Warning:
SPG lvl: 🔥🔥🔥Enya's POV
"Anong iniisip mo?"
Tumingin siya kay Damon na nakayakap sa baywang niya. Naka higa siya sa inilatag na banig ni Damon kanina. May sapin naman iyon na comforter kaya kumportable silang humiga doon. Ilang metro ang layo nila mula sa bonfire na ginawa kanina ni Damon.
Sa tabi niya ay nakayakap ito sa kaniya nang patagilid. His hands doing circle on her stomach. Tanging kumot ang tumatakip sa hubad nilang mga katawan.
Hindi siya sumagot. Hindi dahil ayaw niyang sagutin ang tanong nito kundi dahil hindi niya alam ang isasagot niya dito.
"I don't like it when you're not talking. You're scaring me." May bahid ng disgusto sa boses ni Damon. Itinukod nito ang ulo sa isang kamay at tumunghay sa kaniya.
Doon siya muling napatingin kay Damon? Scared? May kinatatakutan din pala ang isang lalaking kagaya ni Damon. And he said that it scares him when she's silent. Iniangat niya ang isang kamay at hinaplos ang mukha nito.
" Ang sabi mo ay babalik na tayo sa Manila bukas."
"And?" Nagtatanong ang mga mata nito sa kaniya.
Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.
"Parang ayoko pang bumalik. Nalulungkot ako. Gusto ko pa sanang mag stay dito nang mas matagal. " Bakas ang lungkot sa boses niya nang sinabi iyon.
Kung tutuusin, halos isang linggo na sila doon at hindi niya alam Kung anong mangyayari sa pag babalik nila.
Saglit lamang siyang nag paalam kay Nanay Lumen na magtutungo siya sa isang out of town business conference kasama ang boss niya. Hindi niya sinabi kung sinong boss ang kasama niya. Hindi na naman nagtanong pa si Nanay Lumen at sinabi lamang na mag iingat siya sa pupuntahan niya.
She also turned off her cellphone, base na din sa gusto ni Damon. Para daw walang iistorbo sa kanila habang nandoon sila Isla.
Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa pagbabalik nila. Obviously, magtatanong ang mga kaibigan niya lalo na ang mga kasama niyang intern kung saan na siya nag punta. Yes, ang alam sa office ay kasama siya ni Damon sa isang out of town business conference. And that is true. But instead, Joaquim only attended the conference. And Damon surprised her with this vacation.
Hindi niya maiwasang isipin na baka pinag chichismisan na siya sa opisina lalo na nang mga kapwa intern niya. Hindi niya gusto na pinag uusapan siya kahit pa na may dahilan naman ang mga iyon upang pag usapan siya.
Kakatapos lang na ma cancel ang kasal nito at ni Daphne pero heto si Damon, kasama ang babaing naging dahilan nang pag kansela nang kasal nang dalawa. Anong sasabihin nang mga tao kapag nalaman na ang isang kagaya lang niya ang sumira sa relasyon ng dalawa?
Tiyak na malaking iskandalo ang mangyayari. Kahit alam niya na po protektahan naman siya ni Damon, hindi pa rin niya magagawang ipaglaban ang sarili sa ibang mga tao.
Lalo na sa sandaling malaman ni Daphne na siya ang babaeng dahilan nang di pagkatuloy nang kasal nito. Daphne will definitely kill her. Ayaw na niyang isipin pa ang mga bagay na maaaring gawin nito sa kaniya.
Damon will protect her. Hindi siya dapat mag alala. Pero Hindi pa rin niya maiwasan ang hindi kabahan sa pagbabalik nila. Ewan ba niya pero parang may hindi magandang mangyayari sa pag babalik nila sa Manila.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Paramour
Любовные романыWhen a simple maid became the Billionaire's kept woman. Taglish Story.