49: IN THE COMPANY OF INNOCENCE

627 20 4
                                    


"So, who's telling the truth?" malamig na tanong ni Scarlett sa amin ni Monday.

Nasa opisina niya kami at kinausap dahil sa rumor about her and Yves being married.

"Architect, narinig ko ang narinig ko. Kausap nga ni Architect Del Gallego si Architect Marzan sa Design Lab eh," sagot ni Monday na tumitingin sa akin sabay irap.

"Narinig mo ba lahat?" tanong ko, medyo kinakabahan. Kasi kung narinig niya lahat ng pinag-usapan namin ni Violet, paniguradong alam niya rin na may nakaraan kami ni Scarlett.

"Hindi lahat, pero narinig ko na nakita mong may suot na band ring si Architect Carvajal na puno ng diamonds sa ring finger niya. Ni hindi nga pormal ang pagtawag mo sa sarili mong boss."

I looked at her with suspicion. Imposibleng 'yon lang ang narinig niya?

"At bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?" pagsusungit ko kay Monday. Kung wala lang kami sa harap ni Scarlett baka nasabunutan ko na 'to eh.

"Kasalanan ko ba na malapit nag puwe---"

"Can you two stop?" inis na nagsalita si Scarlett.

Sabay kaming napatahimik ni Monday. Walang ekspresiyon ang mukha ni Scarlett habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Nang magtama ang tingin namin, pasimple siyang umirap.

"We are not done yet. You can now go out," nakataas ang kilay na sabi niya. Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Not you, Del Gallego," she nonchalantly said.

Napatigil ako. Napansin ko ang pagngisi ni Monday sa akin bago lumabas. Tinaasan ko siya ng kilay bago siya tuluyang lumbas. Humanda siya sa akin mamaya.

I sighed before facing her. "I swear, I didn't know that Monday was eavesdropping, and I didn't mean to spread your secret," I rushed to defend myself.

Scarlett looked at me, her expression still guarded. "At sa tingin mo titigil ang mga reporter sa rason mo na 'yan?"

"Hindi ko naman sinasadya. I'm sorry," nakayukong sabi ko.

"Sorry?" she snapped. "Architect ka, hindi ka scientist para gumawa ng hypothesis at mag-assume sa bagay na nakita mo lang," inis na pangaral niya.

Kung bakit ba kasi hindi na lang nila i-confirm ni Yves ang relasiyon nila para isahang bagsak na lang 'yong sakit. Hindi 'yong ganito na dahan-dahan. Ano 'to? Slowburn?

Kaagad niyang sinagot ang tawag nang tumunog ang telepono s amesa niya. "Hello? What?" inis na sabi niya. "No, I will not. Get them out of their," saka niya binaba ang tawag. "May mga press sa baba, baka gusto mong sagutin ang mga tanong nila?" sarkastikong sabi niya.

Napapikit ako. "Look, I'm sorry. Kung maglabas na lang kaya kayo ng statement ni Sir Yves para tapos na?"

"And who are you to decide what's good or not?" napatahimik ako sa sinabi niya. "Ha? See? You can't even answer that."

"I'm sorry," sabi ko na lang. Hindi ko siya matitigan dahil sobrang galit ang tingin niya sa akin.

Scarlett let out a frustrated sigh, seemingly exasperated with the whole situation. "Goodness! I can't believe this mess," she muttered, rubbing her temples as if trying to ward off a headache.

"I'm really so--"

"Yeah, you're sorry, I already hear that. Now, get out, do your job," inis na sabi niya.

I let out a sigh before walking out of her office. I am feeling guilty about this whole situation pero mas angat ang inis ko kay Monday. Nasaan na ba ang babaeng 'yon?

Break Fresh GroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon