Enya's POV
Kadarating lang nila sa penthouse ni Damon. It's already lunchtime kaya naman take out muna sila sa isang restaurant nang pagkain at sa penthouse na lang sila kumain.
Gusto sana niyang matulog muna at mamaya na lang kumain. Pero Hindi siya pinayagan ni Damon kaya naman wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
Pagkatapos kumain, hinayaan na siya ni Damon na makapag pahinga. Nag shower lang siya at nahiga na siya agad sa kama.
Ah, it's so good to finally be at home. Although, namimiss pa rin niya ang naging bakasyon nila sa Isla. Pero nangako naman si Damon na babalik sila doon kapag hindi na Ito masyadong busy sa trabaho.
And in two weeks, lilipad naman sila patungong US para bisitahin ang pamilya ni Damon. She can't help but feel nervous on meety his family. Nag aalala siya Kung magugustuhan ba siya nang pamilya nito o hindi. She is just a simple girl, a student at wala pang career. While Damon is a well established man. He's a man of the world and so damn filthy rich. Baka hindi siya magustuhan ng pamilya nito para kay Damon.
Napa buntung hininga siya. Naka dapa siya sa kama. She looked at her cellphone and sighed again. Kanina pa niya tinatawagan si Nanay Lumen pero hindi niya makontak ang number nito. Maging si Uncle Arthur ay hindi niya matawagan. Maging ang landline sa mansion ay hindi niya matawagan. Gusto niyang kamustahin ang mga tao sa mansion para sabihing nakabalik na siya at balak niyang magtungo sa mansion mamayang hapon. Hindi lang niya alam kung papayagan siya ni Damon na umalis mamaya. Kadarating lamang nila at siguradong sasabihin nito na kailangan niyang mag pahinga muna.
Damon can be so strict, caring and so protective. Daig pa nito minsan ang Nanay Lumen niya sa pagiging strikto. Pero okay lang naman sa kaniya iyon dahil alam niya na pina ngangalagaan lang siya nito.
Namimiss lang talaga niya si Nanay Lumen. May dala din kasi siyang pasalubong para dito at sa lahat ng tao sa mansion.
Pero bakit kaya hindi niya makontak si Nanay Lumen? Hindi kaya may masamang nangyari sa mansion?
Sa isiping iyon ay bigla siyang kinabahan. Nawala ang antok ang pagod niya nang mga sandaling iyon.
Naisip niyang tawagan si Lory. Bakit ba hindi niya agad naisip ang kaibigan? Alam niyang busy Ito sa internship nito at sa school na lang sila nag kikita nito. Naisip niya na baka na padalaw Ito sa mansion.
Matagal bago sinagot ni Lory ang tawag niya.
"Hello, bes! Musta na? Naka uwi ka na mula sa conference nyo?" Ang masiglang tanong ni Lory.
"Yeah. Kadarating ko lang. Andito ako sa penthouse ngayon." Natahimik siya nang may marinig siyang mga boses na nagsasalita sa kabilang linya.
"May itatanong sana ako sayo, bes.""Ano yun? Sorry ha? Medyo maingay dito sa restaurant. I'm with Rory and my mom."
Napangiti siya sa sinabi nito.
" That's nice, Lory. Mukhang legal na talaga kayo ha?" She is happy for her. Mukhang seryoso na talaga ang relasyong ng dalawang kaibigan niya.
"Hello? Legal naman talaga kami no? Hindi gaya nang isa diyan na hanggang ngayon itinatago pa din ang status ng love life niya." Pag paparinig ni Lory sa kaniya.
She smiled awkwardly. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya sinasabi dito ang tungkol kay Damon. But Lory knew that's she's seeing someone. Masyado lang talaga silang busy na hindi na nila magawang magkwento pa sa love life nang isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Paramour
RomanceWhen a simple maid became the Billionaire's kept woman. Taglish Story.