Prologue

25.1K 232 11
                                    

Enya's POV



"Enya, simula ngayon, dito ka na titira sa mansion." Ang masuyong sabi ni Nanay Lumen sa kaniya.


Naka ngiting inakbayan siya nito at iginiya papasok sa loob ng mansion.

Namamangha na inilibot niya Ang mga mata sa kabuuan Ng grandiyosong interior Ng mansion.


Para sa isang musmos na batang kagaya niya, Hindi lang Isang mansion iyon kundi Isang palasyo.


At simula sa araw na iyon ay titira na siya sa palasyong iyon.


Sa isiping iyon ay hindi niya maiwasang malungkot kung bakit ngayon ay doon na siya maninirahan. Dalawang linggo lang ang nakakaraan Ng mamatay Ang kaniyang Ina. At ngayon nga ay ulila na siya. Kailanman ay Hindi niya nakilala Ang kaniyang ama. Wala namang naikukuwento Ang kaniyang nanay tungkol dito. Pero kahit ganun man ay kuntento siya at Masaya kahit silang dalawa lang nang nanay niya Ang magkasama. Pero ngayon ay Wala na din ito at iniwan siya.


Mula sa Maynila ay kinuha siya nang kaibigan Ng nanay niya na si Nanay Lumen. Dahil walang kamag anak niya ang gustong ampunin siya, nag kusa na si Nanay Lumen na kupkupin siya. Tutal ay ninang din naman niya ito.


At ngayon nga ay isinama siya nito sa Maynila, sa mansion kung saan ito ay naninilbihan bilang isang kasambahay.


Sinabi ni Nanay Lumen na pumayag Naman Ang amo nito na Doon na siya mananatili sa mansion. Mabait Naman daw Ang amo nito na si Don Matheo De Loughrey kaya wala siyang dapat ipag alala.


"Halika, Enya. Doon tayo sa may Lanai. Ipapakilala kita kay Don Matheo."


Agad na nakaramdam siya Ng kaba. Iniisip niya na baka Hindi Siya magustuhan Ng amo ni Nanay Lumen at baka pabalikin din Siya nito sa probinsiya nila. Wala na siyang babalikan sa lugar nila dahil kahit mga kamag anak Ng nanay niya ay ayaw na sa kaniya.


Lumabas Sila sa Lanai na naka harap sa malawak na Hardin Ng mansion. Sa Isang bahagi Ng Lanai ay may isang mahabang mesa na napapalibutan ng mga upuan na may matataas na likod. Isa sa mga upuan Doon ay okupado Ng Isang lalaki na mas matanda Ang edad kaysa Kay Nanay Lumen. May Isang lalaki na naka uniporme na kaedad ni Nanay Lumen Ang nakatayo sa Isang gilid. Tila nakamasid ito sa lalaking naka upo at kumakain sa mesa. Habang isang babae na naka uniporme Naman Ang nag sisilbi dito.


"Lumen! Dumating ka na Pala!"
Ang masayang sabi ng lalaking naka upo. Tumayo ito nang makita Sila.


"Magandang umaga po, Don Matheo."Bahagyang yumukod si Nanay Lumen sa lalaki. Napahawak siya sa laylayan nito dahil sa kaba.


"Magandang umaga Naman. Siya na ba si Enya?" Nakangiting Sabi ni Don Matheo habang naka tingin sa kaniya. Nahihiyang tumingin naman siya dito.


"Opo Don Matheo. Ito po si Enya, Ang anak nang kaibigan Kong si Marina."


May nakita siyang lungkot sa mga mata Ng lalaki nang tumingin sa kaniya. Pero agad Naman iyong nawala at muling ngumiti sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at bahagyang yumukod sa kaniya.



"Kamusta ka na, Enya? Ako si Matheo Ang may ari nang mansion na ito." Ang nakangiti nitong sabi sa kaniya. Inilahad nito ang malaking kamay nito sa kaniya.


Nahihiyang tinanggap naman niya iyon.


" M-Mabuti Naman po Ako Don Matheo. K-Kayo po?"


Lumapad Ang ngiti sa mga labi ni Don Matheo.


"I'm good, Enya." Bahagya nitong ginulo Ang buhok niya sabay nakangiting tumingin kay Nanay Lumen. " Napaka gandang bata."


The Billionaire's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon