52: TORN CHORDS AND CHOICES

686 24 4
                                    

"Hi," Scarlett's voice floated, a gentle breeze that brushed against my senses.

Natulala ako dahil kahit na karga niya si August ay kitang-kita kung gaano kaganda ang suot niya. The black crop top she wore had delicate straps that crisscrossed over her shoulders, leading to a neckline that dipped daringly, revealing a tantalizing hint of cleavage. Her choice of attire was completed with boot-cut jeans that accentuated her figure, and pristine white sneakers. A gray oversized suit added a touch of sophistication, an ensemble that effortlessly merged casual and classy.

Mama's voice came in with curiosity, breaking the moment. "Sila Letitia na ba 'yan, Sienna?" rinig kong tanong ni Mama.

"Um," hindi ko alam kung anong isasagot. Nakatingin lang ako kila Scarlett at August na mukhang naghihintay pumasok.

"Sino ba--" hindi natuloy ni Mama ang sasabihin nang lumapit siya sa akin at makita kung sino ang nasa labas ng unit ko. "Scarlett, ikaw na ba 'yan?" natutuwang tanong ni Mama.

Scarlett responded with a smile that Mama had seen many times before. "Yes po, Tita," her answer carried the weight of old memories.

"Aba, papasukin mo ang bisita mo Sienna. Hindi kita pinalaking ganiyan," nilakihan ako ng mata ni Mama kahit na nakangiti siya. "Halika kayo. Pasok," malambing niyang pinatuloy sila Scarlett. "Pagpasensiyahan niyo na si Sienna at mukhang pagod pa yata sa paghahanda para sa birthday ni Sergio."

Pinaupo ni Mama ang dalawa sa sofa. Ang mga kapatid ko ay halos gulat ding makita ang mga ito. Kita rin sa kanila na nagtatanong ang mga mata dahil hindi pamilyar sa kanila ang batang kasama ni Scarlett.

"No, Tita, I understand. Hindi po kami nakapagsabi na pupunta kami," ngumiti siya. "August wanted to go and can't stop crying kaya dinala ko na po rito."

Pero hindi ko binigay ang address ko.

Lumapit si Sierra sa akin. Nasa may pinto pa kasi ako at nakatayo pa rin. Ngayong nasa teritoryo ko sila, parang hindi ko alam ang gagawin ko. Sigurado naman akong malinis ang buong unit ko pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin na baka may mga nakaligtaan akong linisan kahapon.

"Ate, nagkabalikan na kayo?" Sierra's voice was hushed.

Umiling ako. "Hindi, Sierra."

"Bakit?" nanghihinayang na tanong niya.

"Anong bakit? Nakikita mo 'yang bata na kasama niya?"

"Oo. Ang cute niya nga eh. Magkasingputi sila," Sierra's words flowed freely until realization dawned. Her eyes widened as understanding hit her. "Anak niya?" she gasped, taken aback.

I nodded. "Oo."

"Kanino? May asawa na siya? Sinong tatay ng bata?" Sunod-sunod na tanong niya.

Hinila ko siya papunta sa kusina para doon kami mag-usap ng maayos. "Kilala mo 'yong CEO ng YDM Holdings?" Tumango siya. "That's August's dad... and Scarlett's husband."

"Ha?!" gulat na tanong niya.

"Yup."

Alam mo 'yong alam mo naman at nakikita mo pero hindi nagsisink in sa 'yo 'yong information? Minsan ko lang kasing nakikitang magkasama si Scarlett at Yves. Naiintindihan ko naman dahil parehas silang CEO ng malalaking kompaniya. Pero dahil hindi ko sila parating nakikita ay parang ang nasa isip ko ay may anak lang si Scarlett at walang asawa. But the idea of her being married to Yves hit me like a ton of bricks - it was as if the world was crashing down, and my world was ending along with it.

"Anong plano mo, Ate?" malungkot na tanong niya.

I shrugged, feeling lost. "Wala."

"Bakit wala? Ni hindi mo ba sasabihin sa kaniya na--"

Break Fresh GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon