Enya's POV
Five years later.
"Bye, Mommy! Bye Daddy! I will be good at school!!"
The kid wave at them before the car exit the huge front gate. Papasok na ito sa school at ihahatid ang yaya nito kasama ang personal bodyguard at driver nito.
Taro chuckled and wave at Meita or Mei for short. She's already five years old. And very sweet and sassy for her age.
She waved too at her daughter. Napangiti siya nang malaki. She is so proud of her daughter. Napaka bait nito at magalang sa nakatatanda. She's a well behave child and very intelligent too. Sometimes she act and talked like an adult. Hindi niya alam kung ikatutuwan niya iyon o ikababahala. Gusto niya na maging isang normal na Bata ang anak niya. She wants her to just enjoy her childhood.
Pero siguro nga ay mana sa kaniya ang anak niya. As she age, she became more serious and strict when it comes to parenting.
Meita's funny and silliness side, she inherit it from Taro. Taro treats her like a daughter as Meita treats him like a father. Wala siyang inilihim sa anak. Matagal na nitong alam na hindi nito tunay na ama si Taro. Ngunit kahit alam na ng anak niya ang katotohanan, hindi kailan man nag bago ang pag tingin nito kay Taro. She really love him and always tell everyone that he's her Dad and her 2nd favorite person in the world. Of course, she's her daughter's number one.
Meita never asked her about her real father. Hindi rin naman siya nag initiate na mag kwento sa anak nang tungkol sa tunay nitong ama. Not the she didn't want her daughter to know about her father. Siguro ay hindi pa rin siya handa na sabihin dito ang tungkol sa tunay nitong ama. Kung siya lamang, ayaw na din sana niyang makilala pa ni Meita ang kaniyang anak, kahit sa mga kwento pa.
Damon didn't deserve to be a father to her daughter. Sa simula pa lamang ay hindi na ito naging ama para sa anak niya. Ilang taon na din ang nakakalipas ngunit dama pa rin niya ang sakit nang pagtatatwa nito sa anak niya.
Also, Damon, didn't deserve to know that he's the real father of her child. Buo na sa isip nito na ipinagpalit niya ito kay Luis. Kaya paano pa nito matatanggap ang kaniyang anak? Kung noon nga ay hindi Ito nakinig sa mga paliwanag niya, ngayon pa kaya?
Kaya nga sobra siyang nag aalala at natatakot sa muli nilang pag babalik sa Pilipinas.
Five years ago, after the incident that happened after her discharge at the hospital, Taro take them to his own ranch in Ilocos Norte. Taliwas sa una sana nilang balak na sa rancho ni Don Matheo sila manirahan. Pero dahil sa tangkang pagmamanman sa kanila nang mga hindi kilalang tao, pumayag siyang sumama kay Taro kasama sina Nanay Lumen at Uncle Arthur.
But after she gave birth to Meita, Taro asked her if she wants to go to Japan and lived there. Nandoon sa Japan naninirahan ang parents ni Taro.
At dahil natatakot pa din siya na baka may mangyari ulit na masama sa kaniya at sa anak niya, pumayag siya suhestiyon ni Taro. They flew to Japan with Nanay Lumen and Uncle Arthur. Naka buti naman para sa kaniya at sa anak niya ang pagtira nila sa Japan. Lalo na sa kalusugan ni Nanay Lumen. Her health became stable and she became more stronger. Doon na din ikinasal sa Japan sina Nanay Lumen at Uncle Arthur.
When Meita turned four, they decided to come back in the Philippines because of Don Matheo's health condition. He suffered from mild heart attack. Hindi niya pwedeng pabayaan na lang si Don Matheo kaya naman kahit may agam agam pa rin sila ay bumalik ulit sila nang Pilipinas.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Paramour
RomanceWhen a simple maid became the Billionaire's kept woman. Taglish Story.