"Architect, hinahanap kayo ni Architect Ozdemir," pagkausap sa akin ni Engr. Reina.
Nginitian ko siya saka ako tumango. "Sige, Engineer. Susunod ako. Tatapusin ko lang itong pinapapalitan ng client."
Ngumiti siya bago linagpasan ang workstation ko. Ibinalik ko ang atensiyon sa harap ng computer at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Hoy," napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Problema mo?" tanong ko kay Violet na kaswal na sumandig sa mesa habang may hawak na tasa.
"Busy ka pa rin?" Tinanguan ko lang siya at nagpipindot sa keyboard at mouse. "Tuloy tayo mamaya ha?"
Nangunot ang noo ko. "Mamaya? Saan?"
Inirapan niya ako bago nagsalita. "Ano ka ba, Sienna, wala ka bang cell phone at hindi mo alam ang mga pinagsesend namin sa GC?"
"Pasensiya ka na. Busy kasi ako. Marami akong ginagawa," simpleng sagot ko.
"Sus! Daming ginagawa, utot mo! Marami rin akong ginagawa pero nakakapagreply ako sa GC."
I saved my re-design plan before leaving Violet.
"Aba, hoy! Saan ka na naman pupunta?"
"Hinahanap ako ni Architect Villegas. Magtatrabaho ako," kunwaring inis na sabi ko sa kaniya.
"Excuse me? Break time ko. Huwag kang ano diyan. Porket paborito ka ng mga boss. Bigwasan kita eh."
I mocked her, sticking my tongue out before walking out the Design Lab: 'yon ang tawag sa office ng workstations ng mga architect sa Athen Associate. Violet and I started working here right after getting our licenses. The CEO and COO decided to hire us as soon as we passed. They said they were pleased with how my cousin and I performed during our apprenticeship, which we completed at this firm over two years.
When I entered the elevator, kaagad kong pinindot ang floor number ng office ni Architect Villegas. Yes, ang dating propesora ay isa na sa mga katrabaho ko ngayon. She's one of the head architects in the firm, and she brought a lot of awards with her designs.
I knocked on her door, and when she let me in, I entered with a courteous greeting, "Hinahanap niyo daw po ako, Architect?"
"Ah, yes, did you remember the big project presented by Architect Carvajal located in Legazpi, Albay?"
Natulala ako ng bahagya ng marinig ang apelyido. Alam kong si Architect Lawrence ang tinutukoy niya pero iba ang pumasok sa isip ko.
"Iyong pinapatayong hotel ng mga Gallio?" She nodded. "What about it, Architect?"
"You'll be one of the architects I'll get to do that," she informed me, handing over a dossier containing all the client's information and the project's location. There were also some first drafts of the design in there.
"I know you have ongoing projects, but you're one of the trusted colleagues I know in here," she said, and that made my heart leap with joy. Ang dating professor ko lang, naging katrabaho ko, at gusto akong kasama sa project dahil pinagkakatiwalaan niya ang mga gawa ko. Ibig sabihin niyon, tama ang ginagawa ko.
I couldn't help but smile brightly. "Sure, Architect. Count me in."
She nodded, smiling back. "Thank you. You can leave now."
I walked back to my station para magprint ng mga files na kailangan ko. Nasa printing office ako nang may biglang pumasok.
"Oh," abot nito ng Chocolate Milktea sa akin.
"Bakit mo binibigay?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi tinanggap ni Reina. Sa 'yo na lang," inis na sagot niya.
BINABASA MO ANG
Break Fresh Ground
RomanceScarlett and Artemis are two women from vastly different worlds. Scarlett, born into wealth and privilege, has always had everything she's ever wanted handed to her on a silver platter. She lives in the fast-paced city, surrounded by skyscrapers and...