Kinailangan kong tumigil sa gilid ng kalsada para aluhin si Scarlett. She's sobbing and I am crying. Alam kong sobrang information ang nalaman niya ngayong araw.
"Scarlett," I called her. Inalis ko ang seatbelt ko at hinawakan ang balikat niya. "Alam kong--"
"Did you accept the money?" she asked between her sobs. Liningon niya ako at pulang-pula ang maga niyang mata dahil sa kakaiyak.
"What? Hindi. Pinadala niya ang pera pero binigay ko kay Tita Letitia para siya ang magbalik sa nanay mo dahil hindi ako interesado sa pera niya. Kahit kailan hindi ako magiging interesado sa pera niya," kunot na kunot ang noong sagot ko. "Anong sinabi niya sa 'yo? Na tinanggap ko ang inalok niya? Mas gugustuhin ko pang masunog si impyerno kaysa tumanggap ng pera galing sa kaniya."
She sobbed and hugged me. Umiyak siya sa balikat ko habang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry," she apologized.
"No. I'm sorry," I apologized. "I'm sorry for intentionally hurting you. I..." I sighed. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Saying that I was sorry didn't seem like enough.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. "Naniwala ako sa sinabi ni Mom that you accepted the money. She gave me an audio recording where you agreed to break up with me in exchange for the money she offered. And I believed her. Naniwala ako," she sobbed. "Naniwala ako na kaya mong gawin sa akin 'yon dahil sa pera. I'm sorry. I'm really sorry."
"Ginawa niya 'yon?" hindi makapaniwalang sagot ko.
She nodded, wiping her tears. "She manipulated the audio she recorded noong nag-usap kayo. Hindi ako nag-isip, at naniwala agad sa kaniya."
"It's not your fault. Please stop apologizing," I softly said. "Ako dapat ang humingi ng tawad dahil sa nagawa ko."
"No, it's her fault. Kasalanan niya," galit na wika ni Scarlett. "She did that because why? Kasi hindi siya pinili ni Tita Esme? She did that para maging miserable ka din, at ako? What kind of mind does she have?"
I sighed. "A mind that ruled by her heart," I answered. Miss Aurelia is wrong for what she did, for everything she did. Despite of what she did to me, naintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Pero kahit naiintindihan ko siya, mali pa rin ang ginawa niya.
"How can you do that? Hindi ka ba galit sa kaniya?" may halong inis na tanong ni Scarlett sa akin.
"Noong una nagalit ako. Pero nang ikuwento ni Mama sa akin ang tungkol sa kanila, naintindihan ko. Siguro takot siyang mangyari 'yon sa 'yo. Takot siya na iwan ka, na maging miserable ka, dahil alam niya na iniwan ka niya kaya may parte sa puso mo na kailangan ng pagmamahal. Takot siya na baka gawin ko ang ginawa ni Mama. Takot siya na maiwan ka dahil iniwan ka niya noon."
Hindi ko rin alam kung bakit kahit na gaano kasama ang isang tao o ang sitwasiyon ay nagagawa ko pa ring tignan ang side nila, na baka may dahilan. At kapag nakita ko ang dahilan ay iintindihin ko dahil baka hindi lang sila naintindihan. Para sa iba, pathetic ang tingin sa akin sa bagay na 'yon, para sa akin, kalakasan ko 'yon, at dahil doon ay matapang ako. Nagagawa ko ang hindi nagagawa ng iba. Napakalambot ng puso ko dahil malambot din ang puso ni Mama.
"I'm mad at her," she said.
I nodded. "Naiintindihan ko, at alam kong alam niya 'yon."
"I'm mad at your mom."
Muli akong tumango. "Alam ko, at naiitindihan ko."
"But I still love them," she said.
I managed to smile when I heard her say that. "Because you have a kind heart. It's okay to be angry. You have every right to be angry. We gave you reasons to feel that way. And it's okay, I get it. Your anger is proof of your deep caring, and despite the pain, your capacity to love remains resilient."
BINABASA MO ANG
Break Fresh Ground
RomanceScarlett and Artemis are two women from vastly different worlds. Scarlett, born into wealth and privilege, has always had everything she's ever wanted handed to her on a silver platter. She lives in the fast-paced city, surrounded by skyscrapers and...