Diko ata siya nakita dito? Umuwi naba?" Takang tanong niya sakin. Kahit ako di din nakita si luke kaya ayun sinagot ko siya.
"Diko din alam sai. Di ko din siya nakita, baka nga naunang umuwi. Tara na baka hinintay na tayu ng mama natin dun" sabi ko sa kanya sabay hila at nagpadala naman siya sa hila kung yun.
.
.
.
.
(Kringggg....) Tunog ng alarm ko dahilan para magising ako sabay tingin sa relo ko."Sh*t!" Bulalas ko diko akalaing ganon ka taas ang tulog ko. Alas 8 na ng umaga kailangan kopang maghanap ng mapapasukang trabaho.
Isang linggo na ang nakalipas sa graduation namin kaya hito ako ngayon naghahanda para maghanap ng trabaho. Panahon narin kasi na ako naman ang tutulong kay mama. Babawi ako sa lahat ng sakripisyo niya para sa akin, na matapos ko ang kursong kinuha ko.
Pagkatapos kung maligo at gawin ang daily routine ko. Lumabas marin ako ng kwarto ko sabay baba sa may hagdanan kaya bumungad sakin si mama na nagwawalis. Napataingin naman siya sakin.
"Ohh anak...gising kana pala, kumain kana... Nagluto ako ng hotdog dyan..." Sabi pa ni mama at pinapatuloy narin ang ginagawa niya.
"Ma..." Tawag ko sa kanya. Kaya lumingon naman siya sakin.
"May kailangan kaba anak?" Patanong naman niyang sabi.
"Aalis po pala ako para maghanap na ng trabaho... Sayang kasi pag diko gagamitin ang kursong natapos ko. At para makabawi narin ako sa sakripisyo niyo sakin. Ako naman ngayon ang magtatarbaho para atin ma," masaya kung sabi kaya napangiti naman si mama dahil dun.
"Ikaw talaga bata ka ano... Nagmana ka talaga sa tatay mo. Ohh sige kumain kana para dika gutomin habang naghahanap ka" sabi pa niya kaya tumango naman ako sabay punta sa kuaina para simulang kumain.
Matthew's POV
"Good morning mom" bungad ko kay mommy pagkarating ko sa kusina para mag breakfast... Kailangan ko kasing pumunta sa opisina ng maaga para marami ako matapos na papermahan na papeles.
"Good morning son, Matthew" sabi naman niya pabalik.
"Kamusta ang paghahanap mo for your new secretary?" Biglang tanong ni mom kaya napatigil ako sagkit sa pagsubo tiyaka siya sinagot.
"Wala pong gustong maging sekretarya ko mom" walang gana kung ani.
"And because of you, that's why walang guatong mag apply ng secretary sayo because of your attitude." Sermon niya. Diko naman kasalanan kung ganito ako. I'm not nice to people I don't know more. Especially to my employees.
"I know mom. I'm done, I'm living now" sabi ko sabay kuha ng briefcase ko ng bigla na namang nagsalita si mom.
"You're brother is going home, uuwi na siya sa Pilipinas this week, sana naman you treat him better na Matthew, you both not a teenager anymore" sa sinabi niyang yun diko maiwasang e kuyom ang kamay ko. Dahil sa ala alang yun na matagal ko ng gusto makalimutan.
"I'm living. See you later bye" paalam ko sabay halik sa pisngi niya.
"Take care son" sabi pa niya bago ako tulunyang nakalabas ng bahay at dumeritso sa parking lot ng kotse ko.
Iniisip ko palang na uuwi ang kapatid ko nayun... Diko maiwasang di magalit, alam kung matagal nayun pero bakit diko makalimutan?
"F*ck!" Sigaw ko bago pinaandar ang kotse papunta sa kompanya ko.
A/N: HEY GUYS!!! I'm back! Yes po it's my new story na naman I'm hoping na susuportahan niyo parin to. Naway sakto ito sa panlasa niyo and I'll do my best para po diko magsisi sa pagbabasa at pagsuporta sakin mwah
BINABASA MO ANG
Matthew Hellington: Caught by Possesive CEO [M-preg] UNDER EDITION
RomanceA boy who fell in love also with his Boss. Magiging maganda kaya ang magiging kabanata ng kanilang buhay hanggang dulo? Abangan ang kwento nina Klio at Matthew Ps. This is BL story and for those who homophobic at Di gusto ang ganitong genre please...